Marc Mckinly

13 1 0
                                    

Dahan dahan akong naglakad, papunta sa parang gateway nang palasyo, tumigil ako dun at tinignan ko ito. Napahawak nga ako sa dalawa kong pisngi habang nakanganga.

"Oh.my.gosh!" Sa sobrang kamanghaan, parang tutunawin ko na ang lugar na ito sa sobrang lagkit ng tingin ko. Hindi kami nakapunta sa part na 'to kahapon, ngayon lang. This is it, the Fantasy land.

"Hey, may tumutulo sa bibig mo." Natauhan ako ng biglang may bumulong nun saakin. Sino pa nga ba?

"Shuu. Panira ka ng moment." Tinaboy ko siya palayo.

"Haha, baliw, tara na nga." Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinila na ako papasok. Hinahayaan ko lang siyang hatakin ako, kasi feeling ko hindi ako makagalaw. But it also feels like I'm the Princess, and I'm entering my own kingdom.

"Welcome to Fantasy Land, ma'am,sir." Nahinto kami ng may magbigay saamin ng bouquet, at talagang binati pa kami.

"Ah? Para saan po ito? Este, what's this for?" Nakalimutan ko nanaman na english pala dapat, pero infairness, may itsura siya.

"Trabaho po kasi namin na pag may nakikitang couples, papasok dito, binibigyan po namin niyan." Paliwanang niya at napatango tango pa ako na parang hindi makapaniwala. He spoke Filipino?

Teka, "Huh? Couples? No, sorry, we're not a couple, kailangan ko ata itong ibalik sayo." Ibabalik ko sana sakanya.

Pinigilan niya lang ako. "Oh no, It's okay po, sa inyo na po yan." Ang cute ng ngiti niya, nakakaakit. Kinuha ko na lang rin.

"Aww, okay, salamat ah? Hmm. Pilipino ka pala?" Nagtataka ring tanong ko.

"Yes po, Phil-Am, actually." He said, I almost fall out of balance.

"No way, tapos dito ka nagtatrabaho? How lucky." Napatawa naman kami.

"Ah, nga po pala, kung hindi kayo couple what's with the HHWW?" Nag buffer pa yung utak ko sa sinabi niya. Napatingin na lang ako sa kamay ko at hawak hawak pa pala ng Samuel na ito ang kamay ko, kumalas na nga ako, ngumisi pa siya. Matagal ko rin pala siyang hindi napansin, hindi naman kasi kumikibo eh. Pa-cool lang talaga siya.

Pilit naman akong tumawa. "Sinamahan niya lang ako, tour guide kung baga, nga pala I'm Samantha Laurel, you are?"

"A pleasure to meet you Ms. Samantha, I'm Marc McKinly." We shook hands. Napalingon na lang kami ng marinig na pumagak itong kasama ko.

"Hi Marc, nice to see you again. I'm Sam, Samuel Mathew ." Natawa na lang rin si Marc at nakipagkamay sakanya. Antaray lang ng Samuel na 'to.

"Yeah, same here, I thought you didn't notice, Samuel." Nakangiti lang si Marc at mukhang hindi yun nagustuhan ni Samuel.

"I think it's better if you just call me Sam. Haven't I warned you about it before?" Parang naglaho ako sa mga paningin nila, sila na lang nagkakaintidihan, at ang mas nakakagulat, magkakilala sila?

Napa 'aherrm' si Marc, "Sure, Samuel, I mean Sam."

"Magkakilala kayo?" Untag ko.

"Babe, we better go." Sabi ni Sam saakin, sabay hawak nanaman ng kamay ko.

Nanlaki ang mga ata ko sa sinabi niya, ano daw? Babe? "Eh? Sam umayos ka nga. Sige Marc ah, nice to meet you. Alis na kami." Hinila na nga ako ni Sam palayo, kumaway na lang ako kay Marc. "Basta, Marc, tandaan mo, hindi kami Couple. Hope to see you again, bye!" Nakita ko naman siyang tumawa, hanggang sa makalayo kami at nasuntok ko si Sam sa balikat. Nagmamadaling masyado eh, hindi pa ako tapos magsalita nanghihila na.

"Aray, Masakit!" Napapunas naman ako ng mukha. Bulyawan ba naman ako.

"Masakit? Mas masakit kaya yung ginagawa mong pagkaladlakad saakin!" Sinigawan ko rin siya. Ayan, pinagtitinginan na kami ng mga tao.

"Sigurado ka? Kasi ang alam ko, mas masakit yung mga sinabi mo tungkol saakin sa lalakeng yun. Pinakilala mo pa akong tour guide, nakahihiya yun! Ano na lang sasabihin niya? Magkalaban kami nun, tapos ngayon, parang mas pinakita mo na rin na talo ako!" Tinignan ko lang siya ng seryoso, pero pinipilit ko na lang ang sarili ko, mukha kasi siyang matatae, natatawa ako.

"A-Ano? Samuel naman, Salita ka ng salita, wala naman akong naiintindahan, explain muna pwede?" Napa cross arms ako. Ang labo ng lalakeng 'to.

"Dito ako nag aral from Elementary to Middle School, yung lalakeng yun ang lagi kong kalaban pagdating sa mga activities sa school namin nun. Lagi niya kong talo, hanggang sa bumalik na ako sa Pilipinas. Alam kong hindi pa tapos ang laban namin nun, at ngayon, pinamukha mo pa sakanyang, talo ako! Tsaka anong Samuel? Sam sabi!" My eyes widen. What? Ba't hindi ko yun alam?

"No Joke?" He glares at me, the deadly one. I nodded in despair. I wasn't anticipated. "Okay."

Nabaling ang atensyon ko sa hawak kong Bouquet na binigay nga saakin ni Marc. "Hindi mo naman ata kailangang magalit ng ganyan dahil lang dun." Sambit ko habang tinitignan tignan itong flower. "Aww ang cute." Inamoy amoy ko pa, ang ganda kasi talaga. I love the arrangement of the flowers, and halatang imported.

"Excuse me?" Narinig ko siyang nagtanong, pero nandito na ata sa flower ang atensyon ko. "Mas pinapahalata mong nagseselos ka eh."

"And what makes you say that?" Actually, natigilan ako dun sa sinabi ko, masyadong assuming eh, hindi ko na lang pinahalata at pinatuloy ko ang pag discover sa bouquet na hawak ko. "Oh, nothing, it's just that you know—Aww ang cute talaga." Ako na ata ang pinakamagaling magpalusot.

Hinawakan na niya ang braso ko at hinarap ako sa kanya. "Ano? Umayos ka nga." Sabi niya na naiinis.

"Wait, may chocolate pa." Oo, meron talaga, nasa gitna lang sa pinakadulo, hinalungkat ko pa yun at may nakapkap pa akong malambot, kinuha ko na rin yun. "Handky?" Nakaroll kasi na parang isang handkerchief, at mukhang natigilan rin si Sam.

"Akin na nga yan." At hindi ko inaakalang gagawin niya yun. Bigla niyang inagaw saakin yung bouquet na may chocolate at parang handky nga. Nag usok ata ang ilong at tenga ko.

"Hey! How dare you! Give it back." Nahawakan ko naman yun at hinila niya naman palayo, hindi naman ako magpapatalo.

"Ano ba! Tumigil ka nga!" Talagang hinihila niya, para na kaming nag ta-tag of war.

"Akin ito—!" Pagkasigaw ko nun, biglang nakatapon yung bouquet na hawak niya at kasama dun yung chocolate at mukhang nahati itong handky, yung isa hawak niya, nasa akin yung kalahati. Kasabay nga nun ay isang tunog ng kidlat.

~**~

Salamat po sa mag nag vote. I know you guys. Say something. :D


Ever Ever After Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon