Love knot

23 1 0
                                    

I slept well, last night. Yun nga lang mukhang hindi kami makakapunta sa Happiest Place on Earth ngayon. Ang lakas ng ulan eh. Napahinga ako ng malalim.

Napaliguan ko na kagabi si Sammy, at tuyong tuyo naman na siya ngayon. Nakatabi ko na nga. Pero andun pa siya sa kama. Hay pusa.

Ano naman kayang gagawin ko ngayon? Nagugutom na ako, kagabi nag order lang ako. Ewan ko lang sa lalaking yun. Speaking of sa lalakeng yun, ano naman kayang ginagawa niya? Nakapasok na siya dito sa kwarto ko, pero ako sa kwarto niya hindi pa.

At dahil dun, I have this crazy idea to sneak in to his room. Kahit naka pantulog pa ako, specifically, pajama and tee shirt.

"Sammy, dito ka lang ah?" Kinausap ko yung pusa kahit hindi naman ako naririnig. Tulog pa eh. "Pupuntahan ko lang si Samuel." Paalam ko at lumabas na nga ng kwarto ko. Dumiretso agad ako sa kwarto niya na kaharap lang ng saakin.

Kumatok ako ng mahina, pero nilakasan ko rin. Yun nga lang, walang bumubukas. Sinubukan kong iikot ang doorknob at bumukas nga yun. "Asan kaya siya?" Binukas ko ng dahan dahan ang pinto hanggang sa makapasok ako. Sinara ko rin ulit yun. Napatingin ako sa paligid. Pareho lang naman ang design dito sa kwarto ko, medyo malaki nga lang ata ito.

"Sam? Oh, Samuel?" Mahinang tawag ko.

Halos lahat ng ilaw dito sa kwarto nakabukas. Pero nowhere to be seen siya. Wala sa sala, kusina, pati sa c.r, sinilip ko na, wala talaga. Nabaling ang atensyon ko sa isang pintuan malapit dito sa c.r. Wow, talagang may isang kwarto pa siya para sa kama. Ang unfair tss.

Walang pag aalinlangang binuksan ko yun at pumasok. Tumingin tingin ako sa paligid pagkapasok. "Samuel?" Pagkatawag ko ng pangalan niya, nakita kong may gumalaw sa kama niya. Lumapit ako dun, at sa wakas, nahanap ko na rin ang dapat mahanap. Andito lang naman pala siya. Mahimbing na natutulog.

Lumapit ako sa tabi niya, ginaw na ginaw ata siya, masyado siyang nakapulupot sa kumot niya. Hindi ko na nga masyadong makita ang mukha niya. I leaned closer to him, just to see his face. But I was taken aback, when I hear a phone ringing.

Kasabay rin nun ang pagdilat niya ng mga mata. 1 ½ inch. Yun na lang ang pagitan naming dalawa. Napatayo ako ng maayos. Bumilis ang tibok ng puso ko. Napatingin ako sa pinanggalingang ng tunog, nasa tabing table lang yun.

Dahan dahan naman siyang umupo, nakapagtataka lang kasi parang wala lang sakanya yung nangyare. He look displeased though, para siyang binagsakan ng langit at lupa. Wala ata siyang pakielam sa itsura niya ngayon. Hindi rin ako makagalaw, I just stay put.

"What are you doing here?" Untag niya habang kinukusot kusot ang mga mata niya. "Can you reach the phone?" Parang lasing ang boses niya. Tumutunog pa rin kasi yung phone, at imbis na mag mukha akong tangang istatwa, kinuha ko na yun. Pagtingin ko, may tumatawag pala, at yung nakalagay sa screen, "Do not answer this call." Woah.

"Sinong tumatawag?" Ang husky ng boses niya. Pinakita ko na lang yung nasa screen. Singkit ang mga mata niya habang tinitignan yun. "Oh. Take that away." Napatango na lang ako at binalik na yun sa lamesa kahit tumutunog pa rin yung phone.

Pinagmasdan ko lang siyang alisin ang sariling kumot sa katawan niya at pag apak niya sa sahig. Masama ata ang pakiramdam niya. Pagkatayo niya napaupo ulit siya sa kama.

"Shit! Hurts like hell." He cussed, at sinasabutan niya pa ang sarili niya. He's just hurting himself. Hindi na ako mapakali, at dahil nag aalala na rin, lumapit ulit ako sakanya at nilagay ko ang kamay ko sa may noo niya, niramdam ko yun gamit ang palm ko.

Ever Ever After Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon