Dry Run

7 1 0
                                    

"1, 2, 3—Jusmiyo. Ms. Samantha, please focus!" Napapikit na lang ako sa sigaw nung bakla.

Hindi nga ako maka focus, sino naman kayang oo? Sa sitwasyon na 'to. Kinakabahan kang masyado, tas nararamdaman mong nanginginig ang buong katawan mo at nanghihina ka pa. Ang lagkit pa ng tingin niya sayo, at sobrang lamig. Kanina niya pa ako hindi pinapansin, hindi siya nagsasalita. Parang hindi niya ako kilala.

Why is he giving me a cold treatment?

"Again, from the top." Napa close fist na lang ako. Dito lang naman sa bahay gaganapin ang event, sa second floor ang entrance ko sa may hagdan, at sa babang magkabilang side yung iba. Umakyat na ulit ako sa hagdan at naghintay sa taas, nasa baba lang si Samuel.

Unang lalabas sa magkabilaang pwesto ang mga roses at candles, partner by partner, tapos mag formation sila, at dun ako dahan dahang bababa ng hagdan. I did my best to walk gracefully, like they said.

Malapit na ako sa baba at nilahad na ni Samuel ang kamay niya, hinawakan ko naman yun. Tumigil ang tibok ng puso ko ng maramdaman kong hinawakan ni Samuel ang bewang ko. Kunting sway sway kami dun, at may ilang nakakailang na steps, pero sa wakas nagawa ko na.

"Perfecto!" Napa-palakpak naman yung dalawang bakla na nag train saamin. 'Nyete introduction pa lang yun, wala pa kami sa kalahati.

"Let's have our snack first everyone!" Mom announced. Umalis na si Samuel at dumiretso ko sa likod ng bahay, napaupo ako sa grass carpet, nagsilapitan naman saakin ang tropa, at tumabi na rin.

"Samantha, may chemistry kayo." Napailing na lang ako sa sinabi ni Mina.

"Oo nga, lalo na nung sumasayaw. Hindi ka makatingin kay Samuel, kasi naka focus ka ata sa mga paa mo, pero siya titig na titig sayo." Bigla pa silang tumili. Hay naku.

"Cheer up na nga, Sam, you're doing just fine." Tinapik ako sa balikat ni Melody. "Yeah, thanks." I said

Nakihalubilo na rin sila Marky, Secret, at Sean saamin. Ang rami ngang dalang pagkain. Pero puro junkfoods.

"Samantha, magpapasukat na muna kayo para sa susotuin niyo." Narinig kong sigaw ni Papa. "Opo pa, sila na mauna." Sabi ko sabay turo sa mga kasama niyang pinsan ko.

"Sam, ang gwapo nung pinsan mo na nakapartner ko." Ngiting ngiti si Mina sa sinabi niya. Napataas naman ako ng kilay.

"Sino ba?"

"Angelo ata ang pangalan nun." Napatango na lang ako. Gwapo nga yun, pero hindi kami close.

"Buti ka pa, ako kasi—tss." Nag cross arms na lang si Melody. Siniko naman siya ni Marky. "Bakit, anong problema mo saakin?" Mapanghibok na tanong nito. Tinarayan lang siya ni Melody, to the highest level.

"Ako nga eh, ang ingay nung partner ko. Daldal ng daldal saakin habang nag papraktis kami. Ang yabang pa." Malumanay na sambit ni Cherry. Lahat kami napalingon sa may pintuan, kung saan nagkukumpulan yung mga pinsan ko.

May isa dun na nangingibabaw ang boses. "Magiging artista talaga ko." Pagmamayabang nito.

"Sigurado ka? Ang alam ko pang janitor ka lang." Asar naman nung isa.

"Aba, gagu ka ah. Makikita mo, papatunayan ko."

"Nelson, shut it." Galit na sigaw dito ni Cynthia, yung kasintahan ni kuya John. Hanggang ngayon ang taray pa rin niya. Napahalakhak naman kami.

"It's okay Cherry. Opposites attract." I said sabay tap ng balikat niya, pang palakas ng loob. "Pero itong dalawa nga, parang wala lang." Napatingin kami kanila Rae Rae at Avory na parang may sariling mundo. Natigilan naman sila at tumingin rin saamin.

Ever Ever After Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon