His Mistress
Purple_Raindrops
Aug. 02 2013
Chapter 15
Ilang araw din akong kinukulit ng anak ko. Bakit daw kami umalis sa bahay? Bakit kami nag-aaway ng papa niya? Maraming tanong na kahit sagutin ko man, hindi rin naman niya maiintindihan.
Bumalik ako sa mga magulang ko. Nagtanong sila pero hindi ko sila masagot ng maayos at hindi rin naman nila ako kinulit. Parang alam na rin nila kung bakit ako umuwi dun. Dahil anak nila ako, naiintindihan nila kahit tahimik lang ako at hindi nagsasalita. Parang parents instinct?
May part dito sa puso ko na umaasa akong susundan ako ni Oliver. Aamuin. Susuyuin at hihingi sya ng patawad sa akin. Pero... Dalawang linggo na ang nagdaan, walang Oliver na pumunta sa amin. I knew it pero hindi ko lang matanggap. Wala na nga talaga akong halaga sa asawa ko. Mas pinili niya si Cezia over his family. Minsan, tinatanong ko pa rin sa isip ko. Totoo ba 'to? Panaginip lang 'to di ba? Pero bakit nasasaktan ako. Hindi lang pala sa mga kwento o tv nangyayari ang mga 'to. Sa totoong buhay din pala. Kung naapektuhan ka kung sa tv lang, what else sa totoong buhay na.
" Mama, asan na si Papa? Namimiss ko na siya e. Hindi na ba niya tayo love? "
" Ofcourse, mahal ka ng papa mo. Busy lang siya. " sa kabit niya. Oh God! How can i tell that to my son? Hindi. Mas mabuting wala siyang alam. Kahit galit ako kay Oliver, hindi ko siya magawang siraan sa anak namin. Afterall, ama pa rin sya ng anak ko.
Napagdesisyunan kong bumalik sa pagiging empleyado ng bangko. Nag-apply ako at iniwan ang anak ko sa mga magulang ko. Gusto kong ibalik ang buhay ko na wala pa si Oliver.. Gusto kong mabuhay na lang para sa anak ko. Sa aming dalawa lang at wala ng iba. Oo, i am trying to move on steps by step.
Si Ully naman, lagi kong nakakausap at minsan nagkikita kami. Alam ko, inaaliw nya lang ako para kahit papaano makalimutan ko ang nangyari. Madami akong mga nalaman sa kanya, may sense of humor siya kausap at hindi tulad ng iniisip namin sa kanya nung college pa kami na boring syang tao dahil nerd siya. Tinulungan nya akong baguhin at ibangon ang sarili ko sa pagkakadapa. Masuwerte akong may mga taong dumadamay sa akin.
The sweetest revenge you could do ay ang ipakita sa kanila na okey ka kahit wala na sila sa buhay mo. Oo, tama yun! Hindi ko tipo ang gantihan sila at sirain din ang buhay nila gaya ng ginawa nila sa akin. Darating ang karma nila sa tamang pagkakataon. At ako, panonoorin ko na lang at tatawanan sila.
Isang araw, nagkita kami ni Cezia sa mall habang namimili ako ng mga damit. Hindi ko inaasahang magkikita pa kami matapos ng lahat. Maliit nga talaga ang mundo kahit di mo gustong makita, makikita mo pa rin.
" Klea, andito ka rin? By the way, hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawa mo sa akin a month ago. Buti na lang, nakiusap si Oliver sa akin na wag ka ng patulan. Pero kung ako lang, matagal na kitang gustong patulan. " nakangisi niyang sabi. As if naman natatakot ako sa banta nya.
" Then go ahead! Akala mo ba natatakot ako sa gagawin mo? " matapang kong sambit tapos nilagpasan niya pero di pa nga ako nakakatatlong steps. Sinabunutan na nya ako.
" Sabi mo e! Kahit nagbago ka ng mukha at ayos. Asawa ka pa ring iniwan ni Oliver. Kawawa ka talaga! "
" Tulad ng laruan, itatapon ka rin ni Oliver. Magsasawa din siya sa'yo. Ang kabit, kahit kelan hindi magiging wife material and lifetime partner! Kung may kawawa man sa ating dalawa, ikaw yun at hindi ako! " hindi ko ininda ang mga sabunot niya. Gumanti din ako. Matira matibay.
Itutuloy..