Sparks and Feelings

15 2 0
                                    

"Kainin mo to. Ito pa." Napasimangot si Ji Woo sa ginawa ni Taehyung.

"Ang dami naman." reklamo nya.

"Kelangan mong kumain ng marami." Hinawakan ni Taehyung ang pulsuhan ni Ji Woo. "Ang payat mo. Kaya dapat kumain ka ng madami."

Pinalis naman ni Ji Woo ang kamay ni Taehyung. "Malaki lang ang kamay mo. Di ako payat okay?"

Napabuntong hininga si Taehyung. "Basta kumain ka ng madami. Yung masustansya."

"Oo na oo na." Umiling si Ji Woo atsaka nagsimulang kumain ng kumain. Ang totoo, gutom naman talaga sya. Ayaw nya lang kumain dahil andyan si Hoseok.

"Hayaan mo na lang siya, Ji Woo." Seryosong sabi ni Taehyung. Pero di sya tiningnan ni Ji Woo.

"Nakalimutan mo na naman sya di ba? Sana nga."

"Gusto ko pa non!" Sabi ni Ji Woo habang may laman pang tinapay yung bibig nya. Tinuro nya yung isa pang roll ng mocha cake.

Napangiti ng wala sa oras si Taehyung habang nakatitig lang kay Ji Woo na halos mabulunan na dahil sa katakawan.

"Hoy. Narinig mo ba ako?" Hinampas ng mahina ni Ji Woo yung mesa, dahilan para mabalik si Taehyung sa reyalidad at matigil ang slow motion na tumatakbo sa utak nya.

"Ahh. Oo, oo. Teka." Tumayo si Taehyung at bumili pa ng gusto ni Ji Woo. Bumalik sya na dala yung tinapay atsaka nya ito nilapag sa harap ni Ji Woo.

Sa totoo lang, di talaga pwede si Taehyung dito. Pero dahil close si Ji Woo sa Manager nila, pumayag itong magstay si Taehyung kahit breaktime nila.

Biglang tumunog yung bell sa may pintuan, ibig sabihin may papasok.

"Break time pa po—" Napatigil si Yuri sa pagsasalita ng pumasok na ng tuluyan si Hoseok sa loob ng Cafe. "Oh, Hoseok."

Napatitig si Ji Woo kay Hoseok.

Ngumiti ang binata at umupo malapit sa inuupuan nina Taehyung.

Tinakpan ni Taehyung ang mata ni Ji Woo. "Wag mo kasing tingnan. Sakin ka lang tumingin." Sabi nito tsaka nya pinaharap si Ji Woo sa kanya.

Napailing si Ji Woo atsaka kumain ulit. Hindi mabasa ni Taehyung ang nasa utak ni Ji Woo. Basta kumakain lang si Ji Woo kahit ang totoo, busog na busog na sya.

"Nakatingin sya sayo. Kaya wag kang tumingin sa direksyon nya." Sabi ni Taehyung habang pinapanuod nyang kumain si Ji Woo.

"Oo na." Pagdating talaga sa pagkain, nagseseryoso tong si Ji Woo. Parang bata. Napailing si Taehyung kasi pakiramdam niya nahuhulog sya lalo.

Bigla namang nilihis ni Ji Woo ang ulo nya para sumulyap sa direksyon ni Hoseok.

"Hoy!" Hinawakan ni Taehyung ang ulo ni Ji Woo at iniharap nya ulit ang mukha nito sa mukha nya. "Sabi ko wag kang titingin sa kanya e."

Natawa si Ji Woo. Yung tawang nakakaloko. "Baliw. May tiningnan lang akong bata. Nadapa e."

Napa-facepalm si Taehyung. Abnormal ka talaga, Ji Woo.

Kumain naulit si Ji Woo habang nanunuod lang si Taehyung.

"Trip mo talagang panuodin ako e no?" Sabi ni Ji Woo habang hinihiwa ang huling piraso ng tinapay.

"Ganun talaga." Nakangiting sabi ni Taehyung.

Napairap si Ji Woo para itago ang ngiti nya. Wala namang masama kung mahuhulog sa lalaking to di ba?

Umiling si Ji Woo habang pilit na tinatapon kung saan man yung inisip nya. Hindi nya mapigilan ang hindi mamula dahil dun.

* * *

"Ji Woo." Napatingin si Ji Woo kay Taehyung.

"Hmm?" Tugon nito sa binata. Naglalakad sila ngayon pauwi. Gabi na at ang tahimik, malamig at silang dalawa lang yung naglalakad dahil anong oras na din.

"Wala." Napatampal sa noo si Ji Woo. Aminin niya man kasi o hindi, kinabahan talaga sya.

"Akala ko kung ano." Eksaktong apat na segundo ang nakalipas at naging awkward ang lahat.

May di mapaliwanag na espasyo sa pagitan nila. Ang tahimik talaga. Nakakaasar.

Nararamdaman ni Ji Woo yung pagsagi ng kamay nya sa kamay ni Taehyung. Kinabahan na naman sya. "Ano ba tong nangyayari? Bakit nagkakaganto?"

Naamoy nya yung usual na pabango ni Taehyung kahalo yung personal nyang amoy (wow. San ko nakuha yun?). Tapos yung tibok pa ng puso nya. Nababaliw na ako.

Dug dug.

Hinawakan na ng tuluyan ni Taehyung ang kamay nya. Napuno ng parang mga ipis ang loob ng tyan ni Ji Woo. Parang sinusuntok ang puso niya dahil sa kaba. Namasma ang mga palad nya at alam nyang nahahalata ito ni Taehyung dahil hawak nito ang kamay nya.

Kunwari wala lang kay Ji Woo ang mga nangyayari. Kunwari hindi hawak ni Taehyung ang kamay nya. Hindi nya ito hinawakan pabalik at mas lalong hindi nya inalis ang pagkakahawak dito. Kasi oo, oo naguguluhan sya. Oo hindi nya alam kung hahawakan nya din ba ang kamay ni Taehyung. Natatakot sya. Natatakot syang magmahal ulit. Natatakot syang masaktan ulit.

"Aantayin ko yung panahong hahawakan mo din yung kamay ko." Inintertwine ni Taehyung ang mga daliri nila.

Napayuko si Ji Woo at hinayaang hawakan ni Taehyung ang kamay niya. Nakarating sila sa tapat ng bahay nila Ji Woo pero si Taehyung, wala pa atang balak na bitiwan ang kamay ng dalaga.

"Papasok na ako, Taehyung. Salamat sa paghahatid." Ngumiti si Ji Woo.

"Walang problema." Unti-unting bumitaw si Taehyung at hinayaang pumasok na si Ji Woo sa loob. Nilabas nya ang cellphone nya at tinext agad si Ji Woo.

To: Ji Woo

Good night. :)

Pinindot nya ang send button at tsaka sya tuluyang naglakad palayo habang may ngiti sa mga labi nya.

Narecieve ni Ji Woo ang maikling text sa kanya ng binata. Jusko, ano ba to. Kung nakakapunit lang ng pisngi ang mga ngiti, punit na punit na ang pisngi ni Ji Woo. Humiga sya sa kama nya atsaka nagreply.

To: Taehyung

Good night din. Ingat sa pag uwi.

Kinakabahan nya itong sinend. Napayakap sya sa unan habang nag iinit ang mukha nya ng maalala ang pakiramdam ng kamay ni Taehyung sa kamay nya.

Aaaaahhhhhhh! Ano ba yaaaaaaan. Gustong magwala ni Ji Woo pero kinalma nya na lang ang sarili nya. Kalma, Ji Woo. Kalma.

Napahinga sya ng malalim at narelax sya. Pero nabawi din ng biglang nagvibrate ang phone nya.

From: Taehyung

Salamat. :) Sige na matulog ka na. Alam kong pagod ka.

Ang hirap huminga. Kanina kalmado na sya pero isang text lang mula kay Taehyung ay kabadong-kabado na naman sya.

Taehyung. Ano ba tong ginagawa mo sakin?

Please Don't Go [Tae Hyung Fanfiction] - BTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon