His Mistress
Purple_Raindrops
July 20, 2013
Chapter 12
" Tigilan mo na ang pagkikita n'yo ng kabit mo, Klea. " napatigil ako sa pagsubo ng kanin sa sinabi niya. Hindi ko alam kung matutuwa ako o magagalit. Tuwa dahil may pakialam pa siya sa akin. Galit dahil bakit siya nagkakaganun? Para ano? Hindi ko talaga maintindihan ang tinatakbo ng kanyang utak.
" Gagawin ko ang gusto ko. Gawin mo din ang gusto mo. Tutal wala ng pakialaman di ba? Ikaw ang nagsabi nyan at hindi ako. Kaya bakit ko susundin ang gusto mo.. " kibit balikat kong sabi saka ipinagpatuloy ang pagkain. Ayaw kong umpisahan niya ako baka saan pa mapunta.
" Namumuro ka na, Klea! " nagulat ako nung ibinagsak niya ang kanyang mga palad sa mesa at tumayo sa pagkakaupo. " Sinusubukan mo ba talaga ako ha? " nangagalaiti siya sa galit habang tinititigan ako. Kinalaban ko naman ang mga titig niya. Minsan, hindi mo talaga maintindihan ang takbo ng utak ng mga lalaki.
" Ano ba ang problema mo, Oliver? You're being unfair! Gusto mo, ikaw lang ang masaya. Gusto mo, ikaw lang ang nakakagawa ng mga bagay na pwede ko ding gawin. "
" Hindi mo ba ako naririnig. Tigilan mo na ang pakikipagkita mo sa Ullyses na yun! Kung hindi, makakatikim ka sa akin. Tandaan mo yan! Wala akong pakialam sa mga sinasabi mo! Basta sundin mo lang ang iniutos ko! " napataas ako ng kilay.
" Wow ha? Wag kang umaktong pag-aari mo pa ako, Oliver. Wag ka ding umastang naapektuhan ka sa ginagawa ko! Wag mo din akong subukan, baka ihabla kita sa korte! Kayo ng kabit mo! Ikaw lang naman ang nagsimula nito eh. " tumayo ako saka tinalikuran siya. Nalilito ako at naguguluhan. Lalo tuloy akong nagagalit sa mga ginagawa at pinagsasabi niya.
" Klea! Bumalik ka rito. Wag mo akong tinatalikuran. " sigaw niya pero hindi ko pinansin. Masyadong makapal ang pagmumukha niya para sabihin lahat yun. Matapos niya akong saktan at paiyakin.
Pumasok ako sa kwarto ng anak ko. Ang anak ko ng walang kaalam alam sa nangyayari sa amin ng ama niya. Napaiyak na naman ako habang nakikita ko siyang naglalaro.
" Ma? Why are you crying? May problema ba? " agad kong pinunas ang luha ko. Lumapit siya sa akin at niyakap ko siya ng mahigpit.
" No. Wala 'to, anak. Naiyak lang kasi ako dahil may naalala si Mama. Sige, maglaro ka na ulit. " kelangan kong maging matatag para sa anak ko.
" Oliver? Honey? Oliver? Nandito ka ba? " nagulat ako sa sumigaw sa labas. Maaga pa ng sandali yun. " Oliver! Nasaan ka na ba? " lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa salas. Nagulat ako nang makita ko ang nambubulahaw ng umagang yun.
" Anong ginagawa mo dito? "
" Oh, Klea my dear! I am looking for Oliver. Where is he? Namiss ko na kasi siya eh. Hindi kasi siya umuwi kagabi sa akin eh. " *censored* Ang kapal kapal ng pagmumukha niya na pumunta sa bahay namin. Hindi na nahiya.
" Ang kapal mo namang pumunta sa teritoryo ko, Cezia! "
" Teritoryo mo? Last time i checked, pag-aari din 'to ni Oliver kaya may karapatan din akong pumunta dito sa sinasabi mong teritoryo mo! "
itutuloy..
