Prologue

226 5 4
                                    


Kasabay ng pagputok ng mga fireworks ang pag tunog ng isang napaka sweet na music. Nakangiti lang ako habang pinapanuod ito. Kakaiba siya eh. Ito na kasi yung feeling na, finally, natupad na rin ang mga pangarap ko. Naiiyak nga ako sa tuwa.

Naramdaman ko na lang na may humawak sa mga kamay ko. Napalingon ako sakanya at nakapagtataka lang na may kasama pala ako.

Hindi ko siya masyadong masaliyan, pero alam kong nakangiti siya at nakakahawa ito, mas lalo akong napapangiti. He put his arms around my waist, nagsimula kaming sumaway, isang sweet dance. Sinabayan namin ang music.

Tumigil kami at nagulat na lang ako ng bigla siyang lumuhod.

"Anna Samantha Laurel." Sambit niya. Alam niya ang pangalan ko. Grabe nga, ang bilis na ng tibok ng puso ko. "Can you be my forever?" Hindi ko siya sinagot, but I just gave him a very sweet smile.

Napatingin ulit ako sa kalangitan at saktong may isang napakasilaw na firework ang pumutok. Nakakabulag ito kaya naman napapikit na lang ako.

"Sam!"

Dinilat ko muli ang mga mata ko, ngunit sa oras na ito. Wala na ang lahat. Napaupo ako sa hinihigaan kong kama. Sunod sunod na pumatak ang mga luha ko.

Wala akong magawa, parang bumalik lang sa lahat ang dati. Walang pangarap na natupad. Isa lang itong panaginip.

Sana, sana, sana hindi ko na siya pinakawalan. Sana, hindi ko pinairal ang galit ko, hindi dapat ako nagtiwala sa dila ko. Nagkamali ako sa mga sinabi ko. Ang tanga ko.

Mahal ko siya eh.


Ever Ever After Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon