Holding on

9 0 0
                                    


I'm inlove with you, I don't know when, how and why, pero ganun naman talaga pag umiibig diba? There's no reasons, you just feel it. You made me smile when you smile, pero minsan nga ngumingiti na lang ako dahil sayo ng walang rason. I'm sorry, if I always turned you off. It's my only way, to show that I'm very Inlove with you. I'm sorry if I kissed you for no reason, all I know is, it's a good idea. Sometimes, I just want to hug you tight, because after all this time you're still the only one I care about. Ms. Samantha, I just want to be with you that's all.

I'm sorry, if this happens, I know you're hurt, but you have to stay strong, okay? You have to show everyone that you will fight for me. And when I'm well. We will be together, again. I hope. Just keep holding on.

But I want you to...

Just gIve me time

so I'lL get

OVEr yoU

Sumimangot ako sa last words, ano daw? Kinabahan naman ako dun. Tsaka sus, ang corny ng lalakeng 'to ah. Siya na.

"Just give me time so I'll get over you? Hala. Anong ibig sabihin niyan?" Kasama ko ngayon si Jam sa kwarto ko, gumagawa kasi kami ng project para sa Math, pero ito natigil muna at napagusapan namin itong sulat, swerte nga niya, nabasa niya pa yun.

"Kinakabahan nga ako diyan eh." Sabi ko. Para naman siyang detective na tinitignan ng maigi yung papel.

"Baka may gusto siyang ipahiwatig?" Nagkibit balikat ako. "Kung makasabi naman kasi siya nito parang mag be-break na kayo. Naging kayo ba ganda?" Tinignan ko siya ng masama.

"Tumigil ka nga!" Bulyaw ko.

"Pero, baka mawalan ka na ng pag-asa ah? Kumapit ka lang, never give up." Ngumiti naman kami sa isa't isa at biglang tumalon si Sammy sa lap ko. Niyakap ko siya ng mahigpit at tinitigan. "Namimiss ko na sila Jessa at Marc." Mahinang sambit ko. Tinignan naman ako ng nagtataka ni Jam.

"Yung mga nakilala kong kaibigan sa California." Napangiti naman siya.

"Ah oo, naikwento mo na pala. So, wala kang communication sakanila?" Napailing iling naman ako. "Ayy, sad life naman ganda."

Para namang lumipad ang utak ko sa mga oras na yun. Kamusta na kaya sila? Miss ko na rin kasi sila eh.

I wonder when we will see each other again? At lalo na si Samuel, will we see each other again?

Sabi ni Mama, hindi na daw kami kailangan ikasal, okay na sila kanila Kuya Anthony, wala na daw problema dun. Nalaman ko rin nga, na totoo pala ang sinabi nun ni Keila, na bumabagsak na daw ang company nila kaya kailangang makipag isa saamin, para maiangat muli yun.

Pero yung kay Samuel talaga, siguro naman totoo na yun, minahal niya ako at ako... Teka, Ba't ba parang ang dali ng sabihin ng mga bagay na yun?

"Wah! Magkakaroon tayo ng tour!" Lahat kami natahimik at napalingon sa isang lalakeng sumigaw, nasa canteen kami ngayon at abala sa pagkain syempre. May hawak nga siyang isang poster.

Nagsilapitan naman yung iba sakanya, at napatingin ako sa tropa, sabay sabay kaming nagkibit balikat.

Pinaguusapan lang kasi namin ang tungkol kay Samuel na mag iisang buwan ng nasa ibang bansa, di ko alam kung saang bansa eh, ayaw saaking sabihin nila Kuya Anthony.

Marami na rin daw kasing namimiss ang tahimik, na masungit at gwapong Samuel, hindi kasi yun madalas na nagsasalita dito, pati ang tropa ko, hindi niya pa nakakausap. Grabe lang.

Ever Ever After Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon