Wrong side-out

14 2 0
                                    

"Oh my gosh! Can you believe that? I became a hero here, at the happiest place on earth!" Nagtatatalong sabi ko kay Samuel, hindi lang talaga ako makapaniwala sa nangyare. Di ko nga alam kung bakit ang tahimik niya at iba naman ang tingin dito sa pusa.

Naglalakad lakad na ulit kami ngayon, kakatapos lang kasi nung parade, at naging instant sikat pa ako dito. Halos lahat nagtitinginan saakin. Nginingitian ko na lang sila.

Itinaas ko nga ang pusang niligtas ko. "I'm so glad you're okay." I said sabay yakap ko pa dito. It just answered a very cute, 'meow.' Naku, nanggigigil ako. Dadalhin ko lang talaga ito. I look at Samuel, at iba talaga ang tingin niya dito.

Siniko ko na nga, dahil hindi ko na nagugustuhan ang inaasta niya. "May problema ka ba ah?"

He shook his head. "You really should let go of that cat. I think it belongs here." Tinignan ko siya ng pamatay na tingin.

"Seriously? Why would I even do that? I saved him. Tsaka paano mo naman nasabing, 'it belongs here, ah? Aber. Alangan namang pakalat-kalat lang siya dito." Pairap na sabi ko. Huminga siya ng malalim.

"Well, it's his work. Walang naghahanap sakanya diba? Walang ibang nagmamay-ari, kasi kung meron, natataranta na yung may ari niya at siguradong hinihingi na sayo ngayon, lalo na't nakakuha ka ng maraming atensyon. Sa tingin ko, dito na talaga siya nakatira. There are others like it, if I'm not mistaken, baka nagtatago lang sila, and this one, I guess, ay gumagala. You see, Samantha, there are only two important mouse here, and they're Mickey and Minnie Mouse, but the others are not welcome, every night, kailangan mag ronda ng mga pusang katulad niya para patayin at kainin ang mga ito. That's my hypothesis, which I think is true." Napa 'meow lang itong pusa at na speechless lang ako sa nakakagulat at the same time nakakabanas na speech niya. Eh ano naman, kung ganun? Basta akin na siya.

"Mommy, she's the princess who saved the cat. I wanna meet her." Napalingon ako sa pamilyar na boses na yun. Sa di kalayuan may nakita akong bata na hinahatak ata ang Mother niya. Palapit sila saakin?

Biglang ngang tumakbo yung bata saakin.

"Hello." Mukhang nahihiya pang bati niya. "Thank you for saving the cat." Yumuko naman ako para maka-level ko siya.

"You're welcome, little sir, would you like to hold him?" Inabot ko sakanya ito, walang pag-aalinlangan niya naman itong hinawakan at kinuha. Tinitigan ko naman ang napa cute na mukha ng batang ito. Halata ngang foreigner siya. Maputi, blonde, kulot.

"What's your name?" I ask curiously. He look at me and smile, aww, dimples.

"Dear Princess, My name is Sammy." Pa-manly na sabi niya. Ang cute lang talaga. Pero napalingon ako kay Samuel, he looked away, hayy naku.

"Wow, Sammy, you have a nice name. And may I ask why are you calling me Princess?" Natigilan naman siya at parang nagulat sa sinabi ko.

"Because you're a princess, you look like one, and I can see your Princess potentials." Nag blush pa siya pagkasabi nun, parang nangamatis ang mukha niya. Napangiti naman ako.

I was about to say something, when someone suddenly appears. "Woah, okay. Enough with that, kid." Hinila niya ang bata at niyakap. Napatayo naman ako ng maayos. "I'm so sorry about this, he's a bit obsessed, you see."

Ever Ever After Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon