HM 11

16.4K 199 1
                                        

His Mistress

Purple_Raindrops

July 10, 2013

Chapter 11

" Hindi ko pa alam na grabe ang pinagdadaanan mo ngayon, Klea. " si Ully ang bumasag ng katahimikan na namamayani sa aming dalawa. Hindi ko alam kung gaano kami katagal na nasa loob ng kotse niya simula nung umalis kami sa burger shack at awayin si Cezia.

" Masama ba akong tao para pahirapan ako ng ganito? Wala naman akong ginawa para ganituhin ako ni Oliver eh. Naging faithful akong asawa sa kanya. Lahat ng oras ko, nilaan ko sa kanilang dalawa ng anak namin pero bakit ganun? " hindi ko na napigilang umiyak sa harap niya. Nakakahiya man ay hindi ko na napigilan na ilabas ang sama ng loob ko kay Ullyses. " Minahal ko naman siya e. Sa tingin ko, hindi ako nagkulang sa kanya. "

" Hindi ka marahil nagkulang sa kanya kundi hindi ka lang sapat kay Oliver. May ganun talaga, Klea na kahit lahat ginawa mo na hindi pa rin yun ma-appreciate ng tao kung talagang hindi ikaw ang kelangan niya. Hindi siya makokontento kung ano meron siya ngayon. " hinawakan niya ang kamay ko at pinisil ng marahan. " Kung nasasaktan ka na sa ginagawa ni Oliver, bakit nagtitiis ka pa? Wag mo ng pahirapan ay yung sarili, Klea. "

" Alang alang sa anak namin, kaya kong magtiis. Kaya kong tanggapin lahat. "

" Klea, kahit may panlaban ka kay Cezia, wala ka pa rin magagawa kung siya ang mahal ni Oliver. "

" Hindi naman ganun kadali eh. Hindi ganun kadaling i-give up at basta na lang tanggapin yun. "

" Wag kang mag-alala. Habang nandito ako, hindi kita pababayaan. Kung kelangan mo ako, tawagan mo lang ako at willing akong makinig sa problema mo. " hindi ko man maintindihan kung bakit niya ginagawa yun, nakatulong pa rin yun para gumaan ang nararamdaman ko. Marahil, naaawala lang siya sa kalagayan ko at kahit papaano napanatag ang loob ko dahil may mga taong handang makinig sa akin at tumulong.

**

Kahit ayaw ko ay nagpumilit na hinatid ako ni Ully sa bahay namin. Nakakahiya naman kasi. Pinakain na nga niya ako, ihahatid niya pa ako. Nagpasalamat na lang ako sa ginawa niya.

Pagkapasok ko ng bahay, hindi ko inaasahang naroon si Oliver. Hindi ko na sana siya papansinin pero hinawakan niya ako sa kamay.

" Hindi ko alam na nangangaliwa ka na rin pala. " nanlilisik ang mga mata niya nang sabihin niya yun sa akin.

" At sino naman nagsabi sa'yo niyan! Ang kabit mo? Ang bilis ng balita ah! " singhal ko ding sagot sa kanya.

" Wala ka ng pakialam kung sino ang nagsabi sa akin. Eh di totoo nga na may kabit ka! " ayaw ko ng magpaliwanag sa kanya. Para ano? Hindi rin naman niya eto papaniwalaan. Ano pa ang silbi di ba?

" Wala ka ring pakialam, Oliver! Gagawin ko ang gusto ko tulad ng ginagawa mo sa akin. " akma niya sanang sasampalin ako.

" Aba't-- "

" Ano?! Sige, sampalin mo ako. Diyan ka naman magaling eh. Bakit, Oliver? Masakit bang ibalik sa'yo kung ano ang ginagawa mo sa akin? Kung may pakiramdam ka pa.. Baka nga wala na siguro. Hayaan mo na lang ako tulad ganyan naman ako sa'yo. " inis siyang tumalikod sa akin at hindi na siya nagsalita pa. Ewan ko ba. Ano ang gusto niyang palabasin? Na siya lang ang pwedeng mangaliwa? Ang kapal talaga ng mukha niya.

Itutuloy..

His Mistress (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon