HM 2

23.4K 231 0
                                        

His Mistress

Purple_Raindrops

May 10, 2013

Chapter 2

" Next time, wag ka na mag-abalang ipagluto ako ng hapunan. Nasasayang lang! Di ko rin yan makakain. "

" Akala ko kasi dito ka maghahapunan eh. Kaya tinabi ko. "

Palagi na lang ganun. Natatapon lang ang pagkaing niluluto ko sa kanya. Late na kasi siya ng gabi kung makauwi. Matagal na rin niyang ginagawa yun pero hindi pa rin ako sanay. Minsan, makikita na lang niya akong nakatulog sa sofa sa kakahintay sa kanya. Imbes na mag-alala siya sa akin, nagagalit pa siya.

Gusto ko na talagang maniwala na may babae siya pero ang hirap lang paniwalaan. Gusto ko ring itanong kung bakit nagkakaganun siya pero natatakot ako sa maaari niyang isagot sa akin. Paano kung tama nga ang sinasabi nila? Paano kung may babae nga si Oliver? Ano ang gagawin ko? Hindi ko alam kung matatanggap ko yun.

Minsan, nilabhan ko ang polo niya. Ewan ko ba kung ano ang nag-udyok sa akin na amuyin ko yun. Nagitla na lang ako sa naamoy ko. Di ako pwedeng magkamali, pambabae ang pabango na yun. Lalong lumalakas ang kutob ko. Tinanong ko siya.

" O-Oliver. B-Bakit amoy babae ang polo mo? " kinakabahan pa ako nung tinanong ko yun sa kanya.

" Ahh, baka sa kaopisina ko lang yan. Alam mo na, magkasabay sa elevator minsan. Siksikan pa. Di maiwasang magkadikit ang katawan kaya siguro napunta dyan ang amoy ng perfume ng babae. Bakit? " tiningnan niya ako ng tuwid pero ako ang hindi makatingin sa kanya ng maayos.

" W-Wala. Natanong ko lang. " yumuko akong tumungo sa banyo pagkatapos nun.

Ang mga signs na nambababae nga ang isang lalaki ay unti unting lumilitaw sa kanya. Kahit may mga sapat siyang dahilan sa akin, hindi pa rin nawawala ang kutob ko. Lalo lang akong naniniwala na may babae nga siya. Lumalakas ang mga ebidensiya na meron nga.

**

Nung naligo siya nang umaga na yun, may biglang tumawag sa kanyang cellphone habang nag-aayos ako ng damit niya. Ayaw ko sanang sagutin yun dahil di ko naman gamit yun pero may nag-agaw ng atensyon ko para kunin yun sa kama.

" MCDO? Weird! Bakit MCDO ang naka-register dito? " dahil sa pag-aakala kong importante yun, sinagot ko. " Hello? "

" Oliver? " babae ang nasa kabilang linya. Sa di malamang dahilan, kumabog ng husto ang dibdib ko.

" Sino -- " nabigla na lang ako nang may naghablot nang cellphone sa akin. Si Oliver. Tapos na pala siyang maligo.

" Ano ba?! Bakit ka ba nangingialam ng cellphone ko? " paangil na sigaw ni Oliver sa akin.

" Eh, may tumatawag kasi kaya sinagot ko na. Akala ko kasi importante. "

" Pakialamera! Sa susunod, wag kang gagalaw ng gamit ko! " nagulat na lang ako sa reaksyon nito. Bigla na lang siyang nagalit at sinigawan ako.

" S-Sorry, hindi na mauulit. " hindi ko napigilang mapaiyak sa nangyari. Ni minsan, hindi niya ako tinataasan ng boses. Yun lang ng araw na yun.

" Tapos iiyak ka dyan. Wag ka kasing mangialam ng gamit para hindi ako magalit. Pakialamera kasi! "

Nagbago na talaga siya.

Itutuloy..

His Mistress (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon