[CHOI JI WOO]
Nakailang lingon na ako sa kanan at kaliwa ko. Pero wala pa din sya. Ilang araw ang nakalipas pagkatapos nung nangyari sakin nung gabing yun. Yung lalaking nagligtas sakin? Ayoko ng pag-usapan.
"Asan ka na ba?" Tanong ko kahit na wala naman akong kausap. Tinext nya ako kanina na magkita kami sa tapat ng Cafe. Kahit na mag te10 na ng gabi.
Walang mga bituin sa langit ngayon. Puro ulap at pakiramdam ko, uulan na. Pero kailangan antayin ko pa din si Hoseok dito.
Tinadtad ko sya ng text. Pero kahit anong reply, wala akong natanggap.
"Ji Woo."
Napalingon ako dun sa tumawag sa pangalan ko at si Hoseok na nga yun. Nakahinga naman ako ng maluwang. Akala ko kasi hindi sya dadating o kaya napaano sya habang papunta dito.
"Hoseok, ano bang pag-uusapan natin?" Tanong ko sa kanya.
"Maghiwalay na tayo." Sabi niya at kasabay nun ang pagbagsak ng nakakabinging ulan. Tipong yun lang yung naririnig ko. Pati yung sinabi niya.
Maghiwalay na tayo.
"B-Bakit?" Tanong ko kahit na dapat ngayon ay naghahanap na ako ng masisilungan. "Hoseok... Bakit?"
May bumara sa lalamunan ko. Masakit ang puso ko. At nanginginig ang mga tuhod ko. Dahil sa lamig? O dahil sa panghihina?
"Ayoko na. Sawa na ako." Sagot niya sakin habang nakatingin sa mga mata ko. Di ko mabasa ang ekspresyon na meron sya sa mukha niya. Straight face lang sya. At parang ang sinabi niya ang pinakanormal na bagay na dapat sabihin ngayon.
"Hoseok.. Please—Please, wag." Di ko na marinig ang sarili ko. Di ko na nga maramdaman yung patak ng ulan sa katawan ko at ang lamig na dulot ng hangin.
"Ji Woo. Please, tama na. Ayoko na." Sabi niya ng sinimulan ko syang yakapin at parehas na din kaming basa na.
"Hindi pwede, Hoseok... Hi—Hindi ko kaya..." Nanghihina na talaga ako. Namanhid na ata ang katawan ko lalo na ng itulak niya ako palayo at bumagsak ako sa maputik at basang kalsada. Di ko man lang sya nahawakan ng mabuti.
"Ji Woo." Sabi ni Hoseok sakin habang nakatingin sa mata ko, yung tubig ulan may nag-iistay sa mga pilik mata niya.
Umiiyak na ako pero di lang talaga halata dahil sa ulan.
"Hoseok," pumipiyok na ako sa kakatawag sa pangalan niya na ngayon ay nakatayo sa harapan ko. "Di ko kaya pag wala ka." Lahat na ata ng dapat kong sabihin para lang bawiin niya yung sinabi niya at maipasok ulit yun sa lalamunan niya, sinabi ko na.
Malamig ang tingin niya. Walang ekspresyon sa mukha. Di gumagalaw. At nakatitig lang sakin na parang ako ang pinakakawawang babaeng naghahabol sa kanya.
Di ko na ata sya kilala.
Wala akong pakialam kahit na basang basa na ang pantalon ko, at mabigat na ito. Nagsimula na syang maglakad palayo at dali dali akong tumayo para pigilan sya.
Niyakap ko mula sa likod habang umiiyak at humahagulhol na nagmamakaawa sa kanya.
Kahit nagmumukha na akong tanga, kawawa at desperada, di ko inintindi ang sarili ko pati na rin ang mga sasakyang dinadaanan kami. Sya lang ang kailangan ko.
Napatingala naman siya at narinig ko ang pag-angal niya dahil sa higpit ng yakap ko. Kung pisikal lang ang usapan dito at kapag di sya makawala sa mga braso ko, pwede pa sana akong manalo. Kaso hindi eh. Yakap ko nga sya. Pero yung puso niya, mukhang hindi na.
BINABASA MO ANG
Please Don't Go [Tae Hyung Fanfiction] - BTS
Fanfic"♪♬♩ Please don't ever go For I cannot live my life alone♪♬♩" sabi nga ni Erik Santos sa isang kanta. "Wag mo akong iwan. Please." Parang ang selfish pakinggan. Pero ganun naman talaga e. Ganun talaga kapag mahal mo yung tao. Ayaw mong mawala sayo...