Choosing Between the Two of Them

11 2 0
                                    

Normal na araw sa cafe. Busy ang lahat. Pati si Ji Woo syempre. Madaming tao as usual. Nakakapagod ang daming costumer.

"Ji Woo yung ibang orders." Tawag ni Seung Cheol kay Ji Woo habang inilalabas ni Ji Woo ang isang tray na may mga orders.

"Sandali lang." Pinunasan ni Ji Woo ang pawis na tumutulo sa gilid ng mukha nya. Habang bahagya syang naghahabol ng hininga nya.

"Ji Woo pakipunasan naman yung table dun oh." Utos ni Yuri na busy sa pagkuha ng iba pang order. Napatakbo naman si Ji Woo kung saan may maduming mesa. Nilinis nya ito habang si Seung Cheol naman ang nagdistribute ng mga order. Malapit na ang breaktime kaya tiis-tiis lang, ani ni Ji Woo sa sarili nya.

Ilang linggo na kasi ang nakalipas at palaging parang may kompitisyon sa pagitan ni Taehyung at Hoseok. Naguguluhan si Ji Woo sa mga nangyayari sakanya.

Pano bigla na lang nagkanda-leche-leche ang buhay ko? Napailing si Ji Woo at pinagpatuloy ang trabaho nya. Napabuntong hininga sya ng maalala ang nangyari noon.

[FLASHBACK]

"Go, Taehyung!" Pagchicheer ni Ji Woo kay Taehyung sa laban nila ni Hoseok. Nagkainitan kasi yung dalawa bago ang araw na yun.

Umawat si Ji Woo sa kanila at nasabi nyang, "Wag nyo sa suntukan idaan yan kundi sa malumanay na paraan na lang."

Kaya ayan, nagbasketball sila. One on one.

Sa totoo lang di alam ni Ji Woo kung kanino sya kakampi. Parang yung dati lang. Hays.

Huling quarter na at 50-49 ang score. Si Hoseok ang lumalamang. Alam ni Ji Woo na magaling si Hoseok magbasketball at ito ang pangalawang beses na maglalaban sila ni Taehyung.

Tumindi ang tensyon ng sampung segundo na lang ang natitira. Nag-aagawan ang dalawa sa bola.

10.. 9.. 8.. 7.. 6..

"Kaya mo yan, Taehyungie~" Nag-init ang dugo ni Hoseok ng marinig ang pagkalakas-lakas na sigaw ni Ji Woo mula sa front row. Nagsisigawan na ang mga tao. Mas binilisan ni Hoseok ang takbo papunta sa ring nya pero nagulat ang mga tao sa susunod na nangyari.

"Whoooo! Bilisan mo, Taehyung! Whoooo kaya mo yan!" Sigaw ni Ji Woo at kinakabahan sya kasi nakuha na ni Taehyung yung bola at tumatakbo na ito papunta sa ring nya.

5.. 4.. 3.. 2..

Tumira si Taehyung mula sa labas ng three-point line.

At,

"Whooooo!" Tumakbo si Ji Woo papunta kay Taehyung sabay yakap dito.

1.. *EEEEENGGGG~*

"Shit, Taehyung ang galing mo!" Masayang sabi ni Ji Woo habang nakayakap kay Taehyung. Samantalang padabog na binagsak ni Hoseok ang bola.

Tumingin si Taehyung kay Hoseok. "Akala mo mananalo ka na ah." Masaya syang kinakausap ni Ji Woo pero magkatitigan lang sila ni Hoseok.

"Hinding-hindi ko hahayaang manalo ka ulit, Hoseok." Sabi ni Taehyung sa sarili nya sabay yakap kay Ji Woo.

[END OF FLASHBACK]

[CHOI JI WOO]

Work's over for now. Napabuntong hininga na naman ako at bigla akong napatingala ng biglang bumukas yung pinto.

"Taehyung?"

Pero hindi. Kasi si Hoseok yung pumasok. Napaupo ako sa isang upuan at yumuko.

Please Don't Go [Tae Hyung Fanfiction] - BTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon