Feelings

18 4 0
                                    

[CHOI JI WOO]
Nagwawala ang mga tao sa loob ng club na ito.

"Sweet kissers! Sweet kissers!" Pagchicheer ng mga myembro ng Sweet Kissers sa sarili nila. Nanalo sila kanina lang at ngayong gabi ang Victory Party nila.

[Flashback]

"Wag na, Ji Woo. Masyadong maraming tao dun. Di na lang din ako aattend."

"Hindi pwedeng hindi ka aattend. Victory party yun at ikaw pa naman ang MVP. Masyadong di makatarungan kung di ka aattend."

"Pero, gabi na. At baka mag-inuman pa sila."

"Okay lang. Ngayon lang naman e. Sige na. Pinapayagan kita."

"Sigurado ka? Baka napipilitan ka lang?"

"Oo nga. Sige na. Sumama ka na sa mga team mates mo."

"Hindi pwede. Sayo lang ako sasama hanggang sa may club. Babantayan kita."

"Hayy, kulet."

[End of Flashback]

And yeah. Ito na nga. Nasa may club na nga kami ngayon at nakaupo lang ako sa isang sulok.

"MVP! MVP! MVP!" Tinulak-tulak na nila si Hoseok para sa isang speech.

"Uhm.. Salamat— Taena, Jungkook 'wag ka ngang malikot!—Ayun. Uhh.. Salamat sa sumoporta samen. Salamat sa lahat-lahat."

Umaktong naiiyak ang mga team mates niya. "Uwaaaaaaaa."

Tumawa siya ng mahina. "Sa mga taong sumuporta samen hanggang huli. Maraming salamat. Lalo na sa pinakamahalagang babae ngayong gabi.. Ji Woo my labs. Salamat sayo." Natawa ako dahil sa panggagaya niya ng endearment ko sa kanya kanina.

"Girlfriend, punta ka na dito." Sigaw ng isa sa mga team mates niya na Kai ang pangalan.

Tumawa ako at tumayo. Naghiyawan ang mga team mates niya at kinuyog si Hoeok.

Naglakad na ako papunta kay Hoseok. Tinulak si Hoseok palapit sakin at medyo napaatras ako kasi ang lapit niya.

"Ayiiiieh! May poreber!"

"You are just a dream that I once knew!"

"Dug dug! Dug dug! Dug dug!" Natawa ako dahil dun. Nakaform pa kasi ng heart ang kamay niya na nasa dibdib niya at ginagaya ang tunog ng heartbeat.

"Kahit ano para sa'yo." Bulong ko sa tenga niya.

Napangiti siya at niyakap ako.

"Maraming salamat. Mahal na mahal kita." Hinalikan niya ang noo ko at napangiti ako.
                                * * *
[DROP DEAD GORGEOUS BITCH]

Umupo siya sa balkonahe ng bahay niya. Sya lang mag-isa ngayong gabi. Tumingala siya sa mga makikinang na bituin.

Dapat magpapahinga na siya sa mga oras na yun. Pero pinipigilan siya ng kanyang nararamdaman. O baka naman pinipigilan niya ang kanyang nararamdaman.

Napabuntong hininga siya at dahan-dahang kinuha ang gitarang nakalagay sa gilid niya.

Sinimulan niya itong tugtugin.

Mabigat ang kanyang nararamdaman. May tumutusok sa puso niya na dahilan ng kanyang kalungkutan.

Napabuntong hininga siya.

Tumugtog siya gamit ang kung anu-anong mga nota para lang siya ay malibang.

Naalala niya ang mga bagay na nangyari kanina at ang mga bagay na naganap nung mga nakaraang araw.

Please Don't Go [Tae Hyung Fanfiction] - BTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon