HM 18

17.9K 192 1
                                        

His Mistress

Purple_Raindrops

Aug. 18, 2013

Chapter 18

Dahil sa matibay na ebidensya na binigay ko, guilty ang naging hatol kina Cezia at Oliver. Masaya ako pero hindi sobra. Dahil may pera sina Oliver, nagawa niyang magpiyansa. Nagawa nilang makatakas sa kasalanang dapat pagbayaran nila. Sila ng kabit niya.

" Walangya ka talaga, Klea! " inis na sigaw ni Cezia sa akin bago ako tuluyang umalis sa korte. Alam ko, parang wala ding silbi yun sapagkat nakalaya pa rin sila. Ang mahalaga, nanagot pa rin sila sa batas. Kung ako lang, dapat hindi na binigyan ng piyansa ang dalawa na yun. Pero.. hindi na yun ang mahalaga sa akin ngayon.

Ngayon din kasi ang alis ni Ully pabalik sa Amerka. And i don't know kung kelan siya babalik ng Pilipinas ulit o babalik pa nga ba talaga siya. Ilang linggo ko na rin 'tong pinag-isipan. Nag-extend na rin si Ully para malaman nya ang sagot ko sa tanong niya. Natatakot ako na baka hindi ko na siya maabutan. Baka nakaalis na ang eroplanong sinasakyan niya. Kung bakit umattend pa kasi ako sa hatol e. Nakakainis lang talaga!

Gabi gabi, iniisip ko kung tama bang pagbigyan ko si Ullyses. Na tama bang magmahal ulit ako lalo na at hindi pa isang taon nung nagkaproblema kami ni Oliver. Maaga pa para dun pero kapag pinalampas ko ang pagkakataon na 'to.. baka wala ng another chance. Baka sa huli, magsisisi pa ako. Pakiramdam ko nga, hindi ako deserve kay Ullyses. Kumbaga sa gamit, secondhand na ako. Nakakahiya pero.. eto na eh!

Habang papunta sa airport, abot abot ang kaba ko. Alam ko at sigurado na ako na hindi ko na mahal si Oliver. Hindi na ako naapektuhan pagdating sa kanya. Pwedeng, may pagmamahal pa nga ako pero hindi katulad nang dati. Hindi ganun katindi tulad nang dati.

Mabilis akong pumasok sa loob ng departure area. Ayaw pa nga ako papasukin ng guard dahil wala akong passport pero nagpumilit ako. Ni hindi rin makontak ang number ni Ully. Kinakabahan na ako and any moment, parang maiiyak na ako. Labis ang pagsisisi ko na pumunta pa ako sa korte para lang pakinggan ang hatol at malaman na pwedeng magpiyansa ang dalawang makakati na yun. Sana hindi na lang ako pumunta.. Sana sinabi ko agad ang sagot ko kay Ully para hindi dumating sa point na 'to. Sana pinakinggan ko na lang siya na ibigay ko na lang ang gusto nina Oliver. Sana tuluyan na akong nag-let go.

" Please manong guard, sandali lang naman ako doon e. Kelangan ko lang talagang makausap ang taong mahal ko. Gusto ko lang magpaalam. Sige na.. Please. "

" Ako ang malilintikan sa management kapag nalaman nilang pinapasok kita. Pasensya na talaga, Miss. " para akong pinagbagsakan ng langit at lupa dahil sa aking narinig. It was too late. Nahuli na ako. Ang tanga ko lang! Dapat kung mahal ko na talaga si Ully, siya na lang ang pinuntahan ko. Siya ang higit na mahalaga pero sa huli, si Oliver pa rin ang iniisip ko at ang kabit niya. Hindi ko man lang naisip ang sarili ko.. ang sarili kong kaligayahan.

Kahit ano pang sana at dapat, wala ng magbabago. Alam kong nakaalis na si Ully. Ang taong nasa tabi ko nung mga panahong nalulumbay ako. Isa sa mga pinanghugutan ko ng lakas nung pakiramdam ko ay nag-iisa ako.

Wala na siya..

Masaya na naman si Cezia at Oliver. Ako eto, i was teary eyed habang nakatingin sa mga eroplanong umaalis. Pangalawang heartache at mas masakit kesa kay Oliver. Dahil hindi ko man lang nagawang umamin at sabihin ang totoo ke Ullyses.

Itutuloy..

His Mistress (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon