Special Chapter: Almost the end

11 0 0
                                    


"Sino po sainyo si Sam?" Sabay naman kaming tumayo ni Samuel. Nawirduhan naman ata saamin yung Designer. "So you're saying that you're both Sam?"

"Ahh, yes." Sagot namin ni Samuel.

"I'm looking for a girl." Mataray na sambit niya. Napalingon lingon naman ako, kami lang naman nandito ni Samuel eh.

"Eh, yun naman pala, edi sana hindi ka na nagtanong. Bakit may nakikita ka bang ibang tao dito? Kami lang naman ah, bakit kailangan—" Naramdaman kong humigpit ang pagkakahawak ni Samuel sa kamay ko kaya tumigil na ako.

"Sorry naman po, di na mabiro eh, sunod ka na lang 'te." Tinalikuran na rin kami nung bakla.

Kinurot naman ako ni Samuel sa pisngi. "Ikaw ah, wag masyadong mataray, sayang ang ganda." Biro niya, binelatan ko na lang rin at sumunod na dun sa bakla.

Sinukatan niya naman na ako para sa susuotin kong cocktail. Sa next summer pagkatapos ng pasukan, kasalan na, at ewan ko ba kung bakit kinakabahan akong masyado, kanila kuya Anthony at Ate Mara. Although matagal at maaga pa, pinagpaplanuhan kasi talagang mabuti nila Kuya.

Mag tatatlong buwan na rin ang nakalipas simula nung naging kami ni Samuel. Christmas vacation namin ngayon. Kung kami nga ni Samuel ang paguusapan, okay lang. At oo, marami na kaming nakaaway dahil sa na mi-misinterpret nila ang pangalan namin, minsan nga kami pang dalawa mismo.

Dumiretso na kami sa bahay nila Jam pagkatapos dun, magkakaroon rin kasi kami ng sariling Party, maaga aga nga lang kami, maaga pa talaga ang alas otso. Mamaya kasi syempre, family dapat ang kasama namin.

Biglang nagpasabog ng confetti si Jam pagpasok namin sa bahay nila, napakapit nga ako kay Samuel dahil sa sobrang lakas nun. "Ang sweet nanaman ng dalawang 'to." Bumitaw na agad ako kay Samuel, nakakahiya yun ah.

"Che, tumigil nga kayo." Nakairap akong pumasok ng bahay nila.

"Antaray, 'te, palabasin kita ng bahay eh." Lumapit naman saakin si Jam at niyakap ako ng mahigpit sabay halik sa pisngi ko.

Nakaready na talaga ang bahay niya, parang magkakaroon lang kami ng slumber party eh, ginawa ngang kwarto ang sala nila, puno dun ng mga unan at kumot. "Hindi ba magagalit sila Mama mo nito?" Nagaalala namang tanong ko, pero halatang wala lang sakanya.

"Ah, hindi tsaka kami rin naman mismo, ganito ang magiging party mamaya." Napa wow naman ako, buti pa sila. Kami kasi siguradong formal na formal yun mamaya sa mansion nila Samuel.

Nakita ko silang nakaupo na sa sahig, may nakalagay naman dun na malaking kumot, ang lambot nga eh. Nakihiga na rin ako.

"Uyy, merry christmas friends." Bati ko, at parang hindi nila inaasahang nandun na pala ako.

"Waah! Si Samantha!" At humiga na rin sila sa tabi ko, lahat nga napayakap saakin. "Wew." Napalingon kami sa at nakita ang mga lalakeng nakatingin saamin, sila Marky, Secret, Sam, at pati na rin ang pinsan kong si Angelo.

"Oh? Problema niyo?" Napaupo naman kami.

"Hindi kami kasya eh," Sambit ni Secret. Napatayo naman si Nicolei at binatukan siya. "Tumigil ka nga." Tinignan naman namin sila ng mapangasar na tingin.

Nakita ko si Jam na naghahanda ng pagkain, at lumapit siya dun sa may Computer niya. "Guys! Sila Jessa!" Nauna naman ako sa pagtakbo palapit dun. Nakaskype sila at mukhang makakausap namin sila ngayon. Kumaway kaway naman ako.

"Hi Jessa and Marc!" Bati ko. Narinig ko na lang na nagsunodan na rin itong iba sa likod ko. "Asan si Sammy?"

"He's sleeping." Pinakita naman nila ang mahimbing na natutulog na si Samuel. Napahalakhak naman kami.

Ever Ever After Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon