HM 4

19.7K 214 2
                                        

His Mistress

Purple_Raindrops

May 20, 2013

Chapter 4

Kinabukasan, hindi ako nagpahalatang nabasa ko ang text na yun. Dahil lasing siya kagabi, hindi niya maalala ang mga nangyari sa kanya kaya hindi yun magdududa na pinakialamanan ko ang cellphone niya. Malakas ang kutob ko na pupuntahan niya ang nagtext sa kanya. Kinakabahan ako na nanggigil. Di ko matiyansa kung ano ba talaga ang nararamdaman ko. Makumpirma ko lang talaga na may babae siya. Ewan ko lang kung ano ang magawa ko sa babae na yun. Sinisira niya ang pamilya ko. Inaagaw niya ang asawa ko.

" Mare, kapag tama ang kutob mo. Ang gawin mo sa kabit eh, ingudngod mo sa sahig para magtanda. Aba! Di porke madami ang populasyon ng babae eh, wala na silang delikadesang pumatol sa may asawa ng may asawa. Sumusobra na ang ganyang klase ng babae. "

" Eh paano kung mali ang kutob ko? Paano kung wala? " gusto kong paniwalaang wala ang sarili ko kahit yung mga nakikita ko at napapansin ay nagpapatunay na parang meron nga. Malabo di ba?

" Mare, sa mga sinabi mong nakitang mong signs.. imposibleng wala yun. Kelangan mo lang ng matibay na ebidensya para walang deny.. Hindi naman sa sinisiraan ko si Oliver sa'yo pero Klea, wag ka namang bulag at tanga. Kaibigan mo ako at ayaw ko lang na umasa asa ka at masaktan. " hinawakan niya ako sa balikat. Pumunta kasi ako dun para humingi ng advice sa gagawin ko.

" Natatakot ako, Mare. Natatakot ako sa mangyayari. Natatakot akong masira ang pamilya namin.. Ayaw kong mawala si Oliver sa amin. Paano na lang kami ng anak niya.. Natatakot talaga ako.. "

" Wag kang matakot! Ipaglaban mo ang karapatan mo kung sakali. Kahit ano mang mangyari, sa'yo pa rin naman ang bagsak ni Oliver eh. Ikaw pa rin ang lamang dahil ikaw ang asawa. Ikaw ang legal na pinakasalan. Yun, kabit lang! "

Nagpasya akong sundan siya pagkaalis ng bahay pagkatapos naming mag-usap ng kumare ko. Hindi siya pumasok ng umaga kaya alam ko, pupuntahan niya ang nagtext sa kanya. Hindi ako nagpapahalatang sinusundan ko siya para hindi niya ako makita. Nasa kotse siya samantalang ako ay nasa taxi. Halos 30minutes ang biyahe at tumigil siya sa isang bahay. Malaking bahay. Agad akong bumaba at nagkubli sa isang halaman na malapit dun para makita ng malapitan ang nangyayari. Kumirot ang puso ko. Dahil nang makita ko ang kabuuan ng bahay, dun ko napagtanto na yun pala ang ang bahay na gusto ko sanang bilhin namin kaso ayaw niya. Gusto kong maiyak. Bakit ganun?

Nagdoor bell siya at wala pang isang minuto ay may lumabas na babae at binuksan ang gate. Isang maputing babae ang aking nakita. Naka-short eto at naka-sando. Napatutop ako ng bibig dahil sa eksenang aking nasaksihan. Oliver kissed her and hugged her tight. Agad na tumulo ang mga luha ko dahil nakumpirma ko ngang may babae siya at ang masaklap.. Kilala ko pa ang babae. Si Cezia; college friend ko at pareho naming katrabaho ni Oliver sa bangko dati. Hindi ako makapaniwalang magagawa nila sa akin yun. Hindi talaga! Ang hirap paniwalaan kahit nakikita ko na ang katotohanan. Parang tinuturok ang puso ko sa sobrang sakit.

Itutuloy..

His Mistress (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon