Caught

17 2 0
                                    

[DROPDEAD]

ANG CHAPTER NA TO AY MAY LAMANG SPG. JOKE. HAHAHA. ANG CHAPTER NA TO AY TRIP LANG. HAHAHA. DI NA KASI AKO NAKAKAPAG-UPDATE. KASI NAMAN EE, AYAW MAGCOMMENT NG MGA BABY KO. KAHIT PM MAN LANG. NAGTATAMPO TULOY AKO. :( HAHAHA. PERO OKAY LANG, MAHAL KO PA RIN KAYO. :*

[CHOI JI WOO]

Ilang linggo na rin ang nakalipas pagkatapos nung surpresa ni Hoseok. Marami ring nangyari pagkatapos nun. Nag-apply ako bilang waitress sa isang coffee shop malapit sa village namin. Naghanap na lang ako ng trabaho kesa naman nakatambay ako sa bahay at walang ginagawa. Tapos yung kikitain ko, panggastos na lang din sa bahay.

"Bakit di ka nagrereply sa mga text ko sayo?"  Naiinis na sabi ni Hoseok sakin. Nagkasalubong kami nung pauwi na ako galing trabaho. Hinintay pala niya ako sa may gate.

"May trabaho na kasi ako di ba? Syempre busy ako." pagpapaliwanag ko naman.

"Bakit ba kasi kailangan mo pa ng trabaho?"

"Para nga may pang gastos ako. At yung mga kuya ko."  Sagot ko pa. Pinipilit kong wag magalit sakanya kasi, magtatalo lang kami lalo.

"Pwede ka naman manghingi ng pera sakin o di kaya hayaan mo yung mga kuya mo na magtrabaho."

"Hindi sa lahat ng oras, kailangan sila ang gumawa. Si Kuya Namjoon, sya yung nagtatrabaho nung una palang. Si Kuya Jimin at Kuya Yoongi naman sumasideline." Napasabunot ako sa sarili kong buhok para hindi ko maitaas ang boses ko. "Gusto ko lang makatulong."

"Naiinis ako!" Sumisigaw na siya. Impit akong nagulat. "Nawawalan ka na ng oras para sakin!"

"Nagseselos na ako! Baka mamaya, puro lalaki yung mga kasama mo!"

"Ano? Hoseok naman! Bakit ba pinapalaki mo pa to?!" Nag-iinit na din yung ulo ko. Di ko na sya maintindihan. Nakakainis na sya.

"Di ko to pinapalaki Ji Woo. Binabalaan kita. Sa oras lang na nagloko ka—" pinutol ko na sya.

"Pinaghihinalaan mo ba ako? Huh? Bakit naman ako magloloko dun? Ganun lang ba ang tingin mo sakin?"

"Oh, ikaw na to ngayon ang nagpapalaki sa problema." Tumawa siya pero may bahid ng inis.

"Nakakainis ka na kasi! Ang OA mo na!" Bulyaw ko. "Ang paranoid mo! Nakakaasar ka na e! Ang lumalabas sakin na sinasabi mo, na mababa akong klase ng babae na magloloko kapag wala ang boyfriend nila. Yun ba ang ibig mong sabihin?"

"Wow! Ikaw ang nagsabi niyan. Hindi ako!" nagcross arms pa sya.

Tumalikod muna ako sakanya dahil sa inis.

"Bwiset!!! Nakakainis! P*tang ina naman oh! P*unyetang buhay to!" Napapamura na ako sa galit. Buti tumalikod ako sa kanya dahil namumula na din ako.

"P*CHA! BAKIT BA KASI ANG IMMATURE NG BABAENG TO?!" Napaharap ako sa kanya at nakita ko syang nakatalikod din sakin.

"Ako pa ang immmature huh? Eh ikaw nga yung di makaintindi! Bahala ka na dyan!" Padabog akong umalis sa harap— sa likod niya. Naiinis ako.

HAYS. PAGOD NA NGA AKO SA TRABAHO, NAG-AWAY PA KAMING DALAWA. BWISET NAMAN OH.

                        * * *

Paggising ko ng umaga, wala man lang text akong natanggap galing sa kanya. Iniisip ko naman ang side niya kung bakit siya ganon. May point naman siya ee.

Oo, nawawalan ako ng oras. Oo, nagiging busy ako. Pero, ginagawa ko naman yon para sa'ming magkakapatid. Atsaka nagseselos sya kasi may mga katrabaho akong mga lalaki. Pero hindi naman ako nagtatrabaho sa bar (Ops. Sorry sa term. ) o kung saan. Marangal naman ang trabaho ko dun. Ang hirap kasi sa kanya, ang paranoid niya. Dun ako naiinis.

Please Don't Go [Tae Hyung Fanfiction] - BTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon