Finale

28.1K 290 32
                                        

His Mistress

Purple_Raindrops

Sept. 12, 2013

Finale

Ipinikit ko ang mga mata ko at dinama ang hangin na nagtatama sa aking mukha habang nakaharap sa dagat. Isang linggo na rin ang nakakalipas mula nung bumalik kami ng anak ko galing Pinas dito sa Amerika. At wala ng ikakagaan pa ang nararamdaman ko ngayon sa mga nangyayari, wala ng galit sa puso ko. Wala na ang suklam at sakit. Walang mabigat na nakadagan sa puso ko. Kahit ang puso palang nasaktan ng sobra, nagpapatawad pa rin. Akala ko nga, hindi na hihilom ang sugat eh. Pero mali ako, naghihilom pa rin pala. Oo, pwedeng ang marka.. hindi mawala at habang buhay ko yun dadalhin.

Okay, past is past nga. Hindi ko na dapat iniisip yun dahil tapos na. It's over! It is finally OVER. Panibagong buhay na 'tong hinaharap ko ngayon.

Hindi mali ang magmahal. Walang mali kung magmahal ka. Kung may mali man, yun yung taong minahal mo. At marerealize mo na lang na dumating pala siya o dumaan siya sa buhay mo para turuan ka at bigyan ng sakit para subukan ang tatag mo. Sa amin ni Oliver, maaring ganun nga talaga ang nangyari. I loved a wrong person. Cezia love Oliver na alam nyang mali.. na alam nyang may asawa na eto. Pero, hindi mo naman talaga mapipigilan ang puso na magmahal e. Titibok at titibok pa rin eto kahit tama o maling tao pa yun. Titibok pa rin siya kahit alam mong hindi puwede. Yan marahil ang isa sa mga dahilan kung bakit maraming nagkakamaling tao. Puso ang pinapakinggan at hindi ang isip. Minsan talaga, traidor ang puso ano?

Sana, maging okay na si Cezia ngayong nailibing na si Oliver. Hindi talaga siguro sila ang para sa isa't isa kasi kahit ipinaglaban nila ang pagmamahalan nila laban sa akin.

" Sina Cezia at Oliver pa rin ba ang iniisip mo? "

" Ully.. "

" Pwede bang ako na lang ang isipin mo at ang anak mo? Magiging pamilya na tayo.. "

Yes. Pumayag na ako sa gusto nya. Pumayag na akong magpakasal sa kanya. Sa lahat ng nangyari, eto na marahil ang right time para doon. Hindi naman sa nagmamadali pero iba pa rin yung kasal kayo. Hindi ba? May karapatan kayo sa isa't isa. May pinanghahawakan ka bukod sa pagmamahal nyo. Iba pa rin yung may marriage at may basbas ng simbahan.

Wala na akong mahihiling pa bukod sa kahit ano pa ang pagsubok na darating sa amin ni Ully. Mananatili pa rin kaming matatag at malalagpasan namin ang lahat kahit ano pa ang mangyari. Kahit ano pang unos yun, basta magkasama kami. Ayos na yun sa akin. Walang bibitiw sa aming dalawa. Yun lang ang nais ko. Yun lang..

" Mahal na mahal kita, Klea. "

" Mahal na mahal din kita. Thank you, Ullyses dahil dumating ka at minahal mo ko sa kabila ng lahat. Thank you. I love you so much.. "

Wakas..

** ang lame ng ending. Halatang minadalian. Hihi. :""> Pasensya na. Salamat sa pagbasa nito.

His Mistress (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon