[CHOI JI WOO]
"Oh, handa na ba yung pera mo?" Pambungad na pangungulit ni Seung Cheol."Oo naman." Ngumiti ako ng malapad. Masaya ako at kahit na matalo ako sa pustahan, atleast bati na kami ni Hoseok.
"Good." At nagtawanan kami. 01:16 ng makarating ako sa cafe at 2:58 na kaya naman ilang sandali na lang, magsisimula na yung pustahan.
Busy ako sa pagmamop at kahit katuwaan lang yung pustahan na yon, di ko maiwasang kabahan. Syempre, curious din ako. Pero kung ano man ang mangyayari, sigurado akong wala lang yon. Panay tingin ko sa orasan ko at habang tumatagal, kinakabahan na talaga ako.
Maya maya pa, natapos na ako sa paglilinis. Pumunta naman ako sa counter para linisin yun. Sa kaba ko, baka malilinis ko tong buong cafe.
Inaabangan ko din yung mga bawat papasok sa loob at walang bakas si Jeong Han. Buti naman. Mukhang tiba-tiba ako neto ah.
"Uy! Inaabangan! Abangers ka ah!" Inaasar na naman ako ni Seok Min at Seung Cheol.
"Oo. Inaabangan ko talaga. Lalo na kung mananalo na ako." Ngumisi ako. Tas sila naman parang kinabahan. Lampas 3 pm na at kung lumampas na ng 4 pm, tapos na ang pustahan.
* * *
Time Check: 4:07 pm
Status: No Signs of Jeong Han"Pano ba yan? Nako naman." Sobrang lapad ng ngiti ko.
"Aish! Nakakaasar naman!"
"Nagtiwala pa naman kami sayo, pare!"
"Asar! Pfft."
"Leche!" At isa isa na silang nagbigay ng mga pusta nila sakin. Aba, ako yata ang panalo.
"Eh, guys! Pano naman kung humabol pa siya?! Pano kung nalate lang?!" Natawa ako kay Seok Min.
"Di nga sabi babalik yun."
"Sinong di babalik?" Napatingin kaming lahat sa taong pumasok.
"J-Jeong.. Han?" Kinabahan ako bigla. Bakit nagkatotoo yung sinabi ni Seok Min?! Pano na to?
"Hi, Ji Woo." Ngumiti at kumaway pa sya.
"Ahhh.. Ehh.. He-Hello, Jeong Han." Nag-aalangang bati ko.
"Wag ka mag-alala, Ji Woo. Panalo ka talaga." Sabi ni Ate Yuri.
Tumawa si Jeong Han tsaka nagtanong, "Anong meron? Saan ka nanalo Ji Woo?"
Shit. Kung sasabihin ko man na pinagpustahan namin sya parang.. Nakakahiya.
"Ahhh.. Ehh.. A-Ano.." Napayuko na ako sa hiya at kaba.
"Nagpustahan kasi kami kahapon na kung babalik ka between 3-4 pm, panalo ako." Sabi ni Seung Cheol sabay harap kay Jeong Han. "Tapos kung di ka dumating sa pagitan ng oras na yun o di kaya di ka pumunta, panalo sa Ji Woo."
Tumawa si Jeong Han. "Nalate lang talaga ako. May pinuntahan kasi ako kanina tapos binili ko to,"Teka san galing yung bouquet ng mga bulaklak? "Para kay Ji Woo."
Naghihiyawan na yung mga katrabaho ko at ako naman namumula. Ewan ko kung bakit. Buti wala nang tao at malapit na din ang break time.
"Salamat.. Na-Nag-abala ka pa.." Inabot nya sakin yung bouquet at agad ko namang tinanggap.
"Para sa napakagandang babae." Mas mukha ka pa ngang babae sakin sa ganda at lambot ng buhok mo e.
Natawa naman ako. Pero syempre hininaan ko lang. "Di naman. Medyo lang. Joke! Hahahaha!" Habang tumatagal, napapansin ko na gumagaan ang loob ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Please Don't Go [Tae Hyung Fanfiction] - BTS
Fanfiction"♪♬♩ Please don't ever go For I cannot live my life alone♪♬♩" sabi nga ni Erik Santos sa isang kanta. "Wag mo akong iwan. Please." Parang ang selfish pakinggan. Pero ganun naman talaga e. Ganun talaga kapag mahal mo yung tao. Ayaw mong mawala sayo...