Oh no

11 0 0
                                    


"Maine Samantha Laurel! Bumangon ka na sabi jan, at maleleyt ka na!" Napapoker face lang ako. Actually, kanina pa naman ako gising, nakaupo lang ako sa kama ko, may kung anong iniisip. Si Kuya Anthony pala yun for your information.

"Maria! Yung susi nga dito." Napatayo na ako sa kama at dumiretso sa banyo. Talagang tinawag pa yung kasambahay namin, walang hiya.

Binilisan ko na lang ang pagligo ko, syempre, inayos ko naman, nag shampoo, sabon, babad, toothbrush, etcetera. Paglabas ko nga sa banyo, nakita kong nakabukas yung pinto ng kwarto ko, wala naman na si Kuya Anthony, sinarado ko naman yun at nilock.

Dating school lang rin naman ang papasukan ko, yun ata yung school na puro pink at blue, ang Westminster University, yes, branch siya from London, no joke.

Nakacross arms lang ako habang pababa ng hagdan, nakita ko silang tahimik na kumakain, halos lahat ata busy. Si Papa nagbabasa ng diyaryo, si Mama nakatutok sa phone niya, Si kuya John nagmamadaling kumain habang may binabasang libro, at si Kuya Anthony, ang sama ng tingin niya saakin.

"Anong oras na?" Untag niya at lahat naman sila napatingin saakin, lumingon naman ako sa orasan para alamin nga yung oras.

"7:43?" I answered.

"Anong oras ang pasok niyo?" Nahinto naman ako at nagisip.

"7:15?"

"Samantha! Ba't di ka pa nagmamadali?" Galit na tanong ni Papa.

"Kasi," Napalunok ako, oo nga noh? Super late na pala ako. Lagot ako nito. "Aalis na nga po." Kumaripas ako ng takbo palabas ng bahay. Nakita ko naman yung driver namin naghihintay na rin ata, si Manong Shan.

"Kuya, bilisan mo po!" Utos ko kasanya, at sumunod naman siya.

"Late ka nanaman ma'am." Natatawa ring sambit nito.

Dapat 30 minutes ang ride papunta dun, ngunit dahil mabilis si Manong, naging 15 minutes na lang, yun nga lang late pa rin ako.

Pinasok naman ni Manong Shan itong kotse at huminto sa harap ng building kung saan naroon ang room ko.

"Mag-iingat po kayo ma'am." Napatango na lang ako. Ang weird, biglang naging feeling close yung driver namin, yung dati naming driver hindi naman tulad niya.

Halos wala ng tao sa labas nitong campus, lahat na ata nasa kanya kayang classroom. Speaking of classroom, asan kaya ako? Alam kong classmate ko sila Jam, kaya kinuha ko yung phone ko at tumawag.

"3rd floor, Room A143. Bilisan mo na, habang lumabas lang yung Professor natin." In-end ko na yung call at pumasok na ako sa elevator papunta ngang 3rd floor, pero pagpasok ko dun may isang taong bigla ring pumasok.

"Woah." Huminga siyang malalim. I think I know him. Bigla na nga siyang lumingon saakin.

"Sam?"

"Secret?"

Nagkasabay kami nun.

"Hey!" Nakipag high five siya. "Late comer ka pa rin?" Natatawang tanong niya.

"Wow, parang ikaw hindi ah." He shrugged. Meet my ex-mu, all I can say is that, he's tall, has a sharp jawline and toned but not too muscular.

"It's the way of the world." Nakangiti pa talaga siya at ginulo ang buhok ko.

"Ano ba yan!" Inayos ko naman agad ang sarili ko at lumayo na sakanya. Nakarating naman na kami sa 3rd floor, at buti na lang ang room namin dito, oo, kaklase ko siya, binilisan na nga naming maglakad papunta dun.

Ever Ever After Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon