HM 3

20.9K 215 2
                                        

His Mistress

Purple_Raindrops

May 13, 2013

Chapter 3

Linggo, day off niya. Nakakapagtaka man pero natuwa ako. Kalimitan kasi kapag linggo ay wala siya sa bahay. Kahit papaano, napanatag ako.

" Ma, lets play! " yaya ng limang taong gulang kong anak na lalaki. Panganay namin. Yumuko ako saka hinawakan siya sa balikat.

" Baby, later na lang maglalaro sa'yo si Mama ha? May ginagawa pa kasi ako. Okey lang ba yun? " tumango naman siya sa akin at tumalikod bitbit ang laruan. Lihim kong minasdan si Oliver sa may kusina na nagkakape. Tanaw ko siya sa labas kung saan nag-uumpisa na akong maglagay ng labahin sa washing machine. Nagbabasa eto ng diyaryo na palagi niyang ginagawa kapag umaga. Daily routine kumbaga.

Anim na taon na kaming mag-asawa. Iniwan ko ang pagiging branch manager ng isang bangko nung magpakasal kami para maging isang plain housewife.. para may quality time kami ng pamilya ko. Hindi ko naman pinagsisihan na maging housewife lang. Yun naman talaga ang obligasyon ng isang asawa at ina. Ang ituon ang atensyon sa pamilya.

Inisa isa ko ang paglagay ng damit sa washing machine. Dalawang damit na lang niya ang isasalang ko nang may mapansin ako. Isang polo nya na may lipstick sa bandang leeg nito. Nanginig ako. At napatigil ng ilang minuto. Mataman kong tinitigan ang damit niya. Nilingon ko siya na kasalukuyang naglalakad papunta sa sala.

" Wag naman sanang tama ang kutob ko. " mahina kong bulong sa sarili ko. Nag-umpisa akong naglakad papasok sa bahay dala ang polong may lipstick. Mahigpit ang kapit ko dun. Tinawag ko siya kaya napatigil eto sa paglalakad. " Oliver. " lumingon siya sa akin.

Nagulat siya nang inabot ko sa kanya ang polo niya. " Ano 'to? " tanong ko.

" Polo malamang? Ano pa nga ba! Bat ka ba nagtatanong? Para ka lang tanga! " gusto kong mainis sa sinasabi niya. Nagawa pa niyang mamilosopo sa seryoso kong tanong sa kanya. Parang nanadya lang.

" Wag mo nga akong pilosopohin, Oliver! Ano 'tong nasa polo mo? Di ba lipstick 'to. Aminin mo nga, may babae ka ba? Kelan pa! " sunod sunod kong tanong sa kanya. Saglit siyang natigilan.

" Wala akong babae! Ano ba, Klea! Paranoid ka na! Konting mantsa lang at dumi, kung anu ano ang iniisip mo! Maglaba ka na lang diyan. Hindi yung kung anu ano ang iniisip mo! "

" Anong gusto mong isipin ko? Lipstick? Mcdo? Amoy pabango ng babae. Ano ang gusto mong isipin ko, Oliver? Gusto mo lang na isawalang bahala ko lang 'to? "

" Bahala ka kung ano ang gusto mong isipin. Diyan ka na nga! Panira ng araw! "

Pagkatapos ng pagtatalo namin, agad siyang umalis ng bahay. Kung saan siya pupunta, yun ang di ko alam. Gabi na siya umuwi at eto ay lasing.

" Ano ba! " angil niya nung inalalayan ko siya.

" Bat ka ba naglasing? "

" Pakialam mo ba? Pwede ba, Klea! Wag kang magpaka-perfect wife! Hindi bagay sa'yo! Tabi nga! " tinabig niya ang kamay ko. Wala na akong nagawa kundi tingnan lang siyang naglalakad patungo sa kwarto namin na pasuroy suroy. Napabuntong hininga na lang ako. Di ko alam kung hanggang saan ko kakayanin ang pagbabagong nagaganap kay Oliver nitong mga nakalipas na buwan. Mahirap tanggapin na ibang iba na siya sa lalaking pinakasalan ko dati. Sa minahal ko.

Agad ko siyang sinundan sa kwarto. Nakita kong nakatulog na ito sa kalasingan. Nilapitan ko eto saka papalitan na sana ng damit kaso tumunog ang cellphone niya. Ayaw ko sanang pakialamanan yun kaso gusto ko talaga makahanap ng ebidensiya na totoo ang kutob ko. At alam ko na baka naandun yun sa cellphone niya.

Isang text ang aking nakita at nabasa sa kanyang cellphone.

' Oliver, magkita naman tayo bukas. Miss na kasi kita. '

itutuloy..

His Mistress (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon