13.1
Madaling araw ng maalimpungatan si Ji Woo. Masakit ang ulo niya pati na rin mainit ang pakiramdam ng lalamunan niya.
Napatingin sya sa gilid niya. At nakita niyang nakitang natutulog si Taehyung sa tabi niya.
"Anong ginagawa niya dito?" Nagtataka niyang tanong sa sarili niya.
Maghiwalay na tayo.
Napapikit na naman sya ng marinig na naman sa utak niya ang boses ni Hoseok. Gusto na sana niyang umiyak pero masyadong masama ang pakiramdam niya.
"Ji Woo—" Napalingon sya ng makitang nakaupo na si Taehyung. "Kumain ka, uhm, may hi–hinandang pagkain ang kuya mo."
Kinakabahan si Taehyung habang inalalapit kay Ji Woo ang soup na pinagpuyatan ni Yoongi. At yun ang unang beses na nagluto siya.
"Wala akong gana." Pagsisinungaling ni Ji Woo tsaka nagtalukbong ng kumot.
"Pero kailangan mong kumain." Sabi ni Taehyung, seryoso pero nag-aalala. "Para makainom ka ng gamot."
Di sumagot si Ji Woo. Magagamot kaya niyang gamot na yan ang sakit na nararamdaman ko?
"Please, Ji Woo." Sabi ni Taehyung habang nilalapit ang kutsara kay Ji Woo. "Kailangan mo to."
Dahan dahan namang lumabas mula sa kumot si Ji Woo, ngumanga sya at sinubo Ang kutsara na may soup. Mainit init at nalagyan din ang sikmura niya.
Sinubuan sya ni Taehyung ng pagkain na parang bata. Kahit pa naiilang at naninibago, hinayaan niya lang ito.
Nang maubos ang soup ay agad kinuha ni Taehyung ang biniling gamot sa butika at kumuha din ng isang basong tubig.
Ininom ni Ji Woo ang inabot na pill sakanya. Malamang, gamot ito sa lagnat. Atsaka niya ininom ang isang baso ng tubig.
Pagkatapos ay humiga na ulit sya at humiga na din si Taehyung. Tahimik ang paligid at malamig ang gabi. Giniginaw si Ji Woo dahil sa lagnat niya pero pinagpapawisan naman.
Di sya makatulog. Nagkakabunggo ang mga paa nila at sa tuwing nangyayari yun ay nagkakaroon ng espasyo sa gitna nila. Ang awkward.
Walang nagsasalita. Tanging paghinga at lakas ng kabog ng puso ni Taehyung ang naririnig.
Gusto na sanang itanong ni Ji Woo kung bakit biglang sumusulpot si Taehyung. Ang kaso masyado syang nanghihina. O kaya naman nahihiya.
May trauma pa din si Ji Woo dahil sa nangyari sakanya nung gabing yun. At tuwing may mga lalaking nagkukumpulan ay nangingig ito sa takot.
At sumunod pa itong nangyari sa kanila ni Hoseok.
Maghiwalay na tayo.
Ang sakit... Ang sakit sakit...
Umiiyak si Ji Woo ng tahimik. Kinakagat nito ang kumot para di siya makahikbi ng malakas.
Napalingon naman si Taehyung sa kanya. At halatang halata ang involuntary movement ng balikat niya dahil sa pag-iyak.
"Mas lalo lang sasakit ang ulo mo dahil sa ginagawa mo." Sabi ni Taehyung habang pinipigilan ang sarili na yakapin na naman si Ji Woo. Ayaw na ayaw niyang umiiyak ito.
"Taehyung, kasi..." At napahagulhol na nga si Ji Woo. Umupo na sya kahit na masakit ang ulo niya dahil nahihirapan na syang huminga dahil sa paghikbi nito.
"Shhh." Di na napigilan ni Taehyung, lumapit sya kay Ji Woo, niyakap ito ng mahigpit at hinayaang umiiyak ito sa dibdib niya. "Tama na."
BINABASA MO ANG
Please Don't Go [Tae Hyung Fanfiction] - BTS
Fanfiction"♪♬♩ Please don't ever go For I cannot live my life alone♪♬♩" sabi nga ni Erik Santos sa isang kanta. "Wag mo akong iwan. Please." Parang ang selfish pakinggan. Pero ganun naman talaga e. Ganun talaga kapag mahal mo yung tao. Ayaw mong mawala sayo...