His Mistress
Purple_Raindrops
June 24, 2013
Chapter 9
** may mga typo errors pala. :D pasensya! Then natagalan pa ang update.
" Wag kang magrereklamo, Klea! Pasalamat ka pa nga na umuuwi pa ako dito! Dahil sa totoo lang, ayaw ko ng umuwi dito dahil naiirita ako sa pagmumukha mo! Kaya lang naman ako umuuwi ay dahil sa anak ko. Kaya wag mo akong bigyan ng dahilan upang tuluyan na akong wag umuwi dito. Peste! " singhal ni Oliver sa akin.
" Anak mo? Anak natin yan! Wag mo nga angkinin na anak mo lang siya! " malakas ko na pagkakasabi. Ako ay kanyang nilapitan at sinakal.
" Wag na wag mo akong masigawan, Klea! Asawa lang kita! Si Cezia, hindi ako ginaganyan. Ibang iba talaga siya sa'yo. Wala ka sa kalingkingan niya! "
" Ahh, a-aray! N-Nasasaktan ako, Oliver! Bitawan mo -- ugh --ako! " pilit kong inaalis ang kamay niya sa aking leeg pero sadyang malakas siya sa akin. Sobra na akong nasasaktan sa ginagawa niya -- emotional at physical.
Pabalya niya akong binitawan. Wala akong nagawa kundi ang mapaupo sa sofa sapagkat parang naubos yata ang lakas ko sa ginawa niya. " Dahan dahan ka kasi sa pagsagot sa akin! Ako pa rin ang bumubuhay sa pamilya na 'to kaya wag mo akong pagmalakihan diyan. Kung hindi dahil sa akin, magugutom kayo mag-ina dito! "
Naiwan ako sa salas matapos niya akong pagsabihan. Umalis na naman siya. Kumuha lang ng damit si Oliver at babalik na naman siya kay Cezia. Harap harapan niya talaga akong sinasaktan. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit kelangang pahirapan niya ako ng ganito. Ginawa ko ang lahat lahat. Binigay ko ang buong buhay ko sa kanilang dalawa ng anak ko. Minahal ko naman siya e. Pero bakit parang kulang pa yun? At nagawa pa niyang maghanap ng iba. May mali ba sa akin? Ano ang kulang sa akin? Tama ba ang kumare ko? Paano na lang kami ng anak ko?
Alam kong paulit ulit ko ng tinatanong ang mga bagay na yan. Hindi ko kasi matanggap na magkakaganito kami ni Oliver eh.
" Diyos ko! Hindi naman ako nagrereklamo pero bakit eto pang pagsubok ang binigay ni'yo sa akin? Bakit ang relasyon pa namin ni Oliver ang iyong sinubok. Kelangan ko na bang sumuko? Hindi ko na kaya 'to. " napaiyak na naman ako. Walang araw na hindi ako umiiyak. Hirap na hirap na ako pero tinitiis ko pa rin. Marahil ganun talaga ang buhay, kahit nahihirapan ka na.. Nakakaya mo pang magtiis dahil mahal mo ang tao. Hindi mo naiisip na nasasaktan ka na pala sa ginagawa mo.
Sa aking paglalakad ng araw na yun, lutang ang aking isipan kaya naman may hindi ako sinasadyang mabangga na lalaki. Hindi ko kasi sya napansin agad. " I'm sorry. I'm sorry. Hindi ko sinasadya. "
" Klea? Ikaw ba yan? " hinawakan niya ako sa balikat at itinaas ang aking baba.
" Ully? Ullyses? " laking gulat ko na kilala ko pala ang aking nabangga.
" Ako nga. Ang laki ng ipinagbago mo ah! Kamusta ka na? "
Si Ullyses, kaklase ko din sya nung college. Mabait siya at ang balita ko ay nasa Amerika na 'to nakadestino kaya naman nagulat talaga ako na makita ko siya ng mga sandaling yun. Hindi ko agad siya nakilala dahil lumaki ang katawan nito na dati ay payat. Wala na rin etong salamin at halata mong propesyonal na etong tao.
Itutuloy..
![](https://img.wattpad.com/cover/5553373-288-k422169.jpg)