His Mistress
Purple_Raindrops
July 02, 2013
Chapter 10
Nakakahiya. Nahihiya ako na ganun ang ayos ko nang kami ay magharap muli ni Ully. Walang ayos. Walang make up. Ang losyang losyang ko. Ibang iba sa dating ako. Simulang nung mag-asawa na kasi kami ni Oliver, wala na akong panahon para magpaganda at ayusin ang sarili ko. Nakatutok na sa asawa at anak ko. Naisip ko kasi na hindi na mahalaga yun dahil pamilyado na akong tao pero ngayon, nare-realize ko na parang mali ang paniniwala ko na yun kasi isa yun sa mga dahilan kung bakit nambabae si Oliver. Kahit may asawa ka na at anak, dapat alagaan mo pa rin ang sarili mo para hindi magsawa sa'yo ang asawa mo. Oo nga pala, wala pala talaga akong laban kay Cezia kahit hindi pa ako losyang. Una nya palang minahal yun at ako, hindi. Malaking kaibahan talaga.
" Eto, okey lang. " tipid kong sagot na pilit ngumingiti. Nakakailang naman kasi e. Nakakahiya sa porma niya. Naka-pormal attire siya samantalang ako parang basahan ang damit.
" Ahh, kamusta na pala yung asawa mo? Kayong dalawa? May anak na kayo? "
" Isa lang ang anak namin ni Oliver. Dalawa na sana kaso nalalaglag ang panganay. Hmm.. Medyo hindi kami okey ng asawa ko eh. Tulad ng ibang mag-asawa, hindi rin perpekto ang pagsasama naming dalawa. Pero alam ko, malalagpasan namin 'to. " sana nga.. pero sa aming dalawa, ako lang ang lumalaban sa pagsasama namin. Ipinaglalaban ko ang pagsasama namin na alam kong sa umpisa palang talo na ako. Ang anak ko lang naman ang dahilan kung bakit ako lumalaban e. Kapakanan lang niya ang iniisip ko.
" Ganun ba? Ang bait mo namang asawa.. " napangiti ako. Mabait ba talaga para abusuhin ni Oliver? " Pwede ba tayo magmeryenda muna? Ang tagal rin naman nating hindi nagkita e. Okey lang ba? " sa totoo lang, hindi naman kami talaga close dati ni Ullyses nung college days. Malimit ko siyang makitang mag-isa at walang kasama. Loner. Pero dahil wala naman akong nakikitang masama sa paanyaya niya, pumayag na ako. At isa pa, medyo kumikirot na rin ang tiyan ko sa kakalakad ng mag-isa. Wala kasi akong agahan at tanghalian ng araw na yun.
" S-Sige. Okey lang naman. " dinala niya ako sa isang burger shack at nag-order ng dalawang burger saka juice. Medyo nakakahiya. Eto rin ang beses na sumama ako sa ibang lalaki para magmeryenda. Ayaw ko kasing paghinalaan ako ni Oliver.. dati pero ngayon iba na. Hindi na siguro siya magagalit sa ginagawa ko ngayon lalo na at wala akong nakikitang masama sa ginagawa namin ni Ully. " Hindi ba magagalit ang asawa mo kapag malaman niyang may kasama kang ibang babae? "
" Asawa? Wala ngang nobya e. Asawa pa kaya? " tawa niya.
" Sa gwapo mong yan? Wala? Maniwala naman ako sa'yo. "
" Totoo, Klea. Masyado akong busy sa trabaho para pagtuunan ng pansin ang ganyang bagay. Sa katunayan, hindi ako uuwi dito sa Pinas kung hindi dahil sa trabaho. May nilalakad kasi ako rito. "
" Ganun ba? Mga ilang buwan ka rito kung ganun? "
" Mga anim hanggang walang buwan. Kung mabilis matapos, much better. "
" Swerte naman ng mapapangasawa mo, masyado kang workaholic. "
" Hehe. Di naman. " nawili akong kausap si Ully. Saglit kong nalimutan na may problema ako.
" Oh, look who's here. Klea, my dear! " ang tagal rin naming hindi nagkita. At mas lalo pa siyang sumeksi at gumanda. Nagkikinangan ang mga alahas niya saan mang parte ng katawan niya.
" Cezia, anong ginagawa mo dito? "
" Nagmemeryenda. Eh ikaw? Teka, kabit mo? " nagulat na lang ako sa tinanong niya. Hindi man lang nahiya.
" Mali ang iniisip mo! "
" Oh really? But wait, he looks familliar. Have we met before? "
" Hi, Cezia. It's been a long time, since huli tayong magkita. I'm sure, hindi mo na ako natatandaan. Ullyses. "
" Oh! " ang arte. " Yung nerd na baduy na si Ullyses? Wow! You look great. Well, small world talaga! Tayo tayo din pala ang magkaka-Love triangle. Haha! "
" What do you mean? " tanong ni Ully. Nakakainis talaga! Pati ang taong walang alam, dinadamay niya.
" Tara na, Ully. Wag mo na pansinin yan. "
" Oh, not too fast, dear. " she grabbed my hand. " Bakit hindi ba alam ni Ullyses na ako ang mistress ng asawa mo? Akala ko kasi loverboy mo din siya. " sa inis ko, sinampal ko siya.
" Wala talagang control yang bibig mo, Cezia! Hindi ko loverboy si Ully at wag mong ipangandalakan na babae ka ng asawa ko! Proud na proud ka pa talaga? Ano? Tandaan mo eto, kasal kami ni Oliver at kahit anong gawin mo, kabit ka lang niya. Sa mata ng tao at Diyos. Kasal lang kayo sa kama at kahit kelan hinding hindi siya magiging sayo ng buong buo! " inayos niya ang kanyang sarili at damit. Taas noo siyang humarap sa amin. At kahit madaming tao ang nakatingin sa amin, walang hiya pa rin siya.
" Kabit nga niya ako pero ako ang mahal niya! Tingnan lang natin kung hanggang saan mo siya pagtitiisan, Klea! Sa huli, sa akin pa rin siya babagsak! Tandaan mo din yan! "
Itutuloy..
