13.2
Dahan dahan ng tumataas ang ride. Nawala na ang lupang inaapakan nila. Nagsisigawan na ang mga taong kasama nilang nakasakay sa Extreme Drop Tower. Habang pataas sila ng pataas, pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ni Ji Woo.
Hinigpitan nya ang pagkakahawak niya sa kamay ni Taehyung habang pumipikit sya ng madiin. Palapit na ng palapit ang tuktok ng 100 ft. Extreme Drop Tower.
Naramdaman ni Ji Woo na sumakit ang tenga niya sa sobrang taas nila. Tumingala sya para tanawin kung malapit na ba sila sa pinakatuktok dahil alam na niya ang susunod na mangyayari.
Kinakabahan sya. Inentertwine na niya ang kamay niya sa kamay ni Taehyung. Nanalalamig ang mga kamay ni Ji Woo samantalang mainit naman ang kamay ni Taehyung.
Malapit na sila sa tuktok kaya napapikit si Ji Woo dahil sa hangin na humahampas sa mukha niya.
"Tumingin ka sakin!" Sigaw ni Taehyung sa kalagitnaan ng lahat.
Tumingin si Ji Woo sa kanya, naluluha ang mga mata niya. Humigpit ang kapit nila sa isa't isa.
"Ji Woo, mahal—"
"WAAAAAHHHHH!!"
"—Kita!"
Tumigil ang mundo ni Ji Woo ng bumagsak ang inuupuan nila. Akala niya naiwan ang kaluluwa at mga laman loob niya sa taas.
Hindi niya narinig.
Napabuntong hininga si Taehyung ng dahan-dahan ng bumababa ang inuupuan nila. Nakahinga naman ng maluwang ang mga tao at napuno sila ng 'buhay pa ako!' At kasama don si Ji Woo na nag-aagaw buhay. Gulo-gulo ang buhok niya, namumutla, nanginginig at namamawis ng malamig.
Magkahawak pa din ang mga kamay nila habang tinatanggal ng staff ang mga safety gears nila habang nakatitig si Taehyung kay Ji Woo at si Ji Woo naman, nakatulala habang hinahabol ang paghinga. Tumayo si Taehyung at inalalayan si Ji Woo tumayo.
Ilang segundo pa, bumalik na si Ji Woo sa katinuan.
"Akala ko... Mamatay... Na ako..." Sabi ni Ji Woo habang natatawa sa sarili niya pero di mawari ni Taehyung kung natatawa ba talaga si Ji Woo o naiiyak na. Ngumiti ito ng pilit.
"Okay ka na ba?" Nag-aalalang tanong ni Taehyung habang pinipigilan ang sariling yakapin si Ji Woo.
"Oo. Okay na." Sabi ni Ji Woo kahit na medyo nanginginig pa sya.
"Buti naman." Sagot ni Taehyung. "Tara. Kumain na muna tayo."
Naglakad sila papunta sa food court at kumain ng lunch ng magkasama. Napasarap ang kwentuhan nila habang naglalakad-lakad sa tabing dagat.
Mayamaya, may nakita silang mga nagroroller skate.
"Gusto kong subukan yon." Sabi ni Taehyung ng nakangiti ng malapad. "Tara!"
Nagpahila na naman sya kay Taehyung. At maya-maya pa, sumisigaw na sya dahil nawawalan na sya ng balanse.
"Hawak kita. Di ka madudulas." Natatawang sabi ni Taehyung habang nakaalalay sa bewang ni Ji Woo. "Magtiwala ka sakin."
Nakailang lunok ng laway si Ji Woo at maya-maya pa, nababalanse na niya ang sarili. Pero nakakapit pa din sya kay Taehyung.
Ang cute mo kapag may mga pads ang siko at tuhod mo. Napangiti na naman si Taehyung. Bagay pa sayo ang pink na helmet na yan.
"Ayan na, Taehyung! Nagagawa ko na!" Masayang masayang sigaw ni Ji Woo habang iniislide ang mga paa niya. Lumalayo na sya pero naalala niya bigla na may posibilidad na baka mawalan na naman sya ng balanse at dumulas.
BINABASA MO ANG
Please Don't Go [Tae Hyung Fanfiction] - BTS
Fanfiction"♪♬♩ Please don't ever go For I cannot live my life alone♪♬♩" sabi nga ni Erik Santos sa isang kanta. "Wag mo akong iwan. Please." Parang ang selfish pakinggan. Pero ganun naman talaga e. Ganun talaga kapag mahal mo yung tao. Ayaw mong mawala sayo...