[CHOI JI WOO]
Ilang linggo din ang lumipas simula ng muntik na akong mamatay. Masayang isipin na nag-aalala silang lahat pero hindi ko ding maiwasan ang hindi maguilty.
Buti na lang andun si Hoseok at nailigtas niya ako. Pero ang pinagtataka ko, si Taehyung, nung araw na yon, hindi niya ako kinausap. Si Seung Cheol at Jeong Han lang ang kumausap sakin sa sasakyan. Tapos pagkauwi namin ng madaling araw, hindi niya ako tinetext o tinawagan man lang. Kaya ito ako ngayon tinetext sya ng tinetext.
To: Taehyungie
Sent. 4:36pm
Psst.To:Taehyungie
Sent. 4:39pm
Taehyung, busy ka?To: Taehyungie
Sent. 4:43pm
Punta ka dito sa may secret place. Usap naman tayo. Please?Napabuntong hininga ako. Hindi man lang nagrereply.
Galit kaya sya sakin? Pero wala naman akong ginawa sakanya dun sa resort.
Ang pangalan niya yung binulong ko bago ako mawalan ng malay nun. Pero di sya yung nagligtas sakin. Kaya ba hindi niya ako iniligtas? Kasi galit sya sakin?
Tinanggal ko yung sumbrero ko at dinama yung hangin. Masarap talaga tumambay dito. Malayo sa may village. Mahangin. Presko. Tapos tahimik. Ang ganda pa ng view. Ang sarap umupo sa may damuhan para tanawin yung asul na langit. May mga ibon at ang payapa kasi wala gaanong sasakyan. May malaking puno na masisilungan at dun ako nakatambay kasama nung skate board ko. Ang dami kong napupuntahang lugar dahil kay Taehyung.
Dito ako dinala ni Taehyung noon tapos kumanta ako nun habang tinutugtog niya yung gitara.
Napangiti ako ng hindi ko namamalayan. Hala! Hindi ako dapat ngumiti dahil iniisip ko sya!
Bad, Ji Woo! Bad!
Sinampal ko ang sarili ko.
"Oo, we're the perfect two."
Aaaaaaaarrrrrrrggggggghhhhhh!
Tumakbo ako papunta dun sa malawak na damuhan tapos sumigaw ako ng malakas.
"Aaaaaaarrrrrrrrrgggghhhhh!" Sigaw ko at pakiramdam ko tayalsik yung tonsils at vocal chords ko.
"ANO BANG NANGYAYARIIIIIIIII?!" Naguguluhan na kasi ako. "BAKIT ANG GULOOOOOOOO?!"
"Ano na bang gagawin ko?" Nanghihina akong lumuhod sa may damuhan.
"Miss na miss na kita! Please, kausapin mo na ako!" Naluluha na ako.
"Ji Woo." Dahan-dahan akong lumingon. Teka bakit andito to?
"Anong ginagawa mo dito, Hoseok." Nagtatakang tanong ko.
"Usap tayo. Please?" Tumayo ako para makita ang mukha niya.
Teka, ang putla niya. Nagkaroon na din ng eyebags.
"Anong nangyari sayo? Hindi ka naman ganyan kaputla nung huli kitang nakita dun sa resort ah?" Hinawakan ko yung gilid ng labi niya. Napayuko sya tapos parang naluha na ewan.
BINABASA MO ANG
Please Don't Go [Tae Hyung Fanfiction] - BTS
Fanfiction"♪♬♩ Please don't ever go For I cannot live my life alone♪♬♩" sabi nga ni Erik Santos sa isang kanta. "Wag mo akong iwan. Please." Parang ang selfish pakinggan. Pero ganun naman talaga e. Ganun talaga kapag mahal mo yung tao. Ayaw mong mawala sayo...