Forever

11 1 0
                                    


"Wah! Ang sarap nitong dole whip. Thank you so much." Ako na talaga ang mukhang bata.

Marami rami na ring kaming napuntahan ni Samuel, at aaminin ko ngayon lang ako nag enjoy sa buong buhay ko. Napunta kami sa pinakatahimik na lugar dito at naupo na rin sa may bench. Nakakapagod rin pala yun.

Kanina pa tahimik itong si Samuel at hindi masyadong nagsasalita. Tinapon ko na sa trashcan ang iniinuman ko, siguro ito na ang oras. "Ano palang ibig sabihin nito?" Pinakita ko naman sakanya yung letter niya. Napalayo siya ng tingin at parang namula ang tenga. Napangisi naman ako.

"N-Nabasa mo na pala yan? Nakakahiya naman." May pakamot kamot pa talaga siya sa ulo.

"Diba, sabi mo pag magaling ka na, babalik ka na agad, at magkakasama na ulit tayo? Tas yung sa scrap book, ano ibig sabihin nun ah? Ayaw mo saakin ganun?" Biglang naging seryoso ang mukha niya.

"Humingi ka ng tawad nun, sinabihan mo ako ng manloloko at sinungaling, at hindi mo ko magagawang mahalin. Sino ba naman hindi mawawalan ng pag-asa dun?" Ako naman ngayon ang pinanghinaan ng loob.

"Sila Keila kasi eh, sinabi ko yun para walang mangyareng masama sayo, pati sa pamilya natin, pero ganun rin naman. Nagsisisi na nga ako eh." Napatingin ako sa malayo.

"So narealize mo na rin na si Keila yun, at hindi si Leila?" Tumango tango naman. "Mabuti naman. Pinagtulakan mo pa ako kay Leila eh, buti mabait yung tao." Napangiti na lang ako. "Buti rin nga hindi ka sumunod sa deal, walang nangyareng masama sayo. Gagong Sean yun. Pero," Narinig kong huminga siya ng malalim. "Bakit nga ba, hindi mo na siya hinayaang magkagusto sayo, bakit hindi mo na siya mahal?"

Humugot naman ako ng lakas ng loob. Ito na, sasabihin ko na. "Akala ko madaling mawala yung feelings ko sayo kapag naghanap ako ng iba, at ganun rin sayo diba? Pero hindi pala ganun kadali ang iwasan yung nararamdaman mo para sa isang tao kasi masasaktan ka lang. Sising sisi na ko Samuel kasi ngayon mahal na kita."

"Alam mo dati, ayokong isiping mahal na kita dahil ayokong masaktan pero lahat naman ng tao nasasaktan kapag nagmamahal diba? Kaya pinagsisisihan ko na ngayon ko lang sinabi sayo na, mahal kita. Ayokong masaktan pero dahil mahal kita kahit masaktan pa ako okay lang." Napapikit na lang ako sa sinabi ko. Hindi na kasi siya kumibo at biglang natahimik.

"Uyy, magsalita ka naman." Pakiramdam ko napahiya na ako sa sinabi ko. Ngayon lang kaya ako humugot ng ganun at mula sa puso, ngayon lang rin ako nag confees. Hindi ko 'to nagagawa noon eh.

Nakatingin lang sa malayo si Samuel, at mukhang hindi na ako papansinin. Bigla na akong tumayo at maglalakad na sana paalis, pero bigla niya akong hinatak at yinakap.

Nakatayo na rin pala siya.

"Thank you." Bulong niya. "Ayaw naman kitang masaktan eh, bakit mo ba sinasabi yun? Mahal na kita, matagal na. Natakot lang rin ako nun, kasi akala ko wala ka namang nararamdaman para saakin." Humiwalay na siya sa pagkakayap.

Ito nanaman ang kakaibang tibok ng puso ko. Hinawakan niya ang pisngi ko at pinunasan ang mga luha kong hindi ko man lang napansing pumapatak na pala.

Nahahawa na lang ako sa ngiti niya. He's leaning closer to me, and I can't do anything but to wait. Napapikit pa ako.

May naririnig akong mga nagtitilian, natauhan naman ako dun, sabay nga kaming napadilat ni Samuel. Lumingon kami at napamulagat na lang bigla. Ang rami na pala naman audience, including Jam, Tropa ang friends, Sila Marc & Jessa, pati sila Kuya Anthony, Mama at Papa, tito at tita, basta halos lahat sila.

Hinawakan na lang ni Samuel ang kamay ko. Lumuhod siya bigla. "Hala, uyy, anong ginagawa mo?" Kinabahan naman ako bigla.

"Ms. Maine Samantha Laurel. Can you be my forever?" I was stunned by the question. Is this really the reality? Lahat na sila tahimik, pati si Samuel, nakikita ko ang patience sakanyang mga mata. If I say, yes, hindi niya ba ako itutulak palayo? Hindi na ba ako magigising? I mean, gising na ako, pero sana talaga hindi na 'to panaginip.

Silence means Yes, kaya tumango tango na lang ako. Naghiyawan naman silang lahat, bigla naman nagtatalon si Samuel, at niyakap ako.

In the middle of the crowd he hold my hands. He stare at me, parang nabibingi na ako, at siya na lang ang mundo ko. That's the cliche part though.

Isa isa na silang nagsilapitan saakin, at binabati kami, may nakiyakap pa, grabe para kaming bagong kasal.

Lumapit ako kanila Kuya Anthony at niyakap siya, ganun rin sila Mama at Papa. "Maraming salamat po sa lahat."

"Anything for our bunso."

"Sam!" Halos mabingi naman ako sa tilian ng mga babaeng 'to. Nag group hug kami. "Ang bilis ng mga pangyayare Sam, grabe, congratulations pala." Bati ni Jam.

"Aww, ako kaya kailan rin?" Nalungkot naman ata itong si Avory. Kinurot ko siya sa pisngi. "Balang araw."

"Alam mo, todo effort kami kanina, para lang malaman na hindi ka nawawala." Kwento ni Rae Rae.

"Thank you talaga sainyo ah?"

"Hinihintay ka na ni Prince Charming mo, oh." Nakita ko naman si Samuel na nakatayo lang dun. Lumapit ako sakanya. Hinawak hawakan ko naman ang pisngi niya, totoo na ba 'to? Haha.

Hinawakan niya naman ang mga kamay ko. "What are you doing?" Napanganga naman ako.

"Huh? W-Wala." Namula naman ako, lalayuan ko sana pero hinatak nanaman niya ako palapit.

"Is it okay if I kiss you?" Napakamot pa siya sa ulo.

"You've kissed me before already, why do you have to ask now?" May pagkataray na tanong ko. Nag pout naman siya at lumayo ng tingin.

Hahalikan ko na sana siya sa pisngi, at bigla siyang humarap. Kaya naman naglapat na nga ang mga labi, nanlaki ang mga mata ko. Mas narinig kong naghiyawan ang mga tao.

Nakita ko na lang na nasa gitna na pala namin si Sammy the cat.

It's just awesome how you can fall in love with a person you didn't even notice at first time you met them. Nakilala ko si Samuel in the most embarrasing way. Maybe it's fate who brought us together, pero masasabi rin naman na miracle dahil sa makulit naming pamilya. Ayaw namin nung una, pero tignan mo ngayon.

All I know now is that I'm lucky to have him.


Ever Ever After Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon