Sweetish

18 1 0
                                    

Inikot lang muna namin ang lugar, bumili ng kung anu-ano, at nag picture picture ako. Bukas na lang ata namin mas i-enjoy ang lugar na 'to. Masyado pa kasi akong distracted, may dala akong pusa, hindi ako dito ready, and yung mga tao, hindi pa rin nakakaget over, may nagpapapicture na nga saakin. Oh, san ka pa?

Umuwi na lang rin kami ng maaga, nakatulog nga ako sa biyahe, pabalik ng hotel. When I suddenly feel something na binubuhat ako.

Dinilat ko ang mga mata ko, at nakita ko agad ang reflection sa isang salamin. May yinayakap ata ako, and my head is on his shoulder. Pagtingin ko ulit sa salamin, nakita ko na buhat pala ko ni Samuel. Naka piggy back ride ako sakanya.

Bigla naman siyang nag bend, at bumababa na ako. He stretches his arms. "Tss. Buti naman at nagising ka na. Ang sakit na kaya ng likod ko." Masungit pang sabi niya, hinayaan ko na lang.

"Salamat ah." I catch a glimpse of his smile, pero bumalik rin sa dating serious face.

Ugh. Samuel, ano bang meron sayo?

Pagkalabas namin ng elevator, may napansin agad ako na wala sa mga kamay ko. Isang malambot, makinis, at cute...

"Wah! Asan na si Sammy?" Hinawakan ko ang magkabilaan niyang balikat at ginalawa galaw siya. "Anong ginawa mo sakanya ah?" Naiiyak ng tanong ko. Pag may mangyare talagang masama dun, hindi ko mapapatawad ang Samuel na 'to.

"Ano bang pinagsasabi mo? Si Sammy? Kasama na ng Mommy Jessa niya bakit?" Natigilan naman ako at bumalik sa pagiging madrama.

"Hindi yun, yung pusa." He gave me a confused look and frowned, tas napasinghap pa siya. "Oh? Ano bakit ka ganyan?" Nagaalala ng tanong ko.

"We left him." Yun lang sinabi niya.

"What? No way! Samuel! Hindi ako nakikipagbiruan, asan siya!" Pinagpapalo ko na ang dibdib niya. This is so not happening.

"Oh, teka, ba't ka umiiyak?" Talagang nagtanong pa siya. Tumalikod na lang ako sakanya at naglakad na papunta sa kwarto ko. Kahit nga halos walang akong makita kasi nanlalabo ang paningin ko dahil sa mga luha.

Nakarating naman ako dun at kinuha ko ang susi sa bulsa ko. Nagmamadali akong pumasok, at sasarhan ko na sana ang pinto ng may biglang may pumigil nito.

"Samantha, tumigil ka nga." At talagang pumasok pa siya.

"Umalis ka dito! Hindi kita kailangan! Nagagalit ako sayo!" Sinigiwan ko na nga siya at dumiretso ako sa kama ko. Dun ako naupo at umiyak.

Hindi ako O.A, talagang napamahal lang saakin yung pusa, kahit ilang oras lang yun. Walang nagmamayari sakanya, I saved him, tsaka nangako ako kay Sammy na aalagan ko siya.

"Shit." I heard him cursed. "Sorry talaga, akala ko ba alam mo? Hindi mo kasi ata nahalata, pagpasok mo sa kotse, tumalon ulit yun palabas. Hinayaan ko na lang." Mas lalo akong napahagulgol.

Tumabi siya saakin. "I'm sorry, I didn't mean to. Please stop crying. Hindi ako sanay na may babaeng umiiyak sa harap ko, at lalo ng dahil saakin. Nanghihina ako, mas nararamdaman ko na ang mga babaeng tulad mo ay hindi dapat sinasaktan. It's my weakness. Sorry talaga." Then suddenly I just felt him hugging me. Napalunok ako dun. "Don't worry, I promise we'll find him tomorrow, we're gonna get Sammy back."

Ever Ever After Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon