Saved

17 2 1
                                    

[CHOI JI WOO]

Nababaliw na ako. Kung ano ano na lang ang ginagawa ko sa kwarto ko paggising. Mamaya pa ang pasok ko pero gustong gusto ko ng pumasok sa Cafe para itanong kung pinagtitripan ba ako ng mga tao dun.

Naisipan kong bumaba pero ang bungad ng mga tao sakin sa baba ay?

"Okay ka lang? Sinong gumawa niyan sayo?!"

"Bakit ganyan itsura mo?"

"Ang panget mo talaga. Bumalik ka nga ulit sa kwarto mo! Ang sakit mo sa mata."

"Grabe naman kayo. Mukha ba akong rape victim?"

"Oo." Sabay sabay nilang sagot kaya inayos ko ang sarili ko. Sino ba naman ang di maguguluhan kung may nagtext sayo na emoticon? Na nagfifeeling tatay mo at nag I love you pa? *sampal sa sarili* Nababaliw ka na Ji Woo.

"Gutom na ako! Pakaiinin nyo na ako!" Sabi ko ng makaupo ako sa upuan.

"Nababaliw na tong kapatid natin."

"Tumawag na tayo ng ambulansya papuntang mental hospital."

"Tatawag na ako ng albularyo. Baka sinaniban na ng masamang espirito."

"Nagnanakaw ako ng mga dila ng mga taong bubulong na nga lang, rinig na ring pa!" Pagbibiro ko pero sineryoso nila kasi sabay sabay silang nagtakip ng bibig.

Ang sasama nilang kapatid. Napakamot na lang ako ng ulo atsaka ko sinalampak ang mukha ko sa mesa. Ang sakit ng ulo ko.

Napa-tsk tsk tsk! na lang sila. Makalabas nga muna.

"Hoy! Saan ka pupunta?" Sigaw ni Kuya Jimin.

"Sa labas. Bibili ako ng pagkain."

"Ng ganyan ang itsura mo?"

"Oo. Aba, wala na lang pakialamanan."

Lumabas na ako ng bahay namin kahit na nakapajama pa ako at yeah, nakapaa.

"Ji Woo-ssi?" Napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko.

"Huh? Sino ka?" Tanong ko sa kanya.

"Di mo na ba ako naalala? Ako to. Si Vernon." Sagot nung lalaki sabay aktong yayakapin ako.

"Vernon?" Wait. Wait. Wait. Parang--

"Oh, shit! Vernon-ssi!!! Grabe, anong ginagawa mo dito?!" Niyakap ko sya ng mahigpit. Sya yung kababata ko at side kick ko sa lahat ng kalokohan.

"Kakauwi ko lang galing ibang bansa. Grabe no? Nakakamiss pala dito." Sabi niya sakin sabay yakap sakin pabalik. Grabe, namiss ko tong lalakeng to. Sobrang tagal na naming di nagkita at wala talaga kaming communication simula nung umalis sya five years ago.

"Nako, namiss kita, Vernon-panget!" Tumawa ako ng malakas sabay hiwalay sa kanya. Tiningnan ko yung mukha niya. Aba, gumwapo tong kumag na to ah.

"Di ka pa din nagbabago, Ji Woo-pandak." Tumawa sya. "Boyish ka pa din. Ang lakas lakas tumawa!"

"Tse! Napagtripan mo na naman yung tawa ko!" Hinampas ko sya ng malakas.

"Aray! Namiss na nga kita tapos hahampasin mo lang ako? Grabe ka sakin." Nagpacute pa siya.

"Sorry naman. Eh, namiss talaga kitang hampasin e. Hahaha, joke lang!"

"Bakit ka nga pala nandito sa labas?"

"Bibili dapat ako ng pagkain e. Tapos nasalubong kita."

Please Don't Go [Tae Hyung Fanfiction] - BTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon