'Welcome Freshmen, Sophomores, Juniors, and Seniors' Isang napakalaking banner na nakapost sa mismong gate ng school na pinapasukan ko ang sumalabong sa akin. Hell yeah. It's the first day of school, sana naman new school, new life. Ayoko na kayang maging Anti-social or something. I've done counseling na before so pakiramdam ko okay na okay na ako.
First time ko dito, so siguro normal lang naman kung sabihin kong kinakabahan ako diba? Grabe naman kase paanong hindi ka kakabahan eh feeling ko first year college ulit ako dahil wala akong kakilala sa mga kasama ko dito sa malaking gymnasium.
Kaagad naman akong dumukot ng candy sa bulsa ko para hindi ako kabahan, buti na nga lang lagi akong nagdadala ng mga candy sa bulsa ko. Diyos ko! Help me! Siyempre kahit naman maganda ako kinakabahan pa rin ako. Charot?
Wala naman akong magawa kaya pinagmasdan ko na lang yung kabuuan ng school since wala naman akong time nung enrollment para pag-aralan yung architectural design niya. Feeling ko mga Europeans ang mga may-ari nito kase yung style talaga niya is para kang nasa ibang bansa at napaka-calming niya tignan.
Habang nandito ako sa gymnasium parang minamata ako ng mga juniors na kasama ko para bang tinatantsa ako or whatever, basta bahala na kaya ko naman sigurong mag survive ng dalawang taon dito.
"Friend, tignan mo oh si Andrew dumating na!"
"Ay! Syet! Friend lalo siyang gumwapo at ang hot niya pa, magpapakasal na talaga kame!"
"Gaga! Hindi ka gusto non ako kaya nag dahilan kung bakit dito nag-aaral yan!"
"Hoy! Wag ka ngang ambisyosa ako ang mahal ni Andrew my loves."
May dalawang baliw na magkaibigan ang nag-aaway sa gilid ko. Hindi ko nga alam kung sinong pinagtatalunan nila, para naman silang mga engot eh. Nakakaasar lang yung kakulitan nila though hindi ko naman sila masisisi kung mahal nga naman talaga nila yung pinag-uusapan nila, sino nga ba yun?
"Ladies and Gentlemen again welcome to the Agonizing Heart of Jesus College" Yan ang huling sinabi nung dean at nagpalakpakan ang mga tao. Salamat naman natapos din ang mala nobela niyang speech.
Sobrang haba nung program grabe, halos matulog na ako sa kinauupuan ko, halos wala na ngang nakikinig eh, siguro kung meron man yun na yung mga journalist na obligado para sa school paper, kawawa naman sila. Nakakainis pa is wala akong kilala tapos parang ang daming maaarte ang dami din namang mga nerds dito. Weird!
"Miss Fletcher welcome to our school I hope you'll enjoy your stay here, and if you need something don't you worry to approach me, I am always available here in my office"
"Thank you Ma'am" Tradisyon na ata ng school na to' na bawat new students ay wine-welcome ng mga counselors isa-isa, grabe naman sa dami ng mga estudyante dito di ka sila mabaliw? Well hindi ko na naman problema yun so hahayaan ko nalang sila.
Naglalakad ako sa corridor ngayon hinahanap ko pa yung room ko.Naiwala ko kasi yung map na binigay kaninang orientation. Bakit nga ba kase ang laki ng school na to? Masyado talaga siyang malaki para maging isang college lang dapat talaga university na to eh!
Tinry ko namang mag hanap ng mga guides pero meron ngang guide hindi ko naman maintindihan! Don't get me wrong ha? Hindi naman ako slow or what, talagang magulo lang yung mga guides na nakadikit sa bawat bulletin.
"Thirty-seven, thirty-nine, forty." Palingon- lingon pa rin ako sa mga number ng mga classrooms at iba't ibang mga directions sa wall nang may biglang nakabangga sa akin. Invisible na ba talaga ako at ang hilig akong banggain ng mga tao?
BINABASA MO ANG
Until Forever Ends
Romance(Tag-lish Story) Amber and Andrew met during college they were fire and ice back then until it ended into something romantic, but an unfortunate event drifted their paths together without any sense of closure years later they would meet again no l...