HM 17

17.7K 177 2
                                    

His Mistress

Purple_Raindrops

Aug. 12, 2013

Chapter 17

" So, pirmahan mo na yan, Klea. Para matapos na 'to! " maarteng sabi ni Cezia sa akin habang nakatunghay ako sa papeles na ibinigay ni Oliver sa akin. Nakaakbay pa siya dito habang nakatayo.

" Ang kapal din ng mukha mo! Ninyong dalawa ng kabit mo para ikaw ang magfile ng annulment! Ilalapit ko muna 'to sa abogado bago ko pirmahan! " mahinahon pero galit kong sambit.

" Klea, hindi na isyu kung sino ang naunang nagfile. Basta pirmahan mo na yang annulment papers para matapos na. Stop making any excuses! " bakit ba atat na atat si Cezia? Kapal lang talaga e. Kung ikakasiya ni Cezia yun, hindi ko basta ibibigay yun sa kanya. Hindi ko muna pipirmahan yun hanggat hindi ko pa naibibigay sa kanilang dalawa ang nararapat sa kanila.

" Maghintay kayo kung kelan ko pipirmahan 'to! Wag nyo akong apurahin! " tumayo ako at padabog na itinapon ang mga papel sa mesa. Ginawa ko yun hindi dahil gusto ko pang maayos kami ni Oliver. Bago ko lang tuluyang bitawan ang taksil kong asawa, gusto kong magtanda sila ni Cezia.

I'll file a case laban sa asawa ko at kabit niya. Pangangaliwa at pananakit ni Oliver sa akin. Di ko sila pagbibigyan ng ganun kadali lang. Karapatan ko rin naman yun bilang asawa at babae. Di ba? Walang masama sa gagawin ko. Hindi paghihiganti yun.

After i file a case, few days after ay nagkita kami ni Ully.

" Pag naparusahan na ba si Oliver at Cezia? Magiging masaya ka na ba, Klea? " kahit naiilang pa rin ako sa halik na ginawa niya nung nakaraan. Kinausap ko pa rin sya ng maayos.

" Siguro. Marahil, oo. Wala pang nangyayari kaya hindi ko pa yan masasagot sa ngayon. " napasinghap ako nung hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko.

" Hayaan mo na sila. Tutal, nasa iyo naman ang anak mo. Dapat maging masaya ka na rin at tuluyang makamove-on. Tuluyan mo ng kalimutan ang lahat ng mga nangyari. Bahala na ang Diyos sa kanila. "

" Naka-move on na rin naman ako, Ullyses eh. Ginawa ko lang naman yung nararapat. At sa ikakatahimik ng husto ng puso ko. "

" Then, give they want. Set Oliver free. Stop loving him. "

" Later on.. Bakit ba, Ully? Step by step naman yan e. Why in a rush? " dahan dahan kong kinuha ang kamay ko na hawak niya. At hindi tumingin sa kanya ng diretso.

" 'Cause i love you.. " those words. Ni minsan, hindi ko narinig kay Oliver. Akala ko action speaks louder than word pero iba pa rin pala pag sinasabi yun. Ibang kabog ang binibigay nito sa akin. Does it mean? Gusto ko na si Ully? No.. Masyado pang maaga. Imposibleng magkagusto ako sa kanya nang ganun lang kabilis.

" A-Ah.. Nagpapatawa ka ba? May anak na ako. Paano mo ko mamahalin? Haha. " i fake laugh. Para itago ang kabang nararamdaman ko.

" Ano ngayon? Mahalaga ba yun? Hindi naman big deal ang anak mo eh. Eversince, mahal na kita. Way back then. Nung college pa tayo. " i stopped for awhile. Sincere siya. Nararamdaman ko yun. Pero merong takot.. takot na akong maniwalang mahal nila ako. Parang.. Parang natrauma ako kay Oliver. " It's okey, Klea. I know nabigla ka. Hindi naman ako nagmamadali e. I can wait pero sana hindi naman ganung katagal. All i want is sumama ka sa akin pabalik ng Amerika at magbagong buhay ka kasama ko. Lahat ng mga bagay na hindi mo naranasan kay Oliver, gagawin ko. I want you to be happy. " i dont know what to say. Parang ang bilis. Di ako makapaniwala na may magmamahal pa sa akin after ng nangyari sa amin ni Oliver.

** maikling update :D (whats new?) haist. Kahit me fever, tipa lang. Kelangan e.

Itutuloy..

His Mistress (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon