HM 13

16.1K 192 11
                                        

His Mistress

Purple_Raindrops

July 25, 2013

Chapter 13

" Ang kapal ng mukha mo, Cezia! Inagaw mo na nga't lahat lahat ang asawa ko. May gana ka pang pumunta dito sa bahay namin. Kahit konting hiya man lang sana, magkaroon ka! " galit kong sabi.

" Oh, i'm sorry, Klea. Wala sa vocabulary ko ang hiya eh. Sa panahong ngayon, hindi na uso ang word na yan! " sobrang kapal talaga ng mukha niya.

" Umalis ka na rito. Makita ka pa ng anak ko. Baka isipin niya nagpapapasok ako ng payaso. "

" Payaso? Darn. Masyado akong maganda para maging payaso. By the way, can you give me some coffee? Nauuhaw na kasi ako. Please? Hindi na ako nakapag-coffee sa sobrang pagmamadali ko e. " biglang uminit ang ulo ko. Lalo akong nagalit. Hindi ko alam kung saan siya nakakakuha ng ganun kakapal na mukha. Oo, sobrang namumuro na siya sa akin and any moment parang sasabog na ako.

" Ok. Maghintay ka. " pumunta ako ng kusina at kumuha ng kape. Good thing may mainit na tubig. Nagtimpla ako ng kape para sa kabit ng asawa ko. Nang tapos na, dinala ko yun sa sala. Si Cezia, nakaupo na akala mo ay siya ang may-ari ng bahay. Feel na feel.

" Thanks, Klea. Ang bait mo talaga. " akma niya sanang kukunin yung tasa pero hindi ko binigay. Hindi ako nagtimpla ng kape para lang ipainom sa ahas. Ibinuhos ko sa kanya yung mainit na kape sa ulo niya. Napahiyaw siya sa ginawa ko. Buti nga sa kanya.

" Aaaah! Damn! Bakit mo ginawa yun? Look, what you've done. Ahh, ang init! " nagpanic siya at hindi alam ang gagawin. " Shit. Shit! Oliver, help me! Oliveeeer! " sige mura niya habang ako naman ay nagpipigil tumawa. Ang make up niya nagkalat at namumula na siya. Sana lang masunog ang balat nya nang wala na siyang maipagmalaki sa akin.

" Para kang letson, Cezia. "

" How dare you! Argh! Oliveeeer! " sigaw niya ulit. Maya maya, dumating ang magaling kong asawa.

" Anong nangyayari -- Cezia?! Klea, anong ginawa mo ha? Bakit namumula si Cezia? Anong ginawa mo! " nanlilisik na naman ang mga mata niya na nakatingin sa akin. Lumapit siya sa kabit niya at pinunasan 'to.

" Honey, binuhusan niya ako ng mainit na kape. Nakiusap naman ako sa kanya ng maayos eh na ipagtimpla niya ako tapos ginawa niya yun. Huhu. Ang sakit, hon. Nalamnos yata ang balat ko. Huhuhu. I am not pretty na. Huhu." arte. Paawa epek pa siya. Sana nga talaga malamnos ang balat niya.

" Binigay ko lang naman ang nababagay sa kanya. " tila wala kong pakialam na sambit sabay talikod pero mabilis nakalapit si Oliver sa akin saka hinawakan ako sa balikat at isang malakas na sampal ang natanggap ko sa kanya.

" Bakit mo nagawa yun? Disperada ka na bang makuha ang atensyon ko para saktan si Cezia? Pag may mangyari hindi maganda sa kanya, makakatikim ka talaga sa akin. " tiim bagang singhal niya. Nasapo ko na lang ang pisngi ko. Namanhid yun.

" Magsama kayo! " sigaw ko bago ako tuluyang umakyat sa kwarto namin ni Oliver. Umiiyak akong nanatili doon.

Itutuloy..

His Mistress (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon