HM 7

17.6K 193 6
                                        

His Mistress

Purple_Raindrops

June 01, 2013

Chapter 7

Bilang ganti, sinampal ko din sya ng kabilaan. " Hindi ko alam na makati ka pa sa dahon ng gabi at higad. Wala ka na ba talagang makitang lalaki at asawa ko pa talaga ang pinatulan mo ha? "

" Ha! Nakakarami ka na, Klea! Mahal ako ni Oliver. Mahal namin ang isa't isa, noon pa! Umeksena ka lang, nagbago na ang lahat. Kinukuha ko lang naman ang dapat sa akin talaga kaya wag mo ko pagsasabihan ng ganyan. Ikaw ang nang-agaw at hindi ako nung una palang. Kapal ng mukha nito para sabihan ako ng ganyan! "

" Nagpapatawa ka ba? "

" Bakit? Hindi mo matanggap ano? Na ako naman talaga ang una nyang minahal at hindi ikaw. Kahit itanong mo pa sa kanya, matagal na kaming magsyota nang pumasok ka sa buhay namin. Hindi ko lang alam na kung paano nangyaring ikaw ang pinakasalan. "

Bakit hindi ko alam yun? Bakit hindi ko alam na naging sila pala ni Cezia? Totoo kaya ang sinasabi ng babae na 'to? O niloloko lang pala ako?

" Kaya kung ako sa'yo, Klea. Ako na mismo ang hihiwalay kay Oliver. Umpisa palang kasi, niloloko ka na nya. Bakit nya di sinabi na naging kami? Dahil ayaw nyang malaman mo.. Dahil ako naman talaga ang mahal nya. Kaya kung may pride ka pang natitira sa katawan mo, magkukusa na ako! "

May lumapit sa amin na waiter at pinagsabihan kami.

" Ma'am, nakakaeskandalo na po ang ginagawa nyo. Baka pwedeng sa labas na kayo mag-usap? " kinuha ko ang bag ko dahil dun. Ayaw ko ng gumawa pa ng eksena.

" Tara na, Mare. Walang kwentang makipag-usap sa ahas na gaya nya. " nakita ko lang na ngumiti sya ng nakakaloko bago kami tuluyang lumabas ng restaurant.. Ngiting maiinis ka talaga at gusto mo syang sabunutan. Bakit hindi ko agad napansin na ganung klase sya na babae? Kung hindi lang talaga nasa pampublikong lugar kami, hindi lang buhos at sampal ang inabot nya sa akin. Ang talas talaga ng dila nya ang di nagustuhan.

Nang nasa bahay na ako, hindi ko inaasahang makikita ko si Oliver dun. Di siguro sila magkikita ng kabit nya. Nakaupo lang eto sa sala at nanonood ng tv. Humarang ako sa harap nya.

" Ano ba?! Nanonood ako ng tv! Wag kang humarang dyan! " malakas nyang sabi.

" Totoo ba? Totoo bang naging kayo ni Cezia bago tayo ikinasal? "

" Hindi na importante yun. Umalis ka nga dyan. Nanonood ako ng tv eh! "

" Importante yun para sa akin. Bakit hindi mo na lang kasi sagutin? Oo o hindi lang naman ah! "

" Bwesit! Ang kulit! OO! KAMI NGA BAGO TAYO IKINASAL! Masaya ka na ba sa narinig mo? " dun tumulo ang mga luha ko na kanina pa gustong umalpas.

" Bakit hindi mo sinabi? Bakit mo tinago? "

" Bakit? Gusto mong malaman kung bakit? " tumayo sya at hinawakan ako sa balikat. " Makinig kang mabuti dahil isang beses ko lang 'to sasabihin! Kaya lang naman kita pinakasalan ay dahil buntis ka nun! Tinakot ako ng papa na kapag di kita pinakasalan, mawawalan ako ng mana at trabaho pero nalaglag lang ang bata. Hindi mo iningatan. Akala ko kapag nakasal na tayo, matutunan din kitang mahalin pero kapag lagi kong nakikita si Cezia sa bangko, hindi ko pala kayang mahalin ka dahil sya talaga ang mahal ko! Klea, i tried! Sinubukan kitang mahalin, pakisamahan ng maganda at bigyan ka ng anak pero in the end, sarili ko lang ang niloloko. Hindi ko pala kaya. Mahal ko pa rin si Cezia at kahit kelan, hindi kita minahal. Until, nakipagbalikan ako sa kanya kamakailan lang. "

I realized, isa lang palang huwad na masayang pamilya ang meron ako. Akala ko, talagang masaya kami pero i am wrong. Naloko lang pala ako. Kung alam ko lang na mangyayari 'to, sana ay lumayo na lang ako noon. Siguro hindi pa malalaglag ang bata. Akala ko ay talagang masaya sya nung nalaman nyang buntis ako. It was all fake. Ang tanga ko ring naniwalang mahal nya ako when he courted me. It was a plan para lokohin lang pala ako at di nya talaga balak na pakasalan ako. Nasukol lang pala sya. Ang saklap ng katotohanan.

Itutuloy..

His Mistress (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon