Chapter 4

490 10 7
                                        

          Andrew's Point of View

 

          I really don't know what's up with that girl, grabe siya maka-pag mood swing, nakakainis. Ganun ba talaga pag babae? Paiba-iba ng ugali? Minsan sobrang mabait minsan parang engot na hindi mo maintindihan!

          May mga time na kapag inaasar ko siya okay lang pero minsan naman konting tukso ko lang galit na galit na agad, parang ang laki naman ng kasalanang ginawa ko sakanya para lang nung tinakpan ko yung mata niya.

          Tinakpan ko lang mata niya galit na galit na. Wala naman akong ginagawang masama. She is really annoying! I don't understand girls. 

          I feel stupid sitting here. Tinitignan ko lang mga ka blockmates ko na sobrang lakas magkwentuhan. I usually don't do this kadalasan lumalabas ako para magbasketball pero ngayon di ko mapigilang panuorin sila. Bakit nila kailangang lakasan ang boses nila eh ang lapit lapit lang nila sa isa't isa? Damn.It's too irritating.

          Sobrang boring pag wala yung babaeng yun wala akong maasar. I wanted to play with her. I mean yung mukha niya pag tinatawag ko siyang Ambie nakakatawa, why? I find the name cute.

          Saka masarap siyang kakulitan, hindi siya yung mga babae diyan na obsessed na obsessed saken na kulang na lang magpatayo na ng sari-sarili nilang mga fan clubs. I never understand girls.

           "Ayoko yung partner ko sa Filipino" I heard her proclaim and what's worse is she has a disgusted look in her face at lahat sila dun tumatawa.

          I know it's not a big deal, but i feel insulted. Parang nabuhay lahat ng nerves ko at feeling ko natapakan ang ego ko, yes I'm egoistic. Wala pang babae na gumagawa sa akin ng ganito, well kung meron man di naman ako ganun ka apektado, but what's happening with me?

          Without knowing nilapitan ko siya dun, I don't know what exactly is happening but I couldn't care less. Hindi na in ako makapag-isip ng maayos basta bigla ko na lang nahanap ang sarili kong galit na papalapit sa kanya.

           "If you don't like me as your partner, well the feeling is perfectly mutual Miss, pwede naman natin tong ipaayos kay Professor Galang" Then I left her hanging, tinalikuran ko na siya agad, baka kase ano pang masabi kong masasakit na mga salita.

          Marge's Point of View

 

          Gulat na gulat ako bigla na lang siyang lumapit at nagsalita nang kung ano-ano yung mga kaibigan ko nga tinitignan ako na para bang nagtatanong yung mga mukha nila ako naman wala kibit balikat lang.

         

          Hindi ko naman kase talaga naintindihan yung mga sinabe niya, baka naman nagtake ng drugs kagabe?Thir year college na kame, oo pero bakit napaka immature niyang mag-isip? Okay sige hindi ko na itatanggi immature kami pareho para kaming mga high school students na nagliligawan.

          Lumipas ang mga araw hindi na kame nagpapansinan para bang normal na block mates lang, walang pakelamanan ang drama. Nasanay na rin ako, siguro dahil busy rin kasi malapit na ang finals period namin. Nag half-day lang ako ngayon, masama kasi pakiramdam ko nahihirapan nanaman akong huminga.

          Siguro dahil lang sa weather medyo mainit na kase yung panahon.

          Pagpasok ko naman hinila ako kaagad ni Rica, para daw mag "Truth or Dare" kame, mga isip bata talaga tong mga to, Seriosly, Pano ko sila naging kaibigan? Hindi man lang nila inisip na sa makalawa ay start na ng finals exam. Pero naisipan ko na ring sumali since ngayon lang ako makakapagtry na maglaro ng ganitong game, wala naman akong masyadong friends back then eh.

         Okay lang naman siguro 'to? kasi kami-kami lang naman nina Leo, Rica, Sab, Gem, Kyle, at Nicx. Maliban kasi kay Rica at Leo ay medyo napalapit na ako sa iba kong blockmates sa dami ba naman ng kaibigan ni Leo at Rica malamang damay na rin akosa squad nila.

           "Grabe nawawala stress ko sa game na to, nakakalimutan ko yung mga lecheng projects naten na sumabay pa talaga sa finals" pagbubulalas ng daing ni Sab

            "Tama na yan! Pinaalala mo pa eh! Hala sige larga na, iikot na yan!" Singhal naman ni Rica.

          Nakakatawa talaga sila, I mean seriously sumasaya sila dahil lang sa isang simpleng laro? Ang buhay talaga para sa kanila ay hindi komplikado, sana ganun din ako, sana hindi ako maagang na-open sa mga bagay-bagay.

          Sana normal na teenager lang din ako, gaya ng mga kaibigan ko.

          Mabagal lang ang ikot ng note hanggang sa kasamaang palad saakin pa talagatumapat, ang swerte ko naman ata? Kakapasok ko pa nga lang eh ako na agad napagdidiskitahan. Ano ba yan!

           "Truth or Dare?"  Parang batang tanong ni Kyle. Yuck para talaga kaming mga isip batang ewan! Hindi ko mapigilang mapailing at matuwa, it flutters my heart na with small things nakaka pag-enjoy kami.

          Baka naman dapat Interrogation or Humiliation. Yun dapat ang title ng game na to eh, wala kang kawala kahit anong piliin mo sa dalawa.

          Mga hinayupak baka kung ano ipagawa saken pag nag dare ako. Basta bahala na mag tu-truth nalang ako, for sure wala namang kwenta magtanong ang mga ito at ayoko namang mapahiya pag nagdare ako no, iba-iba umiikot sa isip ko. Baka pasayawin nila ako or whatsoever gaya ng mga nakikita ko sa mga classmates ko before which is really nakakahiya!

           "Osige, Truth ako."

           "Aba, Marge tumatapang ka na ata ngayon" Tapos sabay sabay silang nagtawan.

           "Sa lahat ng mga ka-blockmates mo sino yung na gagwapuhan ka, yung tipong gusto mong iuwi sa bahay at i-rape?" Tanong ni Sab

           "Yuck Sab! OA naman yung mga terms mo! Bakit ko naman gugustuhing i-rape!? Ewww!" Hindi ko mapigilan ang paghalakhak.

           "Basta sagot nalang, wala ng evasive!" May umepal pang isa hindi ko na napansin kung sino.

           "Okay. Basta wag niyo lang ipagkalat at ano lang naman parang infatuation or something kase siya lang naman naka close ko na lalake well maliban naman sainyo alangan namang kayo crush ko, worst nightmare! Hahaha! Saka wala na din akong choice wala ng ibang gwapo eh" paliwanag ko sakanila para malinaw ang usapan, baka umabot pa kase hanggang kabilang barrio pag hindi ko agad na lininaw mabuti ng maayos ang usapan.

           "Sinabi ba naming mag-explain ka?!" Sabay-sabay nilang sagot saken ano to speech choir? Nagpractice kaninang break? Kulang nalang dumikit ako sa pader sa pagsagot nila eh!

           "Si Andrew" Honest kong sagot, eh sa wala na naman akong masasagot. Alangan namang isagot ko yung nerd kong kablockmate na tumigil na yata sa paglake. Oops, medyo ang sama ko lang. Joke lang yun.

          Lahat sila na-shock as in yung mga mukha nila gulat na gulat, ano namang nakakagulat don? Para crush lang eh saka andami namang maycrush sakanya tapos nagulat pa sila. Engot talaga mga to'

           "As in Andrew Torres?" Excited na pagco-confirm ni Rica

           "Yung bunganga mo!" Kasasabi ko lang na wag maingay eh! "Saka ano namang nakakagulat kung siya yung crush ko, eh halos lahat nga ng babae sa campus sambahin siya eh."

           "Marge, sa lahat kase ng babae ikaw yung least na pumapansen sakanya, alam mo yun? Yung tipong parang kinukulit ka na niya pero wala pa ring epekto sayo, tapos, kunwari ka lang pala! Pinagnanasaan mo din!"

           "HA-HA-HA! Grabe nakakatawa!" Sarkastikong tawa ko, grabe naman kase sila mag-explain no, sorry naman.

           "Speaking of!" Malanding sabi nila sabay lingon sa likod at pagtingin ko naman andun si Andrew at nagkatinginan lang kame kumalabog ang puso ko at bumilis ang paghinga ko, pero wala namang expression yung mukha niya. Blangko, may suot na namang maskara.

xx

Vote & Comment!


Until Forever EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon