Wrath

10 2 0
                                    


"Samantha! Tama na! Lasing ka na." Oo, nahihilo na nga ako, wala ng malinaw sa paningin ko. Pero alam kong nandito pa sila Jessa at Marc.

"No, I'm not drunk!" Napatayo naman ako, pero halos hindi ko na rin maramdaman ang mga paa ko. Nanghina ako at nang matumba ako may naramdaman naman akong sumalo saakin.

Nakita ko na lang sa harap ko si Jessa, pero hindi siya ang sumalo saakin. "Samantha, It doesn't have to be like this." I heard her say. I smirk.

"Hey, you! Let her go." Napaupo ako, at may narinig akong malakas na lumagapak sa sahig.

"What the? Sam! What did you do that for?"

"Damn you, we're just trying to help her." May nagsusuntukan na. Rinig na rinig ko ang malalakas na bagsak at tama ng bawat kamao.

"Enough! I said Enough! This isn't helping." Natahimik ulit sila at may bigla na lang humatak saakin. "Sam, just stop! Please!" I heard Jessa yelled. Hindi naman ako makalakad ng maayos. Ang sakit pa ng pagkakahawak saakin ng kung sino man 'to. Kinakaladkad niya ko.

"Ouch, you're hurting me." Nanghihina nang sambit ko, hanggang sa matipalok ako at bumagsak sa sahig.

Everything went black.

I woke up feeling heavier than I remember. Niyakap ko pa nga ang nararamdaman kong malambot sa tabi ko.

"I love you, mickey mouse." I said, without even thinking. Dinilat ko na ang mga mata. Napamulagat na lang ako sa natuklasan ko. Nasa harap ko ang isang likod ng tao.

I shriek and I pushed him down, hard. "Hey! Ouch!" I knew it, matagal na siyang gising, he's just grinning the whole time, nag eenjoy siya sa ginagawa ko. Bastos.

Tumayo naman na ako sa kama at nag ayos ng sarili. "What are you doing in my bed?" I asked trying to catch my breath.

"Your bed?" Tanong rin niya, I look around.

"No." This isn't my room. "What the hell am I doing here?"

"Ginusto mo kaya." Nakataas ng kilay na sabi niya.

"A-Ano?" I started to examine myself. Same pa rin naman ang suot ko nung kahapon. I smell bad. Jeez. Para ring may kung anong, tumutusok sa ulo ko. Ang sakit.

"Don't worry, I didn't lay a single hand on you, while sleeping. Kaya nga nakatalikod ako eh. Ikaw pa nga itong may ganang manantsing. Dinala lang kita dito, you're drunk and you keep on telling me that you want to sleep here, so I let you."

"Shut up!" I yelled.

"Tell me, do I look like your Mickey Mouse pillow?"

"No, you're worst than a mouse, you're a stinking rat!" Binulyawan ko na siya at lumabas ng kwarto.

' I don't know what happened last night. But I think it's bad, very bad. Tumakbo na ako pabalik sa kwarto ko.

Nakita kong nanginginig sa isang tabi si Sammy. Lagot, hindi ko pa pala siya napapakain. Dali dali naman ako tumawag para makapag order ng pizza man lang, para rin naman saakin.

Naligo muna ako habang hinihintay yun. Binilisan ko na lang at sakto namang pagkabihis ko, may kumakatok na sa pinto ko. Pinagbuksan ko yun at dumating na nga yung delivery guy. I paid him ofcourse. Naghanda na lang ako sa lamesa, kumuha rin ako ng platito para kay Sammy.

Tahimik siyang kumain. So do I.

Nagkaroon ng katahimikan ang mga sandali ko. Tumingin ako sa paligid ng kwarto, hanggang sa may narinig na lang akong tumutunog. Phone ko yun, nag ri-ring. I found it on my bed. It's kuya Anthony. Tumatawag siya. Nakaramdam nanaman ako ng galit.

Ever Ever After Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon