HM 5

19.1K 207 3
                                    

His Mistress

Purple_Raindrops

May 25, 2013

Chapter 5

Pumasok ang dalawa sa bahay at naiwang nakaawang ang pinto ng gate. Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa, agad din akong pumasok dun. Kahit naiiyak na ako, pinigilan ko. Binuksan ko ang pinto ng bahay ng walang kahirap hirap at bumulagta sa akin ang eksenang higit pa sa nakita ko sa labas ng bahay. Half naked na si Oliver habang nakakandong si Cezia sa kanya at hinahalikan sya nito sa leeg. Gusto kong mandiri. Ganito ba talaga nila kamiss ang isa't isa at agad nagsunggaban? I never seen Oliver like this. I mean, hindi sya ganun kapag kami na. Napapikit ako ng mariin. Ni hindi man lang nila ako napansin sa aking pagpasok.

" MGA WALANGHIYA! MGA HAYOP! " nagulat silang nagbitawan sa isa't isa sa pagsigaw ko. Nagpupuyos ako sa galit. Di pa rin talaga ako makapaniwala na magagawa nila 'to sa akin. Agad kong sinugod si Cezia at sinabunutan. " Kaibigan kita, Cezia! Kaibigan pero nilandi mo ang asawa ko! Wala kang delikadesa! Wala kang hiya! " halos magdilim na ang paningin ko at hindi ko na alam ang pinaggagawa ko. Galit na galit ako sa aking nakumpirma.

Si Oliver ay hindi alam kung sino ang aawatin o hihilahin sa aming dalawa. Nanlalaban si Cezia pero mas malakas ako sa kanya. Siguro dahil hindi nya magawang manlaban dahil sa gulat. At di nya siguro inaasahang makikita ko sila na sa ganung sitwasyon.

" Malandi ka! Malandi! " nang di pa ako makuntento sa sabunot, pinagsasampal ko sya, sinakyan at nginudngod sa sahig tulad ng sabi ng kumare ko. Nanggigil ako. Ni sa hinagap, di ko naisip na ang kaibigan ko pa ang magiging kabit ng asawa ko. I can't imagine it really happens. Bakit ako pa? Bakit kami pa? Bakit si Cezia pa?

" Aray! Tama na! " pakiusap niya pero hanggat hindi pa nauubos ang lakas ko, di ako titigil. Hinawakan na ako ni Oliver sa balikat pero ayaw ko pa rin paawat. Hanggang sinampal na niya ako na ikinagimbal ko at ikinabalik ng tino ng isip ko.

Pinagbuhatan ako ng kamay ni Oliver.

" Tama na! Nasasaktan na si Cezia sa'yo! Umalis ka na dito! " bulyaw nya.

" Pero, Oliver.. "

" I said, go! Alis! Nakakahiya ka! Wala kang manners! " galit na galit nyang sigaw sa akin.

" Manners? Kayo nga ang walang delikadesa! Kayo dapat ang mahiya! Nakakadiri kayo! Akala ko, sa kwento at tv lang nangyayari ang ganitong eksena pero hindi pala. I can't believe its happening to me. " umiyak na ako. Umalis din agad ako dahil ayaw ko pang ibaba ang sarili ko sa ginawa ko. Hindi pa kami tapos ng babae na yun! Walahiya sila!

Oo, marahil tahimik ako at ayaw ng gulo pero ayaw ko namang magmukhang kawawa. Maaring mahina ako sa paningin ng iba pero hindi ako tipong susuko na lang. Tama ang sabi nila, ako ang legal.. ako ang mas higit na may karapatan kay Oliver! Kabit lang si Cezia!

Pasado alas diyes na siya nakauwi ng gabi. Nakainom eto. Magulo ang buhok at damit. Ang necktie ay hindi na nakalagay sa polo nito.

Hinintay ko talaga sya para makapag-usap kami. " Kelan mo pa ako niloloko? Bakit mo nagawa yun sa akin ng mga anak mo? "

" Pagod ako, Klea. Bukas na tayo mag-usap. " he went towards to our room pero hinarangan ko siya.

" Hindi na ako makapaghintay ng bukas pa. Kausapin mo na ako ng maayos! "

" Bwesit! Tulad nyan, pagod ka na nga.. Kukulitin ka pa! Yan! Isa yan sa mga dahilan kung bakit ko ginawa yun! Ibang iba si Cezia sa'yo! "

" Ibang iba? Bakit? Ano ba ang ginawa nya na hindi ko magawa? Mas magaling ba sya sa kama? Oliver, halos lahat ginawa ko para makuntento ka sa akin pero bakit nagawa mo pa rin 'to sa akin? Ano ang mali ko para pasakitan mo ako ng ganito? Ha? Ano? "

" Hindi na ako masaya sa pagsasama natin. Masyado ng lame. " si Oliver ba talaga ang nasa harap ko? Ang lalaking nangakong mamahalin ako habang buhay.. Sa hirap man o ginhawa. Ang sakit sakit. Sobrang sakit. I thought it was perfect marriage, mali pala. Mararanasan ko pala ang ganitong pagsubok na sa libro ko lang nababasa at telebisyon nakikita.

** mag-uumpisa na ang tapatang Klea at Cezia sa mga susunod na chapter! Sino ang unang uurong? Sino ang susuko?

Itutuloy..

His Mistress (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon