HM 19

18.1K 195 0
                                    

His Mistress

Purple_Raindrops

Aug. 23, 2013

Chapter 19

Laglag ang balikat kong lumabas ng departure area. Kahit ano pang pigil ang gawin ko, gusto pa ring umalpas ang mga luha ko sa mga mata ko.

' Ang tanga ko talaga! Bakit pinaabot ko pa ang lahat sa ganito. '

Napakabilis ng mga nangyayari. Parang kelan lang. Parang kelan lang nung halos mabaliw ako kay Oliver. Parang kelan lang nung umiiyak ako ng dahil sa kanya at sa kabit niya. Halos hindi ko namalayan, ilang buwan na rin ang nagdaan nung nagumpisang magkaproblema kami ng asawa ko. Akala ko, si Oliver lang ang mamahalin ko pero hindi pala. Makakaya ko pa rin palang magmahal muli sa kabila ng lahat. Nakaya kong buksan ang puso ko sa ibang tao kahit puro sakit at sama ng loob ang laman nito.

" Akala ko, hindi na kita maabutan e. "

" Ully! Ullyses, i thought nakaalis ka na. Anong nangyari? " hindi ko inaasahang makikita ko pa si Ully sa harap ko. Ang buong akala ko kasi nakaalis na siya kaya naman todo emote na ako. Akala ko, wala na siya. Akala ko, hindi ko na masasabing mahal ko na siya.

" Akala ko kasi makakaya kong umalis at iwan ka dito pero i realized na hindi pala. Naisip ko na hindi ako susuko hanggat hindi mo din ako mamahalin. Ayoko ng pakawalan ka pa, Klea. Minsan na kitang iniwan at hindi ko na uulitin pa yun ngayon! " my heart beats faster. Parang bumalik ulit ako sa pagiging teenager. Yung crush mo, magtatapat sa'yo.

" Ully.. "

" Hayaan mo na sina Cezia at Oliver. Tanggapin mo ng hindi talaga kayo ang para sa isa't isa. Sumama ka na lang sa akin. Kayo ng anak mo. Mamahalin ko kayo ng anak mo. "

Patakbo akong lumapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. " Oo, hahayaan ko sila ng kabit niya. Oo Ully, sasama ako sa'yo kahit saan ka pa magpunta. " wala ng sasaya sa pakiramdam na alam mong mahal ka ng mahal mo. Yung hindi one sided love. Yung alam mong mahal nyo ang isa't isa. Ang sarap sa pakiramdam.

" Klea? Tama ba ang narinig ko? " nagulat siya sa sinabi ko tapos tumango ako bilang sagot.

" Oo, tama ang narinig mo. Napag-isip isip ko. Tama ka at narealize ko na mahal na kita. I don't know kung paano pero.. basta naramdaman ko na lang. Lalo na kanina, akala ko talaga iiwan mo ako e. Hindi ko na kayang masaktan ulit. " hinawakan niya ang batok ko saka hinalikan ako sa noo.

" Ssshh, Klea. Enough. You deserve to be happy. With me. Mahal kita, Klea. Mahal na mahal. Hindi kita paiiyakin katulad ng ginawa ni Oliver sa'yo. Iingatan kita. "

" M-Mahal din kita, Ully. " alam ko, mahal ko na talaga siya. At matagal na palang nawala ang pagmamahal ko kay Oliver nung niloko niya ako.

Nung tapos na kaming mag-usap ni Ullyses. Ilang araw matapos nun ay agad kong pinirmahan ang annulment paper namin ng dati kong asawa. Nagkasundo sa costudy. Pagbisita nya sa anak namin at sa pagsustento dito. Dinaan namin sa legal na paraan ang lahat para hindi questionable.

" Pipirma ka din pala. Pinahirapan mo pa kami. Nagfile ka pa ng kaso. Arte mo ha! "

" Pwede ba, Cezia. Ayaw ko ng gulo. I don't know kung ano ang nakita ng asawa ko sa'yo. Oh, i mean ex husband dahil asal kalye ka naman. " pang-aasar ko.

" How dare you! "

" Sige, mauna na ako. Sana maging masaya ka sa piling ni Oliver. Nandyan lang si Karma and I can't wait na puntahan na kayo nito. "

" Hindi ako naniniwala sa karma.. " ani nya.

" Well, let's see.. Bye! " bahala na ang karma sa kanila. Basta ngayon, masaya ako kay Ully. Magsisimula ako ng bagong buhay ng tuluyan na kasama siya.

Itutuloy..

His Mistress (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon