Gang

14 0 0
                                    


Mag iisang linggo na ring wala sila Samuel sa pamamahay namin, at naging bored ata ang buhay ko simula ng mawala siya grr.

"Wala ka bang planong bumili ng mga gamit para sa pasukan?" Napalingon ako kay Mama.

"Huh?"

"Anak, 1 week na lang, pasukan niyo na, na enroll ka na nga namin." Sabi ni Papa.

"Ah okay." Tumango tango na lang ako at nagpatuloy sa pagkain.

Oo nga pala, mag papasukan nanaman, ngayon ko lang ata na enjoy ang summer, halos makalimutan ko na ang pasukan eh.

Pagka kain nga humingi na lang ako ng pera kanila mama at papa, at tinextan ko ang tropa na sumama saakin, para mamili na rin nga ng gamit. Yung iba ayaw pa, pero nung sinabihan kong libre tsaka sila pumayag, wala eh ganun talaga ang mga tunay na kaibigan.

"Sammy, asan ka?" Sinimulan kong maghanap sa kwarto ko, hindi ko kasi naririnig ang meow niya.

"Sammy." Hala, hindi ko siya mahanap.

"Bunso!" Napalingon naman ako sa may pintuan, nakatayo dun si kuya John at hawak niya si Sammy. "Pahiram muna nitong pusa mo ah?" Nakangiting sambit niya. Pumayag na lang rin ako, binilin ko na rin na bantayan niya muna, habang wala ako.

Nagbihis na rin ako, my usual style, jeans and shirt, at sa shirt naisipan kong isuot yung binigay saamin nun ni Marc sa Happiest Place on Earth, wala lang maganda eh, tsaka wala naman si Samuel.

Nagpahatid ako sa kotse papunta sa mall, dun na rin naman nila ako hinintay. Sabi daw sa food court kaya dumiretso na rin ako dun. At kung minamalas ka nga naman, ba't ngayon pa?

Nakita ko si Samuel na mag-isang nakaupo, parang may hinintay, siya lang ang tao sa pang dalawahang table.

"Huy! Samantha!" May sumigaw ng pangalan ko, nakita ko naman tuloy si Samuel na napalingon, umupo naman ako para hindi niya ko makita.

"Ano ba yan, sino ba kasi yun?" Tumayo na lang ulit ako at tinakpan ang mukha ko habang naglalakad, at nakita ko naman na agad ang tropa kong hibang.

"Late ka talaga kahit kailan. Magpapasukan na, wag naman sanang ganyan, pag pinagpatuloy mo yan, siga ka, baka maubusan ka ngunit darating at darating pa rin naman ang tunay na nagmamahal sayo." Eto nanaman po ang hugot queen na si Rae Rae.

"Hush." I said.

"Hi Sam." Nakita ko naman si Marky na ngiting ngiti. Nginitian ko na lang rin siya pabalik.

"NBS na tayo, dali." Hindi mapakaling sabi ko.

"Ano? Kanina mo pa kami pinaghihintay, gutom na kami." Nakasimangot na sambit ni Avory, the plump one.

"Pero—"

"Kain muna!" Sabay sabay na sigaw nila. Napatayo naman ako at pinalo ang lamesa. "Fine." Ayan nakangiti na sila.

Nag order na lang muna ako ng snack, burger, fries, and softdrinks.

"Woah. Ayos." Masayang sambit ni Avory. I rolled my eyes.

"Sandali nga, asan si Jam, Nicolei at Cherry?"

"Si Nicolei hindi pinayagan, si Jam, ewan may pinuntahan ata." Mahinang sambit ni Mina, the sassy one.

"Ganun?"

"Yep." Nag agree naman si Melody, the artist.

Gusto ko kasi meron talaga silang title, sila kasi ang totoo kong mga kaibigan as in Truepa ko, Si Rae Rae, hugot queen, si Mina, sassy one, Melody, the artist, and Avory the Plump nga, si Nicolei, the hoyden, Cherry is the sweetest, si Marky naman kasi, hindi kami masyadong close maybe the weirdo, and Jam, my girl, and speaking of, parating na siya.

"Woah, hindi niyo man lang ako hinintay ah." Umupo siya sa harap ko.

"Eh, basta bilisan niyo na." Napalingon lingon naman ako, tumingin ako sa pwesto ni Samuel, at nakita kong may kasama na siyang babae. Aba ang bilis makahanap ah. Napairap ako in place.

"Ang ganda ng T-Shirt mo ah." Nakabalik naman ako sakanila, si Jam yung nagtanong.

"Ah oo. Galing 'to dun sa Calfornia." Sabi ko habang lumilingon lingon pa rin.

"I'm his, pala ah?" Pagharap ko bigla na lang akong napaatras ng nasa harap ko na siya. Pasaway talagang babaeng 'to. "Jam!" Tinulak ko siya ng mahina. Nakita ko naman na tumawa sila.

"Hala, sige, dun na tayo, mukhang paalis naman na yung Asawa mo." Nakangising sambit ni Jam. Sinimangutan ko siya. Pero oo nga, paalis na sila Samuel at yung kasama niya. Kilala ko ata yung babae ah.

"Diba si Leila yun?" Napatanong naman si Mina, and I nodded. "Siya nga."

Dumiretso na kami sa NBS para mamili ng school supplies. Sayang nga lang hindi kami kumpleto.

Kasama ko si Jam, namimili na yung iba ng Notebooks, Ballpen etc. Si Jam naman, wala atang matinong magawa, sumunod siya saakin at sumama na rin na tumingin tingin ng mga novels, kahit hindi niya naman ito tipo. "Ganda, knock knock."

"Who you?" I replied. Nagkalapit naman ang kilay niya. "Haha, who's there?" Sumagot na lang ako ng maayos. Busy ko sa pagbasa ng description nitong isang libro na nakuha ko eh.

"Samuel."

"Samuel who?"

"Samuel down the road." Tinignan ko naman siya habang nakataas ang isang kilay.

"Wala ka bang magawang matino sa buhay?"

Nginisian niya ako. "Seryoso ko ganda, he's somewhere, over there." May tinuro siya sa isang section ng bookshelves, may nakita nga akong isang tao na naglakad papunta dun sa isa, pero hindi ko nasilayan kung sino yun.

Paglingon ko sakanya naglalakad na siya paatras, habang winiwave wave pa ang dalawang kamay na parang isang multo. "Ohh." Hanggang sa makapunta siya dun sa isang bookshelve pero nagpakita muli, "Bye ganda. Alis na ako ang boring dito." At bigla na nga siyang naglaho.

Napalingon lingon ako sa paligid ko, ako lang pala ang nandito, nasa pinakadulo kasi ako, umupo na nga ako sa sahig, mukhang maganda kasi itong librong nakuha ko. Makapagbasa muna nga.

Kinuha ko yung ipod at earphones, nagpatugtog ako ng isang music na napaka soothing sa pandinig, parang background music lang walang kumakanta, maganda kasi siyang pakinggan pag nagbabasa ka.

Medyo na bore naman ako dito sa binabasa ko kaya tumayo muli ako at naghalungkat, I looked up, and there I saw some better books. Napahinga akong malalim. Ba't ba naman kasi ang baba ko? I tiptoe at sinubukang abutin yung isang libro, ngunit bigo ako, nagtatalon pa ako, pero hindi pa rin.

Nang may bigla akong nakitang umabot nun, pinagmasdan ko lang na kunin niya yun hanggang sa lumingon na ako sakanya, nasa harap ko siya, ang lapit namin sa isa't isa. Okay, siya na ang matangkad.

At gwapo.


Ever Ever After Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon