Ever ever after

6 1 0
                                    


Tinulungan na ako ng tropa na mag ayos para nga sa Christmas event na gaganapin sa mansion nila Samuel, nagplano na talaga kami na dito mag bihis para diretso na.

Nakakainis nga lang, kailangan kasi talaga, naka dress ako at high heels ako. Tas naka black suit rin si Samuel, hindi ko pa nga nakikita eh, ano kayang itsura niya?

"Ready na siya!" Napasigaw pa talaga si Melody.

Nasa loob ako ng kwarto ni Jam. Sinabihan naman nila ako na lumabas daw pag sinabi na nila. May ganun talaga eh, wala tayong magagawa.

I'm wearing a red dress. Sabi nila, so feisty daw. Nilagyan rin nila ako ng kunting make up, yung simple lang.

"Ladies and Gentlemen, Ms. Maine Samantha Laurel." Pinagbuksan pa nila ako ng pinto, nasilawan pa nga ako ng kunti kasi may flashlight pang tinutok saakin. Naglakad na ako palapit sa kanila.

Nakita ko naman si Samuel na nag aayos pa ng necktie. Narinig ko pang nagsabi yung boys, na hindi pa daw siya tapos, pero hindi yun pinansin ni Samuel.

Natigilan rin ata siya ng mapatingin saakin. Napangiti naman ako, at ngumiti rin siya pabalik.

Nagtilian naman itong mga babae, tas nag high five pa sa isa't isa. "Thank you so much guys." Bati ko sakanila.

"It's basic." May pataas taas pa ng kilay na sabi ni Avory. Niyakap ko naman sila isa isa at nakipag beso.

Hindi pa rin gumagalaw si Samuel kaya nilapitan ko na. Kahit talaga naka heels ako, mas matangkad pa rin siya. Tinulungan ko na ngang ayusin ang necktie niya.

Nang aasar namin itong mga audience namin. Natauhan naman na siya. We're gonna be late, kaya nagpaalam na kami sa kanila at nagpasalamat muli.

Samuel's driving smoothly like what he usually do. Tahimik lang nga kami, pero kinakabahan pa rin ako.

Marami ng tao sa loob ng mansion nila. Mas nafefeel ko ang kaba. Ano ba yan.

Pinagbuksan niya ako ng pinto, at nawawala na nga talaga ata ako sa sarili, muntik pa akong matipalok, buti na lang nahawakan niya ako.

"Are you okay?" Nagaalala namang tanong niya.

"Yes."

"You don't have to be nervous, hindi ka na nasanay. It'll be fine." Sana nga, hinawakan niya ang kamay ko, at sabay kaming naglakad papasok.

Naalala ko nga nung debut ko, paano kung mangyare ulit yun?

"Nilalamig ka talaga." Napalunok na lang ako sa tanong niya. "You're very beautiful tonight Maine, I wish I could kiss you, but I can't because I know it will only make you more nervous, but you don't have to, please." Hindi na lang ako kumibo sa sinabi niya. Ngumiti na lang kasi ako.

He called me Maine.

Pagpasok naman sa loob, pakiramdam ko nasa isang party kami ng isang Royal family and I'm with the prince. Nahanap naman agad namin sila Tita at Tito, nakipagbeso ako sakanila, at bumati kami sa isa't isa. Nandun rin sila Mama at Papa, pati sila Kuya Anthony. Kanina pa nga daw nagsimula ang party, we're so late. But I guess it's okay.

"Ladies and Gentleman, we only have 20 minutes left before midnight, bakit hindi muna tayo magkaroon ng isang song number coming from Ms. Samantha and Mr. Samuel, who just arrived tonight." Nagpalakpakan naman ang mga tao sa sinabi nung host. Lahat na tuloy ng atensiyon nasa amin.

"Anong gagawin namin?" Hindi mapakaling tanong ko kay Kuya Anthony. May tinuro naman siya. Ito nanaman ang pabigla biglang moment.

"Nakikita niyo mo yung piano dun?" Napatango naman ako. "You know what to do." Imbis na tumunganga ako dun sumunod na lang ako, pumunta ako sa may piano at nag ready dun. Marunong rin naman akong mag piano maliban sa guitara.

Ever Ever After Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon