Goodbye

7 2 0
                                    

[CHOI JI WOO]

"Sigurado ka bang kaya mo habang wala ako?" Tanong nya sakin habang nag-aayos sya ng gamit.

Hindi.. Hindi ko kayang malayo ka sakin.. "Oo naman."

Nilingon nya ako. "Di mo ba ako... Mamimiss?"

"Mamimiss." Sumimangot ako kasi alam kong iiyak na naman ako. Kagabi ko pa 'to iniiyakan eh. Ngayon na kasi yung alis nya. Kahit na ilang buwan lang sya don, mamimiss ko sya ng sobra.

"Halika nga dito." Binuka nya yung mga braso nya at niyakap ako. At sa yakap nya lang na yun, tumulo na yung luha ko. Mamimiss ko kasi 'tong malambot at mainit nyang yakap.

"Pwede bang hindi ka na lang umalis?" Para akong batang inagawan ng candy ditong umiiyak sa harap nya.

"Hindi pwede, Ji Woo. Kelangan din ako nina Mama dun." Sabi nya sabay hinalikan ako sa buhok ko.

"Pwede bang isama mo na lang ako? Ayos naman yung passport ko dyan eh. Updated naman yung VISA ko. Isama mo na lang ako." Desperada na ako kasi ayokong mawala sya sa tabi ko kahit sandali.

"Ikaw talaga." Medyo natawa sya. "Hindi pwede kasi wala ka namang ticket."

"Eh ayokong mawala sa tabi mo eh~" umiiyak ako dito para akong tanga. B0set.

"Ayoko rin namang iwan ka. Pero sandali lang naman 'to eh. Tas babalik ako ulit." Sabi nya pero alam kong nalulungkot din sya.

"Taehyung naman kasi eh." Pagmamaktol ko pa. Bakit ba kasi ang isip bata mo Ji Woo? Tangina ka talaga eh.

"Ji Woo, wag ka ng umiyak. Gusto mo ba akong pabaunan ng mga malulungkot na alaala?" Sabi nya habang nakatitig sakin.

"Ayaw." Sabi ko habang nakapout.

"Oh ayaw mo naman pala eh. Ngumiti ka na." Nakangiting sabi nya kaya naman napangiti na lang din ako. "Yan. Mas bagay sa'yo."

Pinunasan ko ang luha ko atsaka pilit na nagpakamasigla. Tama, ayaw ko syang malungkot sa byahe.

"Tara nga muna sa labas." Sabi nya sabay akbay sakin.

"San naman tayo pupunta?" Tanong ko sabag yakap sa bewang nya.

"Basta. Kahit saan." Lah pwede ba yun?

At hindi na nga ako umangal dahil nakalabas na kami ng bahay nila. Pumunta kami sa may play ground.

"Ano namang gagawin natin dito?" Natawa ako. "Wag mo sabihing maglalaro tayo?"

Ngumiti sya sakin. "Ganun na nga."

Hinawakan nya yung kamay ko sabay takbo papunta sa swing. Umupo sya sa isa sa mga swings at umupo na lamang ako sa kabila.

Tahimik lang kaming dalawa habang parehas na gumagalaw yung mga inuupuan namin.

"Ji Woo?" Tawag nya. At di ko maiwasan ang hindi kilabutan dahil sa lalim at lambing ng boses nya. Kasabay pa ng hangin at ng huni ng mga ibon. Ang sarap lang talaga sa tenga.

"Hmm?" Tumingin ako sa kanya. Nakayuko sya at malalim ang iniisip.

"Pag andun na ako, wag kang makikipag-usap kahit kaninong lalaki maliban sa mga kakilala ko ah?" Namula naman ako.

"Oo naman." Hinawakan ko yung kamay nya. "Pero dapat ikaw din. Wala kang kakausaping babae dun ah? Kahit sino. Aba, wala akong kakilala dun. Papatayin kita."

Please Don't Go [Tae Hyung Fanfiction] - BTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon