[CHOI JI WOO]
Lumabas ako ng bahay namin. Uhm. Para magpahangin? Siguro. Nangapa ako sa bulsa ng shorts ko. At boom! May barya pa!Tumakbo ako papunta sa nagtitinda ng Cotton Candies!
"Kuya, pabili ako!" Sabi ko kay Kuyang Cotton Candy Vendor (naks).
Pagkatapos kong ibigay ang bayad e kumuha na nga si Kuya ng Cotton Candy na nakabalot sa plastic.
"Thank you, Kuya! Babye!" Kumaway pa ako kay Kuya at tinanguan lang niya ako. Patawid na sana ako ng kalsada ng bigla na lang,
*BEEEEEEEEEEEEEEEEEEEP!*
Napapikit na lang ako. Anyare? Bakit biglang may kung sinong...
Nagligtas sakin?!
Nakahiga na kaming dalawa sa gilid ng kalsada. Sobrang lapit lang ng katawan namin sa isa't isa. Nakayakap ang kaliwang braso niya sa bewang ko samantalang nakasuporta naman ang kanang kamay niya sa likod ng ulo ko.
Okay, bakit ko pa ba dinedescribe ang sitwasyon?
"Teka!" Tumayo kasi agad siya at paalis na sana pero pinigilan ko lang.
Lumingon sya sakin pero di ko makita ang mukha niya. I mean, nakatalikod kasi siya sa liwanag e. Di ko maaninag.
Pero, kung idedescribe (eto na naman tayo sa describe) ko siya, ang masasabi ko? EMO.
Tiningnan mo siya. Nakajacket na may hood at nakajeans pa. Okay, anong trip niya? Anong meron? May tinatago? Pero dahil parin napasabak kami sa gulungan portion kanina, e bumaba ang hood niya. At napatitig talaga ako sa mga mata niya. Di ko mapaliwanag. Iba yung kinang ng mata niya.
Haist.
"Anong pangalan mo?—— Sandali!" Hinawakan ko na yung tela na nakabalot sa jacket niya.
Nilingon niya lang ako ulit at di sumagot.
"Mag-iingat ka." Woah.
Nastun ako sa sinabi niya. Tipong di ko na siya napigilan sa pagtakbo palayo. Agad siyang nawala sa dilim. Kahit na may mga poste ng ilaw e, medyo madilim pa din.
"Ji Woo, okay ka lang ba?" Humahangos si Hoseok na lumapit sakin.
"Ha? O-Oo, okay lang——!"
"Tara na!"
"Teka, san tayo pupunta?"
"Sa Covered Court!"
"Bakit?"
"Basta." Hinila na niya ako. Tumatakbo na kami at hinihingal kaming nakarating sa Court.
"May laro kami ngayon. Kami ang mga Visitors, laban sa Home. Cheer mo ko a?"
"Huh? Ahh, okay sige." Napakamot ako ng ulo. Wala ako sa mood na sumigaw pero, para kay Hoseok, gagawin ko.
Nagring na at ibig sabihin, simula na ang laro.
Maganda ang simula ng laro ng Sweet Kissers, ang team nina Hoseok.
Tight Huggers naman ang team ng lugar namin.
"Go, number 94!" Makabasag eardrums at makabalibag vocal cords na sigaw ko.
Wala na akong pakialam kung pinagtitinginan na ako ngayon. Nakapangbahay lang kasi ako habang nagwawala dito.
Pero wapakels. Hehehe --,
Napatingin sakin si Hoseok at ngumiti. At talagang kumindat pa.
"NAKITA MO YUN? KININDATAN NIYA AKO!" Napakunot naman ang noo ko. Siya daw? Yung kinindatan? Ako kaya yun!
![](https://img.wattpad.com/cover/49178620-288-k511322.jpg)
BINABASA MO ANG
Please Don't Go [Tae Hyung Fanfiction] - BTS
Fanfiction"♪♬♩ Please don't ever go For I cannot live my life alone♪♬♩" sabi nga ni Erik Santos sa isang kanta. "Wag mo akong iwan. Please." Parang ang selfish pakinggan. Pero ganun naman talaga e. Ganun talaga kapag mahal mo yung tao. Ayaw mong mawala sayo...