HM 8

16.6K 180 9
                                        

His Mistress

Purple_Raindrops

June 11, 2013

Chapter 8

Magkasama nga kami sa iisang bahay pero hindi halos kami nagkikibuan o nag-uusap ni Oliver. Kapag magkasalubong kami ay parang hindi kami magkakilala. Hindi ko alam kung hanggang kelan ko 'to kakayanin.. Kung hanggang saan ko titiisin na mapakamartir sa pamilyang nung umpisa palang pala ay mapanlinlang na. Pamilyang hindi naman pala totoo. Kapag nakikita ko ang anak ko, hindi ko magawang sumuko na lang basta basta dahil naawa ako sa kanya. Di bale ng ako ang masaktan, wag lang sya. Di bale ng ako ang umiyak, basta alam kong masaya sya. Kung may taong dapat na alalahanin ko, yun ay ang anak ko. Sya ang mas higit na importante sa akin ngayon.

" Hindi ka ba napapagod, Klea? Ilang buwan na rin ang nakalipas simula nung nalaman mo na may kabit ang 'yong asawa. Hanggang kelan mo ba pakikisamahan ang manloloko mong aasawa na yan ha? " namasyal minsan ang aking kumare sa bahay namin.

" Hindi ko alam, Mare. Basta ang mahalaga ay ang anak ko. Siya ang maiipit sa oras na malaman niya ang totoo. At hindi nya maiintindihan ang mga nangyayari sa amin. Ayaw kong bigyan ng iisipin ang anak ko. "

" Hay naku! Walang baho ang di nabubunyag. Dapat habang maaga, sinasabi mo na sa bata. "

" Umaasa kasi ako na magigising si Oliver sa mga ginagawa nya balang araw. Siguro sa ngayon, nabubulag pa sya. Kelangan ko lang magtiis at manalig sa itaas. Alam kong di niya ako bibigyan ng ganitong pagsubok kung hindi ko naman kaya e. "

" At kelan naman yun, Klea? Pagputi ng uwak? Ng buhok mo? Wake up, Klea. Mga ganyang tao, hindi na pinagbibigyan ng isang pagkakataon o pag-asa. Kita mo nga, nasaan siya ngayon? Nasa kabit nya. Dun na siya umuuwi tapos umaasa ka pang magkakaayos kayo? Nahihibang ka na talaga. Dapat nung una pa lang, iniwan mo na para di ka na mahirapan. Ako ang naawa sa'yo e. Sa inyo ng anak mo. Kung ano ano na ang idinadahilan mo sa bata. "

" Hindi naman masamang umasa, di ba? Tao lang din ako. Kung magsisisi sya, tatanggapin ko sya. "

" Klea naman! "

" Mahal ko pa rin sya, Mare. "

" Ayan! Sa lintik na pagmamahal na yan kaya ka lalong nahihirapan.. Hiwalayan mo na kasi yang si Oliver. Isipin mo ang sarili mo. Kung kapakanan ng bata ang iniisip mo, ikaw na lang tumugon nito. Ipakita mo sa kanya na mali ang ginawa niya sa'yo. Maaring babae ka at sa tingin niya ay mahina ka kaya niya yun ginawa, puwes ipakita mong mali sya! Ipakita mong malakas ka at hindi ka nakadepende sa kanya. My God! Dapat yun ang iniisip mo. Hindi yung pinapakita mo na mahina ka sa kanya. "

Ano nga ba ang dapat kung gagawin?

Itutuloy..

His Mistress (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon