[CHOI JI WOO]
Nagising ako mula sa isang text.From: Hoseok ♥
Wake up. :3
Siryizly? Gising na po ako. Agad akong tumayo at nagligpit ng higaan.
Bumaba ako at nakitang tulog pa ang mga kuya ko. Mukhang ako ang maghahanda ng almusal? 'Wag na. Nakakatamad.
From: Hoseok ♥
Take a warm shower before proceeding. :)
Huh? Before proceeding? Bakit? Ano bang meron? Teka, pinapanood ba niya ako ngayon? May hidden camera ba sa paligid? Baka naman nasa isang show ako o ano? Teka, hindi pa ako nakakapag-ayos.
From: Hoseok ♥
Chill. Calm down, baby. Just take a warm bath and I love you. :*
Napakamot ulit ako ng ulo. Siguro nga nakikita niya ako ngayon. Sinubukan kong hanapin kung nasaan yung mga camera kaso wala naman akong nakita.
Kahit naguguluhan, naligo pa rin ako.
From: Hoseok ♥
You can wear anything you want, Sweetie. :)
At dahil dun, isang komportableng damit ang sinuot ko. Isang maluwang na T-Shirt at simpleng short lang e, sapat na.
From: Hoseok ♥
Go outside of your house. I'm waiting for you, darling. ;)
Ugh. Bakit ang clingy ng dating niya sa mga text?
Agad naman akong lumabas ng bahay at hinanap siya. Nagpaikot-ikot na ako sa tapat ng bahay para lang mahanap siya kaso wala e.
"Asan na 'yun?" Napakamot ulo ako. Tae, baka naman pinagtitripan lang ako nung baliw na yun-
*CREEEEEEEEEEEEEEEEEEEK!!!*
Wala na akong maalala pagkatapos. Basta may tumigil na van sa tapat ko at dinala ako sa 'sino-bang-nakaka-alam' na lugar.
* * *
Time check: Lost Connection.
Buhay pa naman ako sa mga oras na ito at kumpleto pa naman ang mga body parts ko. Wala akong makita at hindi din ako makagalaw.
May kung sino ang umiipit sakin dahilan para hindi ako makapagpumiglas.
Hindi din ako makapagsalita. Ang sticky ng pakiramdam dahil parang may tape sa bibig ko at ang sakit-sakit na din ng panga ko kasi kanina ko pa pinipilit na magsalita.
Naramdaman kong huminto na ang sasakyang kanina ko pa sinasakyan at ang sasakyan na kumuha sakin kanina.
Nasaan na ba ako?
"Nandito na ba tayo?" Sabi ng isang malalim na boses.
"Oo. Ilabas niyo na siya." Right on cue, biglang may humigit sakin. At malay ko naman kung saan niya ako dadalhin.
"Aray!" Napatili pa ako ng tanggalin ang nasa bibig ko. Awwww, my poor lips.
Pinalakad nila ako. Ang lamig naman ng sahig dito. Nakailang patid at tapilok din ako habang naglalakad. Malay ko ba e wala akong makita.
"Nandito na tayo." Bigla na lang nilang tinaggal ang piring ko. Kaya naman pala ang lamig e. Nawawala yung isa kong tsinelas.
Inantay ko pa bago makapag-adjust ang mata ko at marealize kung nasan ako.
BINABASA MO ANG
Please Don't Go [Tae Hyung Fanfiction] - BTS
Fanfiction"♪♬♩ Please don't ever go For I cannot live my life alone♪♬♩" sabi nga ni Erik Santos sa isang kanta. "Wag mo akong iwan. Please." Parang ang selfish pakinggan. Pero ganun naman talaga e. Ganun talaga kapag mahal mo yung tao. Ayaw mong mawala sayo...