Eighteenth

7 0 0
                                    


Sapilitan nila akong pinaligo sa napakalamig na tubig. Hindi ako nakapumiglas dahil sa mga banta ni Sean. Kinamumuhian ko talaga siya. Hindi na nga ako nakatali, nilipat na rin ako sa isang kwarto, maliwanag na dito at kita ko sa maliit na bintana na mag uumaga na.

Bibigyan daw nila ako ng oras para makapagpahinga, kasi mamaya na ang big event. Tss. Kung alam ko lang na mangyayare 'to di sana naging handa na ako.

Naiisip ko lang si Samuel, asan na kaya siya? Naalala niya kaya ako? Pero siguro, abala siya dun sa girlfriend niya.

Dinalhan nila ako ng isang plato na may pagkain, pero hindi ko naman ma distinguish kung pagkain nga talaga. Hindi ko yun ginalaw. Tinatrato nila akong parang hayop, nakakabanas.

Lumipas ang araw, at hapon, umupo lang ako sa isang sulok at umiyak ng umiyak, pakiramdam ko may asido na sa lalamunan ko. Hindi ako makahinga. Naisip ko lang nga, na imbis na magmukmok ako, bakit hindi na lang ako humanap ng paraan para makatakas, mukhang wala naman sila. Mag gagabi na rin naman. Siguradong nagsisimula na yung party.

Ngunit kung kailan ako nakaisip, tsaka naman dumating ang bruha. Pumasok siya sa kwarto at may mga kasama.

"Pagandahin niyo siya ah? Yung kung ano ang inaasahan ng pamilya niya." Utos ni Keila at may bigla pa siyang tinulak palapit saakin. Yun yung dalawang make up artist ko, mukhang nahostage rin sila.

"Miss. Samantha." Napatango na lang ako at umupo.

"Wala na nga atang pag-asa." Nanghihinang sambit ko. Tama na, ayoko nang umiyak.

"Gawin na lang natin 'to, miss." Sambit nung isang bakla. Para namang pinalakas niya ang loob ko.

Pinunasan ko ang mga luha ko, at umayos ng upo. Tumango ako sakanila at sinimulan na nga namin.

Dala na rin pala nila ang susuotin kong gown, pati mga sapatos at jewelries. Natagalan kami ng kunti, ewan ko lang kung ano klase ba ang ginagawa nila sa mukha ko.

"Ganyan ang tunay na babae, kahit na hostage matatag at maganda pa rin." Ani nung isang bakla at nakipag apir dun sa isa. Napangiti naman ako.

Sakto naman na may nagbukas dun sa pinto. "Tapos na ba—" Nahinto siya ng makita ako, may pailing iling pang nalalaman.

"Okay na po sir." Sumagot naman itong bakla.

"Edi bilisan niyo na." Nakabihis na rin pala siya, may gana pa pala ang isang 'to na pumunta sa party ko. Nakita ko rin si Keila paglabas ko. Inirapan niya pa ako. "Hindi naman na siya tatagal." Narinig kong bulong niya kay Sean.

"Kami rin gumawa ng suot niya." Bulong saakin nitong isang bakla. "Pero syempre, mas maganda pa rin ang sayo."

Lumabas na kami sa kung saan kami ngayon. Dun ko lang nalaman na nasa isang abandoned apartment pala kami. May mga nakita akong tao na sumasakay dun sa isang van, para silang mga terrosist.

"Huy! Makinig ka." Tinulak pa ako ni Keila.

Lumapit saakin si Sean. "Pupunta ka dun na parang wala lang, alam nilang nawala ka, pero tuloy pa rin ang event. Siguraduhin mong hindi ka magpapahalata na nangyayare 'to." Aniya at may binigay saaking parang maliit na earphone. "Suotin mo yan, at siguraduhin mong susundin mo ang lahat ng utos namin at maririnig mo yun sa pamamagitan niyan." Tas pinagtutulak na niya ako papasok ng kotse.

Nahalata ko pang si Manong Shan ang driver namin. Nauna na ang kotse na sinakyan nila Sean at Keila. Nakasunod lang kami. Kasama ko ang dalawang make up artist ko.

"Ang ganda mo, Ma'am." Nakita kong sumulyap siya sa may rear view mirror. "Hayaan mo, hindi tatagal, matatapos na rin ang paghihirap mo. Pati ng pamilya niyo." Napailing na lang ako sa sinabi niya.

Ever Ever After Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon