Laced

13 1 0
                                    

It rolls open, at nagmistulang itong mahabang handkerchief—ayy hindi pala. Isang t-shirt, tig-isa kami.

Nagkatinginan kami at may biglang pumatak na tubig sa mukha ko. Napatingala ako sa langit at dun ko lang nalaman na uulan na pala. Nagkatinginan ulit ako kami at naging palatandaan yun na kailangan na naming tumakbo para makahanap ng masisilungan.

Masyado kaming nalito sa lugar kaya hindi rin agad kami nakahanap ng masisilungan, kung bakit ba naman kasi wala akong dalang payong. Napagpasyahan na lang namin na pumasok sa isang shop. Halos puro nga damit ng mga pambata dito.

Medyo nag chill pa ako, aircon kasi kaya mas lalo akong gininaw. "Excuse me, miss, but can we use your dressing room? We need to change." Napalingon na lang ako kay Samuel na nakikipag usap na pala dun sa babae sa counter.

"Of course sir, just go that way." Nakita ko naman na tinuro niya yung pinakadulo nitong store, at meron nga ata dun. Tumango na lang si Samuel at naglakad na nga papunta dun. Sumunod naman ako.

"Hoy! Magbibihis ka? Saan ka naman nakakuha ng pang bihis?" Hindi niya ako pinansin hanggang sa makarating kami sa dressing room. Humarap siya saakin at may binuklat na galing ata sa ilalim ng t-shirt niya kanina niya pa yun hawak, yun yung kanina na nakalagay dun sa bouquet.

"Use your brain. You have it for a reason." Pairap pang sabi niya at pumasok na nga dun. Tinignan ko naman ang hawak ko, dala ko pa nga yung white t-shirt na tulad ata sakanya. Tuyo pa naman ito, kasi naitago ko ito sa mga bisig ko.

Makakabihis nga ata ako ng t-shirt ko, pero paano itong leggings? Nabasa rin eh, buti siya naka pantalon. Lumingon lingon ako sa paligid. A light bulb pop out from my head.

Dahil dress shop ito, surely i'll find some. Iisa lang naman kasi ang dressing room dito kaya, imbis na maghintay ako sa Samuel na yun, maghahanap muna ako ng pangpalit, except nga sa shirt. I have a brain, for his information.

Nagpatulong akong maghanap dun sa isang saleslady, at dahil nga puro pambata medyo nahirapan ako. Walang pantalon, leggings, jeggings, may short, pero magmumukhang pekpek short pag sinuot ko, brrr. May mga palda, and I think it's my siza, abot pa naman sa tuhod ko. Do I have choice?

"I think you have no other choice, Miss." Sambit ng saleslady. Napabuntong hininga ako, at kinuha na nga yung simple lang na paldang itim. Pagpunta ko dun sa dressing room hinawi ko bigla yung kurtina, at bumungad saakin ang isang nakahubad na lalake.

"Hey!" Bigla ko yung sinara. Sino pa nga ba? Walang iba, Samuel Alexis Dy Mathew Jr. Nakita ko siyang naka boxer lang. Imagine? Naka boxer sa dressing room ng pambatang babae.

Kanina pa siya nasa loob! Ano ba naman kasing ginagawa niya. Sa palagay ko, nagpapatuyo yun. Wah! Lahat ng dugo sa katawan ko, napunta na sa pisngi ko. Hindi na tuloy mawala sa isipan ko.

Nakatalikod kasi siya nun at nakabend. Hindi ko nakita yung harap, pero yung likod, yung pwet (take note: Naka boxer naman siya), ugh.

Tinakpan ko na lang ang mukha ko ng mga dala kong pambihis, at saktong lumabas na nga siya. Nagkatinginan kami at sabay rin na nilayo ito. Ang awkward.

Dali-dali na lang akong nagbihis. Buti nga't hindi nabasa ang undergarments ko. Wala akong dalang suklay, kaya hinawi hawi ko na lang ang buhok ko na medyo basa na rin.

Huminga akong malalim bago lumabas ng dressing room. Mahigpit ang kapit ko sa kurtina. I just can't believe that I'll get laced up on this kind of situation. Ang bilis ng tibok ng puso ko, nanginginig at nangangatog ang tuhod ko. Ano bang nangyayare saakin!? Hinawi ko ng mabilisan ang kurtina at nakita ko siyang nakatayo sa hindi kalayuan mula saakin.

Di ko na maintindihan ang sarili ko. Nag slow mo ang mundo. Dahan dahan ang bawat hakbang ko palapit sakanya.

Ba't ganito? Halos lahat na ata naka slow mo, maliban na lang sa puso ko na sobrang bilis ng pagtibok. Ano nga bang tawag dito?

"Samantha—!"

"Kyaahhh!"

Isang tili ng bata ang nakapag balik saakin sa realidad. Sa realidad na never mangyayare ang perfect slow mo with the one who makes your heart beat faster. Haha, what?

Nayakap ko ang bata na muntik pang madapa dahil saakin. Tumatakbo kasi siya, at napatid siya sa paa ko.

"Are you okay, Little girl?" Tanong ko habang tinatayo siya. Nag bend nga ako para makapantay siya.

"Mommy!" Masyado pang baby ang boses niya, 1 year old palang ata. Niyakap niya ako. "Whoops." Muntik pa talaga kaming matumba. Pa bigla-bigla eh. Pero ang cute ng batang 'to.

"I think you've run into the wrong mommy little girl." Biglang sumulpot si Samuel. Napalingon sakanya ang bata, at nag-iba na ang mukha nito. Hala, lagot, iiyak na ata.

"No! She's my mommy!" Niyakap niya ulit ako. Napatawa na lang ako sa kakulitan ng batang 'to. Tinignan ko nga ng masama si Samuel, pinaiyak niya eh.

"Oh there she is." May narinig akong nagsalita, napatingin ako dun, at siya na ata ang tunay na mommy nito.

"I'm so sorry, miss." Nahiya rin ata siya. Inalis na niya yung bata sa pagkakayap saakin.

"No, it's okay." Ba't feeling ko na flattered ako?

"Mommy look. Same shirt!" Sumigaw yung bata. Napalingon lingon naman ako para hanapin yung tinutukoy niya, but it's nowhere.

"Right. Maybe beacuse they're a couple." Nakangiting sambit saakin nung mommy nung bata, atsaka umalis na.

Napatingin ako sa t-shirt ko, may nakalagay dun na "I'm His." At Heart.

Lumingon din ako kay Samuel, at ganun rin nga yung design sakanya, pero ang nakalagay "I'm Hers."

Gosh, I can't look anymore. Nag cross arms ako para matakpan yung saakin.

"Nakakatuwa yung bata 'no?" Nandito na pala siya sa tabi ko. Oo, nakakatuwa nga, naalala ko tuloy sila Sarah and Sammy. Speaking of Sammy, hindi ko pa nahahanap si Sammy na pusa.

"Baka naman gusto mong tumayo?" Nakita kong nilahad niya ang kamay niya.

Tinaasan ko lang siya ng kilay at nagsirili ng tumayo. Pero hindi ko naman inaasahang ma out of balance pa pala ako.

Buti na lang nahawakan niya ang kamay ko at nakatayo pa ako ng maayos. Hindi rin naman nagtagal yung moment na yun kasi bigla umextra yung saleslady, bayaran ko na daw itong palda na suot ko.

Sabi ko nga.

Tumila na ang ulan paglabas namin pero halatang babalik rin, anytime. Medyo madilim pa ang kalangitan eh.

"Mahahanap pa kaya natin si Sammy?" Tinignan ko lang siya, pero hindi siya tumingin pabalik.

"May gusto sana akong ipakita sayo, okay lang ba?"

"Okay, saan?" Bigla na niya akong hinawakan sa braso at hinatak papunta nga sa lugar na tinatawag niyang, "Surprise!"

Weird 'no?

~**~

A/N: Kamusta po kayo? 


Ever Ever After Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon