Finding a way

7 0 0
                                    


Kunti lang talaga kaming sumama. Sabi na eh, hindi naman lahat kayang ma afford 'to. May kasama rin namang advisers. Kasama ko ngayon ang tropa at nakalinya na kami papasok ng airplane.

Hindi naman na kami nagtagal dun. We find our seats, at katabi ko nga lang Jam. Narinig kong nag announce pa yung Pilot, and I know siya nga yung Tito ni Samuel. I miss the moment though.

"Uy, ganda okay ka lang?" Napatango lang ako, pero oo, nakakawala kasi ng gana. "Hindi eh." Niyakap niya naman ako. "Don't worry, I'm sure makikita mo na siya." Kumalas naman siya sa pagkakayakap.

"Bakit mo naman nasabi?" Tanong ko.

"Eh, sa tingin mo basta basta na lang magpapaganito ang pamilya niyo?"

"Paano kung wala naman siya sa california?"

"Ganda naman eh, ever since the start, lagi na kaya kayong ginagawan ng paraan ng pamilya niyo." Natigilan naman ako sinabi niya. Oo totoo nga yun. Pero yung dun kasi sa sulat niya sa scrapbook hindi ko pa nga pala naikwento sakanya.

Ugh. Samuel naman kasi eh, may pag-asa ka kaya saakin.

"Pero mag tour tayo around the california diba? Paano yan?" Di mapakaling tanong ko.

"Samantha, lagi na lang ang family niyo ang humahanap ng paraan para sainyo, what if kayo naman ang humanap ng paraan? Make your own fate, find a way." Nakangising sambit niya.

May bus na sumundo saamin pagdating sa airport sa california. Hinatid muna kami sa hotel, and we're at the same hotel kung saan kami nun nag stay ni Samuel. Only not the same room.

Tig dalawang malalaking rooms lang sa boys ang girls, and one for the advisers. Lahat ng tropa ay nasa iisang room.

Nag announce na rin si Professor Willard na bukas daw ang simula ng tour namin. Yun nga lang hanggang lang kami bukas dito.

"Wala ba tayong dinner? Gutom na ako." Nakapout na tanong ni Avory. Abala na kami sa pag aayos ng mga gamit habang siya nakahiga sa kama.

"Maghintay ka Avory, darating din yun." Sabi ni Rae Rae at lahat kami napahinga na lang ng malalim.

"Ah, guys sandali lang." Biglang tumayo si Nicolei, at tumigil muna sa pag aayos.

"Saan ka pupunta?" We asked in chorus.

"W-Wala may kakausapin lang." Kinakabahang sagot niya.

"Sino si Secret? Yieee." Hindi na lang sumagot si Nicolei at tuluyan na ngang lumabas ng kwarto.

Pagtapos naming mag ayos, lahat bumagsak sa kama. Lumabas naman si Sammy sa malaking bag na kinalalagyan ko sakanya, niyakap ko ulit siya ng mahigpit. Meow ng meow nanaman siya.

Nagtaka pa nga sila kung paano ko daw siya nadala, syempre, kanya kanyang diskarte na lang yan.

"Ang ganda pala talaga dito sa California." Natatawang sambit ni Cherry.

"Oo naman, dito kaya nabuo ang love story nila Sam at Sam." Napatingin naman kay Jam na nagbibiro nanaman. Nag peace sign lang siya.

"Nga pala, hindi mo pa man lang naikwento saamin yung mga nangyare sainyo dito. Di ka man lang mag share." Halatang biro pero nagtatampong sabi ni Melody.

Napaupo naman ako sa kama at lahat rin sila nagsi upuan sa sahig. I just raised an eyebrow, patawa talaga ang mga 'to. Sakto naman na dumating na si Nicolei at nakiusyoso na rin.

Huminga naman akong malalim, at lahat sila'y natahimik na para makinig. Maliban kay Jam, na nakangiti na lang saakin.

"...it was so much more than a simple kiss. It was the kiss of welcoming and parting, the long, lingering, loving, present one; the stolen, or the mutual one; the kiss of love, joy, and of sorrow; it was a seal of a promise and receipt of fullfilment."

At hindi na nga po sila natigil sa kakaasar saakin. Ayun kay Mina, ganun daw ang mararamdaman ko pag nagkita na kami at biglang mag kiss. Duh, as if naman mangyayare yun.

Kakatapos lang naming kumain ng almusal, at kagabi pa nga sila hindi nakaka get over sa kwento ko. Bakit kaya? Anong bang espesyal sa kwento kong

'to? Walang sumasagot saakin eh. Basta daw maganda, pero hindi pa sapat yun para saakin.

"Let's go girls." Yaya nila, dala ko na ang maliit kong backpack, at nahinto bigla. Nasa may pinto na rin sila at natigilan rin ata dahil sa sudden reaction ko.

"May problema?" Napabuntong hininga ako.

"I'm not coming." I said.

"And why you're not coming?" Naka cross arms na tanong ni Melody. Sumangayon naman sila.

"Because I have to find a way." I said confidently, at ngumiti kay Jam, napangiti rin siya pabalik.

"What do you mean?" Naglakad naman ulit sila palapit saakin. Tas bigla silang nagsasayaw habang kinakanta yun, kilala niyo si Justin Bieber? At yun naging seryoso ulit. Hinawakan pa ako sa balikat ni Rae Rae.

"Mahal mo siya diba? Kaya samantha wag ka ng magdalawang isip pa. Gawin mo na yung dapat dati mo pang ginawa." Napatango naman ako sa sinabi niya.

"Yes, and I have to find him. I know he's out there somewhere, and he's waiting for me. Maybe he's just scared to see me dahil nga sa nangyare, and this time I have to be the one to find a way for us to meet again." Taas noong sabi ko at lahat naman sila isa isang nagpalakpakan.

"Edi sige. Makakaalis na kami." Sabi ni Jam at pinagtutulak na sila palabas. At nakita ko pang nag wave sila saakin habang nakapout na parang bata. Ginaya ko rin naman sila, at tuluyan na ngang sinarado ang pinto ng kwarto ko.

Dun ko lang naisip na para pala akong tanga sa ginawa ko, pwede naman kasing sumabay na lang ako sakanilang lumabas. Kinuha ko na ang mga importanteng gamit ko, kasama si Sammy at lumabas na. Sinigurado ko namang wala na sila. Nakita ko pa nga yung bus na umalis na.

Grabe, hindi man lang talaga napansin nung advisers na wala ako. Pero okay lang.

Nag para ako ng taxi sa tabi ng kalsada kung saan ako nun pinigilan ni Samuel at gustong sumabay pa ako sakanya. Wala naman ng problema ngayon kasi kaya ko na.

I'll be fine, Samuel.

Nakabalik na ulit ako sa Happiest place on Earth. I'm sure na wala pa sila dito. Mamaya pa ata, sa ibang lugar muna kasi yun mag tour, sigurado.

I presented my annual pass. Napayakap ako ng mahigpit kay Sammy. Tinignan ko ulit ng mabuti ang paligid at napahinga ng malalim. Pero naputol ang moment kong yun ng maramdaman na galaw ng galaw si Sammy. Kanina pa siya nag iingay. Pinakain ko naman na kanina 'to eh.

"What's the problem Sammy?" Nakapout na tanong ko dito. He just purrs. At nagpupumiglas talaga siya, bigla ko siyang nabitiwan ng muntik pa akong masugatan.

Hindi ko naman inaakalang tatakbo siya palayo. Na miss ba niya ang lugar na 'to kaya ganun na lang siya ka excited? Tumigil na ako sa pagmumuni muni, kasi nawawala na si Sammy, wala na siya sa paningin ko.

"Waaahh! Sammy!" Napasigaw ako at tumakbo papunta sa lugar kung saan nakita ko siyang pumunta. Ngunit bigo ako dahil wala na talaga siya. Napaupo naman ako sa may bench at nagtakip ng mukha. Iiyak nanaman ako. Una si Samuel, ngayon naman si Sammy.

"It's funny how someone is crying is at the Happiest place on Earth." Dahan dahan kong inangat ang tingin ko dun sa nagsalita. Isang babae na medyo kulot ang buhok, she's black beauty and I know her.

"J-Jessa?" Hindi naman ako makagalaw sa inuupuan ko. Siya ba talaga 'to?

"Hello Ms. Anne Samantha." Nagyakapan naman kami. Wah! Mas gumanda siya. "Jessa, I miss you too much!"

"I miss you too."

"I-I need your help." Hinawakan ko ang dalawang kamay niya.

"I know, that's why I'm here." At yung ngiti niya pang fairy godmother.


Ever Ever After Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon