His Mistress
Purple_Raindrops
Aug. 06 2013
Chapter 16
Sa ikalawang pagkakataon, naeskandalo na naman kami ni Cezia. Kung noon, pinalampas ng may-ari, ngayon hindi na. Pinapunta na kami sa opisina ng mall at kinausap ng manager. Kung iisipin mo ang mga itsura namin, maaaring matawa ka na lang. Pareho kaming mga bruha.. Ang gulo ng buhok at halos parang mga pulubi na kami sa mga damit namin. Nakakainis lang dahil hindi naman ako ang nag-umpisa ng gulo. Nakakainis lang dahil kulang pa ang sabunot para kay Cezia. Nakakapagtaka lang kung bakit may mga gaya niyang walang delikadesa na pumatol sa may asawa na.. At sila pa ang matapang sa original.
" Mga Ma'am, kung may personal problem kayong dalawa. Pag-usapan nyo, hindi dito. Nasa pampublikong lugar kayo. Nakakahiya lang po kasi. " kahit alam kong mahinahon ang pagkakasabi ng manager, alam kong naiinis siya sa eksenang ginawa namin ni Cezia. Hindi naman madadaan sa usap ang lahat e.
" Sorry Sir. Hindi na mauulit. " hinging paumanhin ko pero etong si Cezia, ayaw paawat.
" Ano bang pakialam mo sa problema namin? Wag kang mangialam sa amin ng babae na 'to. Manager ka lang dito! "
" Ma'am.. "
" Ano ba, Cezia? Para kang walang pinag-aralan ah! Parang kang bata. Kung tutuusin nga, kasalanan mo 'tong lahat pero ako na ang humingi ng pasensya. " yamot na yamot na talaga ako sa pagbubunganga niya. Palengkera. Eskandalosa!
Tumayo siya. " So, kung ganun, santa ka na! Hindi ko naman hininging magsorry ka ah! Kapal nito! " hahaba lang ang usapan kung papatulan ko pa siya. Tumahimik na lang ako.
" Sir, kung okey sa inyo. Aalis na ako. Susunduin ko pa kasi ang anak ko eh. Pasensya na talaga sa abalang nagawa namin. "
" Okey. Sana naman kung ano man ang pinag-aawayan nyo. Maayos nyo pa. " kung maayos pa nga. Sa tingin ko. Hindi na. Sumuko na ako. Ayaw ko na ng gulo pero gulo ang lumalapit sa akin.
Umalis ako dun at hindi na pinansin ang nag-aalburutong si Cezia. Ano pa ba ang gusto nya? Nasa kanya na si Oliver. Di pa ba sapat yun para patahimikin nya ako? Dapat masaya na siya at hayaan na lang ako.
**
" Isang buwan na lang, aalis na ako at babalik ng Amerika. Tapos na kasi ang mga dapat kong asikasuhin dito. " ewan ko ba pero nung sinabi niyang aalis na siya sa susunod na buwan, bahagya akong nalungkot. Sa ilang buwang kasama ko siya, naging malapit na siya sa akin. Naging karamay ko siya sa kalungkutan ko.
" Ganun ba? Well, thats good to hear. "
" Okey lang sa'yo na umalis na ako? "
" No, hindi naman sa ganun -- " nagulat ako kasi dumukwang siya at hinalikan ako sa labi. Hindi ko alam kung bakit nya ginawa yun. Wala naman akong lakas ng loob na tanungin siya matapos nun. Nung pagkatapos nga nun, naging awkward na ang pagitan sa amin ni Ully.
Ilang araw ko ding inisip ang nangyari. Kahit ang iniisip ko na baka gusto nya ako kaya niya ginawa yun, iwinawaglit ko yun sa utak ko. Pamilyado akong tao. May anak. Hindi naman siguro tama ang iniisip ko. Marahil nabigla lang siya. Marahil.. ewan. Di ko na alam ang gagawin ko. Iisipin. Dapat ang anak ko lang ang iniisip ko. Sa anak ko lang ang atensyon ko pero hindi ko maiwasang hindi isipin ang ibang bagay.
**
Nang araw na yun, yun ang unang beses na nagkita kami ng asawa ko matapos akong umalis ng bahay namin. Halos dalawang buwan na rin yun. Oo, aaminin ko. Namiss ko siya at may bahagi dito sa puso ko na yakapin siya pero nanaig ang galit ko sa kanya lalo na at kasama niya pala si Cezia. I thought kaya siya nakipagkita sa akin para maging maayos kami, hindi bilang mag-asawa kundi kahit magulang man lang para sa anak namin pero it was a big mistake.. Kaya lang pala siya nakipagkita sa akin dahil gusto nyang ma-annul ang kasal namin dahil balak nilang magpakasal ng kabit niya.
Bakit ba umaasa pa ako? Expected ko naman yun e. Hindi lang ganun kadali dapat mangyari yun. Kahit respeto na lang sana sa akin na asawa niya. Kahit respeto na lang sa pinagsamahan namin. Pero hindi.. Kahit hiwalay na kami. Patuloy nya pa rin akong sinasaktan.
** i think, 4 to 9 chapters na lang po 'to. :)
Itutuloy...
