His Mistress
Purple_Raindrops
July 30, 2013
Chapter 14
" Pasalamat ka, pamumula lang ng balat ang natamo ni Cezia dahil kung nalapnos yun. Malilintikan ka sa akin! " naabutan niya akong kumakain sa sala ng mais nang siya ay dumating galing ospital. Dinala nya kasi dun yung malandi nyang kabit. Sayang! Namula lang. Dapat kumukulo talagang tubig ang ibinuhos ko sa babaita na yun e. Para magtanda.
" Sayang naman kung ganun. Dapat kumukulong tubig ang ibinuhos ko sa kanya para sigurado. " sarcastic kong sambit.
" How dare you! " sigaw niya saka mabilis lumapit sa akin at itinayo ako. " Sumusobra ka na, Klea! "
" At ako pa talaga ang sumusobra! God! Kayo ng kabit mo ang sumusobra, Oliver. Hindi na nahiya na magpunta dito at magpakita ng pagmumukha niya. " nagpumiglas ako at sinampal sya. " Kung tutuusin, kulang pa yan sa mga ginawa nyo sa akin. Kulang pa yan sa sakit na ibinigay nyo sa akin. Kaya wag mo akong sasabihan na sumusobra na ako. Iba ang nagagawa ng galit ko, Oliver. "
" Lumalaban ka na. Matapang ka na ah? At ano ang pinagmamalaki mo. Ang Ullyses na yun ha? " sigaw nya sa akin ulit at di ininda ang sampal ko.
" Ano ngayon kung totoo ang sinasabi mo?! Hindi na ako natatakot na saktan mo ako dahil ngayon, manhid na ang buong katawan ko sa pananakit mo! Lahat ng mga ginagawa mo sa akin. Pagbabayaran nyo yan! Pagbabayaran nyo lahat lahat! Pisikal at emosyonal! "
Hindi ko pala alam na sa paglipas ng mga araw, unti unti na pala akong nagbago. Unti unti akong binago ng galit ko at suklam sa lalaking minahal ko. Maaring mahal ko pa si Oliver pero galit ang mas nangingibabaw sa akin. Pinatatag ako ng pagmamahal ko sa anak ko at suporta ng mga kaibigan ko. Minsan, nakakagaan din pala na ipaglaban ang sarili mo at ipangtanggol sa mga nanakit sa'yo. Ang sarap sa pakiramdam kahit andun pa rin ang sakit ng ginawa nila sa akin.
Ilang araw pagkatapos ng eksena na yun.. Nakapagpasya na ako. Nakapagpasya na akong iwan ang asawa ko at ipaglaban ang dapat na nararapat para sa akin. Hindi ko na kayang pakisamahan pa si Oliver. Dahil sa suporta ni Ully at ng kumare ko, hindi ako natakot sa kinahihinatnan ng gagawin ko.
" Umalis ka! At wag na wag ka ng babalik rito! " sigaw pa niya nung palabas na kami ng anak ko ng bahay.
" Hindi na talaga ako babalik dito! Magsama kayo ng kabit mo pero tandaan mo 'to, Oliver. Lahat ng sakit na naramdaman ko sa ginawa mo. Mararamdaman mo din yan! At sa oras na mangyari yun, wag na wag kang lalapit sa akin! " huling sabi ko, bago ko tuluyang iwan ang lugar na yun.
Itutuloy..