His Mistress
Purple_Raindrops
Sept. 06, 2013
Chapter 22
-- may mga error pala sa prev. chapter. Sorry.
I thought i will never be back again here. Dito sa lugar kung saan ako nasaktan at umiyak.
Mahigpit kong hawak ang kamay ng anak ko habang papasok kami sa dati naming bahay. Tinirhan ko ng ilang taon. Saksi ang bahay na 'to sa pagsasama namin ni Oliver. Mga nangyari sa akin.
Pinapangako ko talaga sa sarili ko na eto na ang huling beses na tatapak ako sa bahay na 'to! Kapag umalis na ako dito, hinding hindi na ako babalik pa dito. Kahit kelan.
" Mama, makikita na po ba natin si Papa? " tumigil kami sa paglalakad saka hinarap ang anak ko. Hinaplos ko ang buhok nya saka ngumiti ng pilit.
" Yes, son. It will be the last time na makikita mo siya. " ani ko. Ayaw ko na talagang umuwi pa dito sa Pinas pero kahit baliktarin ko man ang mundo, si Oliver ay ama pa rin ng anak ko at minsan na naging parte ng buhay ko. Hindi yun ipagkakaila.
Pagkapasok namin sa loob, tanaw ko agad si Cezia. Nasa tabi ni Oliver. Minamasdan nya ang lalaki. Nasasaktan ba ako? Tulad ng sabi ko, hindi na ako apektado sa kanila. Naka-move on na ko.
Ang laki ng ipinapayat ng babae. Sa tingin ko nga, lumosyang siya at hindi na siya gaya ng dati na ang sexy at maalaga sa katawan. Wala na ang pinagmamalaki nya sa akin. Nang mapansin nya ako. Doon ko nakita ang buong mukha ni Cezia. Mugto ang mata at tila tumanda eto ng higit pa sa edad niya. Ibang Cezia ang kaharap ko ngayon. Lumapit siya sa amin.
" Akala ko, hindi na talaga kayo darating. Halika, hinihintay kayo ni Oliver. " hindi ako nagsalita. Sumunod na lang kami ng anak ko sa kanya papunta kay Oliver.
Maputla si Oliver. Pumayat din eto gaya ni Cezia. Ang mukha nito ay halatang dumanas ng paghihirap. Huminga ako ng malalim. " Siguro, yan talaga ang plano ng Diyos sa kanya. " sambit ko sa kawalan.
" Matagal na pala siyang may sakit sa baga. Iniinda lang nya. Nung kasal pa pala kayo ay maysakit na si Oliver. Lumala dahil hindi agad napagamot. Kung naagapan lang sana. Baka may pag-asang gumaling pa siya. Tama ka nga siguro. Planado nga 'to. " biglang humagulgol ng iyak si Cezia habang hinahawakan ang mukha ni Oliver. Aaminin ko, naaawa ako sa kanya. Hindi naman ako manhid e. May puso pa rin ako na maawa sa kanila kahit sabihin pa nating galit ako sa kanila. Maari ngang karma nila 'to pero hindi ko iniisip na ganito pala ka-grabe ang mangyayari. Parang ang sobra naman yata.
Hinawakan ko ang likod niya. " Tahan na. Kelangan mong tanggapin ang nangyari para hindi ka mahirapan ng sobra. Natural lang ang masaktan pero wag mong hayaang masira ang buhay mo nang dahil dito. Habang nabubuhay ka, habang humihinga ka pa.. May pag-asa. Hindi pa katapusan ng mundo, Cezia. Hindi pa.. "
Humarap siya sa akin saka kinuha ang dalawang kamay ko. Lalo lang siyang napaiyak. " Klea, sorry.. Gusto kong magsorry sa ginawa ko sa'yo. Sa lahat ng mga nasabi ko sa'yo dati. Sorry. Alam ko kulang pa ang sorry sa mga nangyari.. sa mga sakit na naramdaman mo. Hindi ko hinihinging patawarin mo ako ngayon. Sapat na sa aking humingi ng patawad sa'yo at nasabi ko 'to sa'yo. Sapat na rin sa aking pumunta ka dito kahit sa huling pagkakataon. Bago siya nawala, ipinakiusap nyang ihingi ko siya ng patawad sa'yo. Sa lahat ng ginawa niya. Labis siyang nagsisisi sa mga ginawa nya sa iyo at sa anak nyo. Nahihiya siya dahil naging iresponsableng padre de pamilya siya sa pamilya nyo. Sana mapatawad mo pa siya. Kung pwede lang nya daw ibalik ang dati, ginawa nya matagal na. Kung hindi pa sapat ang nangyari sa kanya sa mga nagawa nya sa'yo, ako na ang aako nun. Ako na lang.. Patawad, Klea. Patawad.. " napaluhod siya sa harap ko pero pinatayo ko siya.
" Naka-move on na ako. May bago na akong buhay ngayon. Cezia, pinapatawad ko na kayo. Sino ba naman ako di ba? Tao lang ako. Hindi ako perpekto. Kung anuman ang nangyari sa ating tatlo noon, tapos na yun. Magsimula na tayong lahat ng panibagong buhay. Maging masaya na tayo dahil malalagpasan din natin 'to! "
" S-Salamat. Salamat, Klea. Napakabuti mo talaga. Salamat. Salamat.. " niyakap nya ako at niyakap ko rin siya. Pinunasan nya kalaunan ang mukha nya saka humarap ulit kay Oliver. Humarap din ako dito. " Alam kong sasaya na ngayon si Oliver kasi pinatawad mo na kami. Makakapagpahinga na si Oliver ng matiwasay sa langit kasama ang mga anghel. "
" Uhh.. "
Wala na si Oliver. Namatay siya nung nakaraang linggo dahil sa malubha nyang sakit. Hindi na niya nakayanan ang sakit kaya bumigay na siya. Nung tumawag si Cezia sa akin, parang ayaw kong umuwi para makita si Oliver sa huling pagkakataon.. Pero umuwi na rin ako para makapagpaalam ng maayos dito. Ayaw ko rin namang ipagkait sa anak ko na makita si Oliver.. for the last time bago eto ilibing. I don't want to be selfish.
Tuluyan na kong nakalaya sa nakaraan ko. Pinatawad ko na sila sa kasalanan nila sa akin. Nawala na ang galit ko dito sa puso ko nung makita ko silang dalawa at ang sarap sa pakiramdam. Iba ang pakiramdam na nagpapatawad ka. Iba ang gaan kapag walang galit sa puso mo.. You're totally free.
Itutuloy..
![](https://img.wattpad.com/cover/5553373-288-k422169.jpg)